Chapter 1

3.3K 53 0
                                    

AN: It's a GXG story. If you're not comfortable with it. You are free to leave. Thank you. Reads, votes and comments are much appreciated!

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
-Aya


XENIA

Heart breaker. Flirt. Cold hearted bitch. Play girl.

Kaunti pa iyan kung ikukumpara sa lahat ng pwede sabihin sa'kin. Kahit ano pang itawag nila wala na din naman akong pakialam. Ako naman kasi yung tipo ng tao na hindi nag seseryoso pag dating sa pag-ibig.

Boring pag seryoso.

I like toying with their emotions.  Kaunting pa sweet lang, pa lambing at pag nahulog na, hihiwalayan na kaagad. Ginagamit, pinapaasa, pinag sasabay sabay, niloloko. You name it.

To: Tristan
Hey, it's really hard for me to do this but it's not working anymore. I'm so sorry but I have to end this. It's not you. It's me. Good bye.

Sent.

Bye boys, it's been a wild ride pero kailangan ko na umalis. Kahit pa nag e-enjoy ako kailangan ko na tapusin.

Bago pa man ako makaalis dito sa lugar na ito, tinignan ko muna ang isang lalaki na kasama ko ngayong gabi. He's cute. Nakayakap pa din ang isang braso niya sa aking baywang. Dahan dahan ko itong inalis para makapag ayos na ako. Dali dali akong nagbihis at saka umalis.




***

"Cous!" Sigaw ng pinsan kong si Alexa. Para ko na din siyang kapatid. Halos siya rin kasama ko lumaki, pati na din sa kalokohan.

"Alexa!" Mahigpit ko siyang niyakap. "Mabuti naman nasundo mo ako. I heard model ka na ha, busy na masyado." Panunukso ko pa sa kanya.

"Ano ka ba, cous. Ako lang 'to. Alam mo namang maganda ang lahi na'tin." Parehas lang kami natawa. Hindi rin ako makapaniwala na marami rami ring nagbago sa buhay ng pinsan ko and I'm genuinely happy for her. 

Sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa byahe sa bahay na din muna ako ni Alexa tumuloy para ipagpatuloy ang pagpapahinga.

"Naka usap mo na sila lolo? Nakapag decide ka na?" Basag katahimikan ni Alexa. We were currently eating dinner na inorder lang sa labas. Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya. "Alam ba nila Tita mga pinag gagawa mo sa mga nakaraang nagdaang taon?"

"Don't worry alam naman nila lahat." Nag paalam pa rin naman ako sa parents ko tungkol sa mga pinag gagawa ko. Respeto nalang din syempre magulang ko pa rin naman sila. Pumayag din ang mga ito dahil wala rin naman silang magagawa. Pabalik balik lang naman ako sa Japan and South Korea. Nagtagal din ako sa mga bansang iyan dahil napag desisyunan kong pasukin ang pagkakaroon ng career sa car drifting.

Hindi naman ako mag isa, may mga naging kaibigan din ako.  Masaya ako dahil nagawa ko ang gusto ko. Happy sa career, happy sa life. No stress. Pero sa 'di inaasahang pagkakataon ay kailangan ko na bumalik sa Pilipinas.

"Dami mo na naman sigurong jinowa doon no?" Tanong ni Alexa

"Ano ka ba, syempre kasama 'yon." Natawang sagot ko pa.

"Iniwan mo na naman silang luhaan. Magbago ka na, cous. Baka sa akin mapunta ang Karma." at bakit naman sa kanya? Hindi naman siya ang nagkasala. Huwag kang mag alala, pinsan. Kung kailangan ko makipag kasundo sa demonyo para hindi ka madamay, gagawin ko.

"Anyway, alam ba nila tita na nakauwi ka na? at si Martin pala puntahan mo agad." Paalala pa nito sa akin.

"Kahit hindi naman ako umuwi ayos lang sa kanila. Kailan ba ako hinanap ng mga 'yon? Pero, nagsabi pa rin naman ako baka sakaling concern." Umiling iling lang din si Alexa.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon