Chapter 6

1K 37 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
🔞 SPG. Some words may not be appropriate for young readers.

XENIA

Me:
besties!! asan kayo? huhu
12:19AM

ASAN KAYO??
12:20AM

PUNYETA KA @Terrence
12:21AM

MGA HAYOP. PARANG DI KAYO KAIBIGAN
12:21AM

Kanina ko pa tinatawagan yung tatlo lalo na si Terrence. No answer sa mga text and calls ko. Tama bang iwanan ako? Lagot sa'kin tong mga 'to pag nakita ko.

Wala pa naman akong dalang sasakyan. Nag bill out na ko at tumayo. Uuwi na ako! Saktong pag tayo ko naramdaman ko naman ang paghila ng katabi ko sa aking damit.

"Wh-where are you g-going?" Tanong nito, halata naman sa kanya ang pagkahilo niya.

"I have to go home. May susundo ba sa'yo?" Concern kong tanong sa kanya. Umiling naman ito. Ano ba namang buhay 'to. Patayo naman siya ng bigla pa itong natumba. Mabuti nalang at nasalo ko.

"You're drunk. Kaya mo pa ba?" Tanong ko habang nakaalalay sa kanya papuntang parking lot. Andoon daw kasi ang sasakyan niya. Bakit ang bait ko today? Kaloka. Nagkatotoo na yata yung sinabi niyang mabait ako. Ano bang nangyayari sa akin?

Nahalikan lang bigla nalang bumait. I rolled my eyes on that thought.

Dapat iniwan ko nalang siya sa loob ng bar. Kaso nakokonsensya naman ako dahil kaibigan siya ng pinsan ko at babae siya mamaya may loko lokong lumapit sa kanya.
Kinuha ko yung car keys niya sa hand bag and ipinasok siya sa passenger seat.

"Don't leave me." Bulong niya. "Please." Wala na din naman akong choice, ihahatid ko nalang siya. Inayos ko yung pagkaka salampak niya sa upuan, kinabitan din ng seatbelt at agad din naman akong sumakay sa driver seat.

"Saan ka nakatira? Ihahatid na kita."

"Sa bahay." Ay sis. Ang sarap mo sampalin.

"Ugh!! No choice." No choice na talaga, sa condo nalang ako dederetso. Pabor na din naman para sa'kin, hindi na ako mag ta-taxi pero mag uuwi nga lang ako ng babaeng lasing. First time ko din mag uwi ng hindi ko kilala sa condo. Mabilis lang naman ang naging biyahe namin dahil wala na masyadong sasakyan sa kalsada. Pinark ko nalang ang sasakyan niya doon sa parking space na feeling ko walang nag mamay-ari.

"Sa..sama ako." Bigla naman nagsalita ang babaeng 'to. Akala ko tulog siya. Balak ko nalang iwanan sana siya sa loob ng sasakyan, mukhang safe naman dito sa parking space ng building pero binulungan lang ako ng anghel na nasa gilid ko na isama nalang siya sa unit ko.

Inalalayan ko nalang siya hanggang makapasok kami sa loob.Agad ko din naman ito ihiniga sa couch. Mukhang okay naman na siya diyan.

Nanlalagkit na ako at gusto ko na nalang magpahinga. Nag shower muna ako para komportable ang tulog. After ko mag shower ay dumeretso na ako sa kwarto para mag bihis. Kumuha rin ako ng extra kumot para ibigay dito kay Gina? Hindi ko talaga maalala ang pangalan niya.

"Asan na yun?" Wala akong nadatnan na babae sa couch. Hindi naman siguro multo ang taong bitbit ko, ano? Ah, baka nasa restroom. Dumiretso muna ako sa kitchen para makakuha ng inumin.

Saktong umiinom ako ng tubig ng maramdaman ko na may yumakap sa likuran ko. Muntik ko na mahulog yung basong hawak ko! Nilapag ko muna ito at humarap dito sa babaeng bigla bigla nalang nangyayakap.

"Girl, matulog ka na ulit dun." Utos ko dito pero hindi niya man lang ako sinagot. I met her gaze and she is looking at me softly with those rich chocolate brown eyes. Her eyes are hypnotizing me.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon