Chapter 40

947 36 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


XENIA

Vince Romero:
San ka?

Me:
Auto-shop

Vince Romero:
Can I come over?

Alas otso na ng gabi at nandito pa ako sa autoshop, tamang tambay at check lang ng business.

Me:
oks

Halos nandito lang ako simula pa kaninang umaga tapos nung tanghali nagkaroon ng emergency virtual meeting kasama ang mga dean and other heads ng University, Christmas break pa din and next year pa ang resume ng classes pero may mga issues na biglaan kailangan gawan ng actions. Sunod sunod kasi ang professors ang nareresign, hindi namin alam sa ngayon ang reason pero I think we need to investigate baka kasi may pagkukulang sa part namin kaya umaalis sila.

Open ang autoshop until 11pm kaya hindi ako natatakot mag-isa dito dahil nandito lang din yung ibang employees at mechanic.

Tomorrow is Gabriella's birthday, nakakalungkot lang kasi hindi ako makakapag celebrate kasama siya atsaka hindi pa rin naman kami tuluyang nagkaka ayos. Hindi na rin siya nagpaparamdam, nag message naman siya like the usual updates and other things tapos ayun wala na. Buong araw na naman siyang hindi nag memessage. Hindi ko na rin inusisa kung kasama niya pa yung ex niya, bahala siya, buhay niya naman yan, gawin niya kung anong gusto niya gawin. Nag message din naman ako sa kanya, update lang sa pet niya baka kasi isipin niya na pinabayaan ko, hindi naman ako ganoon kasama pag dating sa alaga niyang hayop.

Kahit pa may tampuhan kami ay nag che-check pa rin ako sa online kung anong pwedeng regalo ang ibigay sa kanya, hindi ko napaghandaan kasi nga wala ako sa wisyo nung mga nagdaang araw. May regalo naman talaga ako, hindi ko lang alam if magugustuhan niya at kung kaya niya ba gamitin, kailangan ko pa siguro ituro sa kanya pag binigay ko iyon. Kaya ito ako ngayon, naghahanap pa ng pwedeng iba pang bagay. Magkaibigan pa rin naman kami, pwede ko naman ibigay 'to as a friendly gift, wala namang masama dun.

Napakunot ang noo ko ng makita yung isang taong hinihintay ko din na dumating, bakit ganito ang itsura niya ngayon? Saang rambol ba nagsuot ito?

"Anong nangyari sa'yo?" Hinawakan ko pa yung mukha niya medyo napangiwi pa siya sa sakit. May dugo yung labi niya at may pasa ang mukha, pinaupo ko siya sa couch at madaling kinuha ang first aid kit.

"Sorry, masakit ba..teka lang sandali nalang 'to." Nakaconcentrate ako ngayon sa paglalagay ng gamot sa sugat sugat nitong mukha. "Ayan, ayos na."

"Thanks, Xen." Pasasalamat sa akin ni Vince

"Father mo ba?" Tanong ko, na sesense ko naman kasi na yung tatay niya ang may gawa nito sa kanya, nakwento niya din naman kasi sa akin na controlling yung tatay niya. Tumango lang siya sa akin, napayuko nalang ito at maya maya pa ay sumandal na din naman sa upuan. Hinayaan ko na muna siyang ikalma yung isip niya. Sobrang awang-awa na ako sa taong 'to.

"Didiretso sana ako kay Julia kaso ayaw ko makita niya na ganito yung nangyari sa akin, iisipin kasi nun siya ang dahilan, ayoko naman biglang lumayo siya. Eh ikaw lang naman kaibigan ko na makakaintindi sa'kin ngayon." Si Julia, ang babae ngayon sa puso ni Vincent.

"Alam mo yung daddy mo yung tipong kakausapin yung jowa mo tapos sasabihan ng ito sampung milyon layuan mo lang ang anak ko." Pagbibiro ko na ikinatawa niya naman. "Hindi imposible yan sa ugali ng tatay mo." Ngayon palang naaawa na ko kay Julia. "Alam mo kung ako sa'yo, umalis ka sa mga magulang mo, magtayo ka ng sarili mong firm, kaya mo naman yun para na rin malaya na kayo ni Julia."

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon