Chapter 36

1K 32 1
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.




XENIA


"Sad ako." Nakatayo ako ngayon dito sa pintuan kaharap ang nakahiga pa rin hanggang ngayon sa kama na si Gabriella.

"Love, you just came thrice, kulang pa ba?" Nakangising sagot pa sa akin nito. Sarap burahin ng ngiti, kainis!

"Wala ng ulam! Nagugutom na ako!!" Padabog akong bumalik sa kama at saka siya dinaganan. Panong hindi ako magugutom eh pinagod lang naman ako ng husto nitong babaeng 'to.

"Hahaha. okay, okay, anong gusto ng mahal ko?"

"Pagkain."

"Kakain ka? You like?"

"Oo."

"Okay go, you can eat now." Pssh! Kanina gusto ko siya kainin ayaw niya naman. Pag ako bumawi sinasabi ko sa kanya yari talaga siya.

"Gaga. totoong pagkain kasi." Natawa naman siya at yumakap lang sa akin.

"Like mo na ba ako?" Tanong niya. Siguro naman obvious na I'm starting to like her, hindi naman kasi ako maiinis sa mga nakikita ko if wala siyang epekto sa akin. Hindi naman ako indenial sa feelings ko, sadyang tinitimbang ko lang kung ano ba talaga yung totoong nararamdaman ko kasi mahirap mag assume, sample nalang na akala mo mahal mo pero awa lang pala yung nararamdaman mo, mga tipong ganoon.

Bago lahat sa akin 'tong nararamdaman ko. Doing the deed with a girl, thinking to ask a girl to date me, my sexuality, all these feelings. Hindi ko naman sinasarado ang utak at ang nararamdaman ko pagdating sa mga ganitong bagay.

Alam kong normal din naman magkaroon ng girl crushes, may mga crush din naman akong girls but siyempre hanggang doon lang yon. Iniisip ko din naman na baka attraction lang pala 'to pero kasi when it comes to her, its different. Merong something.

Atsaka narealize ko din na baka siguro oras na para pagbigyan ko yung sarili ko makaramdam ulit ng mga ganitong bagay.

"Secret, no clue." Pang aasar na sagot kanya sabay kindat.

"Hala, gaya-gaya. Ang daya." Sagot nito at saka binigyan ako ng mabilis na halik sa labi, sa ilong at sa magkabilang pisngi.




"Gabbi, balikan pala natin yung sasakyan ko, nasa skye pa yata." Tumango siya at nagdrive papunta Skye. Kakatapos lang namin mag dinner dito sa labas, hindi ko na siya pinagluto dahil alam kong pagod din siya. Mabilis lang kaming nakarating sa Skye at nandoon pa nga ang sasakyan ko sa Parking lot. Nag drive ako pabalik ng condo ko at kasunod ko din siya.

"Sleep ka dito?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko siya katabi tonight, medyo nagiging clingy ako sa kanya ngayon pero anong magagawa ko eh sa gusto ko siyang kayakap. Napansin ko na napahawak siya sa ulo niya pati sa mata. Sumasakit pa din ba ang ulo niya? "Masakit ulo mo?"

Tumango lang ito sa akin at niyaya ko na siyang mahiga sa room. Nag shower lang ako sandali at nakita ko siyang nakapikit na, tumabi muna ako sa kanya at marahang hinilot yung ulo niya.

"Mahal, can you please get the medicine in my bag." Lumabas muna din ako ng room para kuhanan siya ng tubig, hinanap ko rin agad sa bag niya yung gamot. Sa tingin ko madalas sumasakit ang ulo niya. Pinainom ko muna siya ng gamot bago ako humiga sa tabi nito.

Nakahiga siya ngayon sa bandang dibdib ko at nakayakap, hinahaplos haplos ko naman yung ulo niya para maibsan kahit papaano yung sakit. Ako naman ay nanonood lang, medyo may kahinaan yung volume ng TV ko dito sa room kasi ayoko naman siyang magising sa ingay.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon