Happy 2k reads! Dropping 10 chapters today! Eme 2 lang muna. Haha! Sana tuloy tuloy pa din po ang pag support! Maraming salamat po! 😌
Unedited. Grammatical & Typographical errors ahead.
—GABRIELLA
"Good afternoon po ma'am." Bati sa akin ng receptionist sa lobby ng condo building ni Nia. "Ma'am, ilang araw na po kasing hindi umuuwi si Miss Torres dito."
Sa ilang araw kong pabalik balik dito sa condo niya ay lagi ko rin siyang hindi naabutan, one time nag hintay pa ako ng ilang oras sa lobby para lang sana makausap siya pero walang Xenia na lumitaw.
Medyo nalungkot din ako nung hindi na ako hinayaan umakyat ng security sa unit niya dahil ipinagbilin daw ni Nia na huwag akong papaakyatin.
I've tried contacting her for the past few days pero hindi ko talaga siya makausap. Chats, texts, calls, lahat wala. I felt so guitly with what happen to our last dinner.
Dapat siguro hindi ko nalang siya iniwasan ng matagal, dapat kinausap ko nalang siya, dapat siguro inamin ko kung bakit ako iiwas para sa gayon ay alam niya kung bakit ko siya hindi pinapansin.
Me:
Alexa, do you have any idea where Xenia is?
Ilang araw ko na siyang hindi mahagilap.Alexa:
Wala ba sa condo niya?Me:
Wala
ilang araw na daw hindi umuuwi
I'm worried.Alexa:
Ah. Nasa bahay niya siguro.Me:
Bahay?
Hindi ba sa condo siya nakatira??Alexa:
*sends location*
Yan puntahan mo.Mabilis akong umalis at pinuntahan yung location na sinend sa akin ni Alexa. Natigil ang sasakyan ko sa isang malawak at may modern bungalow design na bahay. Bumaba ako sa sasakyan bitbit yung food na dala dala ko kanina, feeling ko kasi nandito talaga si Nia.
Naka ilang press ako ng doorbell pero walang nagbubukas ng gate, pero napansin ko na nakabukas na mismo ang gate. Hala! Baka pinasok na yung bahay ng magnanakaw.
Pumasok na ako ng walang paalam at inikot ang lugar. Malawak ang garden area dito, maaliwalas at maganda. Hindi ako pumasok sa mismong bahay at dumiresto sa may likurang bahagi ng malawak na lugar na 'to.
One, two, three, four, five, six... I saw six cars: an Audi R8, a Mercedes-Benz G-Class, a Porsche Cayenne, and three modified cars that I think are used for drifting. Okay, I'm positive that this is Xenia's house.
There are two motorbikes as well. A vespa scooter and a red BMW S1000 RR. My god, parang sinampal ako ng kahirapan. I have two cars, yung bronco na bigay pa ng daddy ko na I think soon kailangan ko na ibenta dahil sumusuko na siya at isang honda na sedan na until now ay binabayaran ko pa din and I'm living in condo unit na nirerentahan ko pa. If hindi ako mag tatrabaho siguradong gutom talaga ang abot ko.
Nilapitan ko yung isang sasakyan dahil napansin kong may taong kumakalikot doon. Tumayo ako sa tapat ng sasakyan at nung taong nasa ilalim nito.
"Ehem." Bigla naman siyang lumabas sa ilalim at nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata. Bigla naman siyang tumayo at tumakbo papunta sa loob ng kanyang bahay at siyempre hinabol ko na siya. Malakas niyang isinara ang pintuan pero naharang ko ito.
"Araaaayyyyy!!! Aw Aw shoot!!" Nasalag ko nga, ng kamay ko. Naipit tuloy.
Nakita ko naman bumukas ulit ang pintuan. "Gaga ka ba? Paa kasi ang pinangsasalag sa pinto hindi kamay!" Nakuha niya pa magalit. Ang hirap manuyo ng babaeng hindi ko naman girlfriend. Hays, ganito na ba talaga ako ka down bad sa kanya?

BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...