Unedited. Grammatical & Typographical errors ahead.
—
GABRIELLA
"Gas, close, then break. Okay? H'wag mo pigain yung throttle if mag be-break ka kasi hindi titigil yan." Ipinakita niya yung form sa akin ng kamay pag nakahawak sa throttle. All my life akala ko basta pipigain mo lang aandar ka na tas break lang if gusto mo na tumigil pero hindi pala ganoon, may mga tamang formation pa pala at uses yung mga ganito. Maaga kami umalis kanina, around 5:30 am then 7:00 am ay nandito na kami sa track, dito rin pala nag pa-practice ng drifting si Nia pero ngayon tuturuan muna nila ako sa pagmomotor.
Akala ko naman pang kanto teachings lang yung gagawin sa akin ni Nia, more on profesional pala. Pinakilala niya din ako kay coach Sean na isa pang nagtuturo sa akin.
Hindi ko pa gamit yung binigay niyang motor kasi sabi niya hindi ako doon mag i-istart, pinagamit nila sa'kin 'tong automatic na motor bike. Aralin ko daw muna yung pag papaandar and some maneuvers then saka nila ako tuturuan gumamit ng motor na may clutch.I'm already wearing my full gear, required din kasi sabi ni lalove.
"Ready love?" Tumango naman ako. Nakasampa na ako sa motor. "Piga ng gas, love." Hawak hawak ko na yung throttle. "Dahan dahanin mo lang." Medyo kinakabahan ako kasi mamaya biglang bumulusok 'tong motor.
"W-Wait love."
"Slowly lang, love. Nakasunod kami sa likod mo." Dahan dahan naman umandar yung motor. "Okay, sige piga pa sa gas. Para ka lang nag ba-bike niyan."
And truth to be told, para nga lang talaga akong nagba-bike lalo na nung makuha ko na yung tamang timpla ng gas and breaks. Nakasunod naman sila Nia sa akin, tumatakbo lang din sila if medyo napapabilis ko yung andar.
In fairness naman kay Nia magaling talaga siya magturo at alam na alam niya yung ginagawa niya. She told me that she learned how to ride motorcycle when she was in highschool. Kakaiba talaga ang mga hobby niya sobrang taliwas sa mga ginagawa ko.
Kaya naniniwala din talaga ako sa kasabihan na Don't judge the book by its cover. Sa itsura ni Xenia hindi mo aakalain na gusto niya yung mga ganitong hobby, sa unang kita mo sa kanya mapagkakamalam mo pa siyang vlogger or beauty guru na mahilig mag upload ng make-up tutorials sa sobrang kikay o di naman kaya fashion model na laging nagpopost ng ootd sa instagram pero kabaliktaran ito ng mga ginagawa niya.
Nag eenjoy naman ako kakaandar dito, hindi pa nila ako pinapaikot sa buong track dito lang daw muna sa straight para masanay ako.
"Very good, mahal. Now, iikot ka na and h'wag ka masiyadong magfocus tumingin sa manibela kasi hindi mo alam kung sino na yung nakakasalubong mo. Look straight." Tumango naman ako sa inutos nito sa akin. Nakailang balik balik ako para mas mahasa pa daw ako and sa nakikita kong mukha ng girlfriend ko ngayon sa tingin ko ay satisfied and happy naman siya sa ginagawa ko.
"So, am I an official member of your motoclub?" I teasingly asked. After ng practice ay nag quick snack muna kami dito sa malapit na cafe sa track.
"No." Napaikot naman ang mata ko sa sinabi niya, narinig ko ang mahinhing pagtawa niya. "You have a long way to go, love. More practice pa then pag-iisipan ko." Pero tama nga naman siya. Hindi pa ko nag i-istart doon sa totoong big bike.
"Ay mahal, can I take photos of you and the others mamaya? Pag nag rides kayo." Dala dala ko yung cameras ko and gusto ko pumitik ng ilang shots nila.
"Oo naman." Bumalik na ulit kami sa track and pinapanood ko nalang muna sila Nia and yung iba na mag race. Grabe sila, parang humihiga na sa daan pag lumiliko. Banking talaga.Grabe napaka cool ng girlfriend ko, hulog na nga ako sa kanya, mas lalo pang nahuhulog.
BINABASA MO ANG
Fate
Chick-LitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...