Chapter 12

915 36 2
                                    

Unedited. Grammatical and Typographical errors ahead.

Happy father's day  sa lahat ng ama at sa mga ina na tumayo bilang ama! Mabuhay kayo!

XENIA

Gabriella Rivas:
Xenia

Me:
love?

Always in character dapat. Wala, para masaya lang.

Gabriella Rivas:
Soooooo...

Me:
??

Gabriella Rivas:
typing...
typing...

Hinantay ko pa ng ilang minuto ang reply niya, puros typing lang lumalabas sa screen pero wala naman itong sinesend sa akin, gaano ba kahaba ang gusto niya sabihin?

Me:
May gusto ka ba itanong or sabihin?

Gabriella Rivas:
nah, nvm. Good night.

Me:
Huwag ka na kasi mag isip ng kung ano-ano.
Send ako nudes para sumaya ka kahit konti

Gabriella Rivas:
Puro ka kalokohan



***

Ang ingay naman! Gusto ko pa matulog, bakit ganito? Kinakarma na ba ako? Mabilis na pala talaga yon ngayon, ano? Weekend na naman,  wala akong trabaho, walang events or anything. It's me time and sleep time.

Pero bakit ako pinaparusahan ng ganito? As far as I know wala akong ginagawang masama, behave na din naman ako last night. Dumiretso uwi na nga ako para hindi na mabaling yung atensyon ko sa iba. Pinipigalan ko na nga ang sarili ko. Mabait na ako nitong mga nakalipas na buwan kahit mga kaibigan ko nagtataka na sa akin.

Sino ba namang tao ang manggugulo sa akin ng ganitong oras?

Dinampot ko ang phone ko na nakapatong sa bedside table. Alas onse na pala ng umaga. Late na din pala, pero grabe ang antok ko. Tumayo ako para silipin ang tao na kanina pa nag do-doorbell at feeling ko winawasak niya na din ang pintuan ko kakakatok.

Hay, siya na ata ang taong huli kong gusto makita kahit pa magunaw ang mundo. Bakit na naman siya nandito? Wala naman sa rules na pwede niya akong puntahan at pwede kaming magkita anytime. Walang ganoon, Mars. Dapat siguro magdagdag ako ng rules. Lugi ako eh.

Si Ginger na mukhang stressed, badtrip at wala sa mood ang sumalubong sa mukha ko. Bigla naman siyang pumasok, aba't bastos to ah! Anong problema nito?

Dumiretso siya sa kitchen ko at biglang nagpunas ng lamesa. What  is happening? Hindi ako umiikmik at tinignan ko lang siya. Pagkatapos niya magpunas ng mesa pumunta naman siya sa sink at hinugasan yung mga hugasin na natira doon. My goodness! Eto pa ang malala, kinuha niya din yung malilinis na plato sa rack at hinugasan din! Napanganga nalang ako sa ginagawa niya. Hindi ko kinakaya yung ka wirduhan niya ngayon.

"P-padamay na din nito oh." Sabi ko sabay abot ng baso na pinag inuman ko, inilapag ko nalang iyon malapit sa kanya, hindi naman siya nagsasalita. Tuloy tuloy at seryoso lang  siya sa ginagawa niya.

Pumunta ba siya dito para maglinis? Bakit hindi nalang sa bahay niya? Feeling ko yung mga plato ko mababasag sa diin niya mag kuskos, balak niya ata burahin ang kulay.

"Okay, stop!" Pagpigil ko sa kanya. "Pumunta ka ba dito para maglinis?" Tinanong ko na, hindi na ako makatiis sa ginagawa niya. Nakunot noong tumingin lang siya sa akin at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga, akala ko sasagutin niya na ako pero bumalik lang siya sa pag huhugas.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon