Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
—XENIA
"Nasaan na yung pinapabili ko sa'yo?" Tanong ni Alexa siya kasi ang nagsundo sa akin ngayon sa Airport. Kakatapos lang ng drifting events na ginanap sa China, Malaysia, Indonesia at sa Japan.
"Nasa maleta."
"Anyare sa'yo?" Pagod na pagod ako. Yan ang nangyari sa akin, feeling ko magkakasakit ako. Gusto kong magpahinga kaso may pupuntahan pa ako.
"Idiretso mo nga ako sa Studio88."
"Ayyyy taray, pupuntahan kaagad."
"Oo, madaming lintang nagkalat, mahirap na."
A month ago niyaya ako ni Gabbi na magbakasyon sa China, dahil may exhibition naman ako doon hindi na rin masama kung mauuna ako ng isang linggo prior to the event. Nauna mag biyahe si Gabbi sa akin papunta doon dahil may shoot siya sa Beijing after three days ay sumunod na din naman ako then nagsabay na kami papuntang Shanghai.
That one week of vacation with her was pure bliss, lahat ng gusto naming gawin ay nagawa namin, we had the perfect destinations, perfect plan, perfect week and I'm with my favorite person.
Almost perfect, may kaunting disagreement din pala kami, sabi nga nila makikilala mo pa lalo ang isang tao pag nakasama mo siya magbakasyon. Minor things lang naman yung pinagtalunan namin katulad ng kung saan kakain, kung maglalakad ba or magtataxi. Mga ganoon lang, nawala lang talaga ako sa mood nung may sinabi siya sa'kin na medyo nagpataas ng kilay ko.
~
"Love, may mga offer sa aking projects." Sa paunang sinabi niya palang medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko dito. Nandito na kami ngayon sa hotel room namin sa Shanghai, nakatayo lang ako malapit sa glass window kung saan kitang kita ang nagtataasang skyscrappers at makulay na mga ilaw nito.
"So, ilang taon tayo hindi magkikita?" Nakaback hug siya ngayon sa akin habang busy akong umiinom ng wine.
"Not like that, sa Philippines naman yung projects eh."
"Anong project ba yan? Kailangan mo ba talaga e-consult sa'kin? You can accept projects naman na kung anong gusto mo ah."
"Merong commercials, a music video, may mga magazine shoots and vlog interviews." Tumango tango naman ako sa sinasabi niya. "Mostly lgbt themed ads yung mga gagawin ko." Ah, well naappreciate ko naman na nagpapaalam siya ng ganito sa akin. "and merong limited series."
"Oh, you're going to act?"
"Yes, love." Napangiti ako sa nalaman ko. This will be her first time doing an acting job. Humarap ako sa kanya na may malaking ngiti sa aking mukha.
"I'm so proud of you, bub. I'm excited for you." Na eexcite din talaga ako sa magiging takbo lalo ng career niya. "Gusto mo ba yung projects?" I asked.
"Maganda yung offers."
"Then go for it. Hindi naman kita pipigilan eh, basta gusto mo yung ginagawa mo, mahal." Sagot ko pa, nakita ko naman ang pag buntong hininga niya. "Bakit, love?"
"It's just...I-I have to work with someone." Sabi na nga ba eh, never naman kasi siyang nag papaalam ng ganito sa akin pagdating sa trabaho niya, madalas ay sasabihin niya lang sa akin na may gagawin siya project, sasabihin yung details pero hindi niya kinokonsulta sa akin. Ngayon lang siya nagsabi ng ganito. Kung kanina na eexcite pa ako ngayon hindi ko na alam.
"Ahh." Hindi niya na kailangan sabihin kung sino ang makakatrabaho niya, kilala ko na. Bakit ba kasi sa dinami dami ng puwede niyang kasama, bakit iyon pa? Hindi pa ba kami tapos sa kanya? Hay naku. Totoo nga talagang maliit ang mundo, kahit inilalayo mo, pinaglalapit pa din.

BINABASA MO ANG
Fate
Chick-LitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...