Chapter 3

1.3K 34 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


XENIA

"Xen!!" Narinig kong sigaw ni Terrence.

"Besties!! Na miss ko kayo!" Agad agad ko naman silang nilapitan at niyakap ng napaka higpit. Agad na din kaming pumasok sa loob para makapag enjoy.

"I really can't believe na tinotoo mo yung career mo sa drifting." Sa umpisa kasi ay hobby ko lang naman talaga 'to. Hindi ko rin naman inasahan na makikilala ako ngayon sa sport na ito.

We drink, danced and we enjoy the night. May mangilan ngilan na lumalapit sa akin, kakausapin ko sandali pero nilalayuan ko din agad. Wala ako sa mood ngayon.

"Who's that pokemon?" She's really pretty. Pero sana nag stay nalang siya dun sa kung saan man siya nakaupo. Mukha siyang tanga na nakatayo lang sa gitna. Sayang lang yung ganda niya.

"Andito ka pala!" Nagulat ako ng bigla akong hampasin ni Alexa na nandito din pala. Mukhang kasama niya rin naman yung mga friends niya. "Kakabalik mo lang inom agad." Umiling iling pa siya.

"Anong gusto mo magkulong ako sa bahay? Duh." Pinaikutan ko lang siya ng mata. May binulong bulong naman sa'kin ang magaling kong pinsan, meron daw siyang ipapakilala.

"Hi. Mico pala." Pakilala nung friend ni Alexa. Inextend nito ang kamay niya at hindi ko naman tinanggihan. Mukhang maayos at magalang naman si baby boy.

"Hello, Mico... sabi ni Alexa birthday mo today. So, happy birthday." Nakangiting bati ko naman dito. Nagpasalamat din naman siya. "Anyway, si Terrence pala.." Hinila ko si Terrence papalapit sa'kin "Boyfriend ko.."

Terrence Ruiz, gwapo, mayaman, hot. First things first, hindi ko boyfriend si Terrence pero sa totoo lang pwede naman kung tutuusin kaso hindi kami talo.  Hindi ko rin inakala na member siya ng rainbow club, naging crush ko pa man din siya noong una ko siyang makita.

"Ito naman si Katrina and Andrea." Pakilala ko pa sa dalawa kong bestie. "Oh, parehas single yan." Kumindat pa ko kay Mico. "Oh paano iwan muna namin kayo ha, na miss ko kasi 'tong baby ko." Paalam ko sa kanila at tuluyan ng hinila si Terrence papalayo. I'm not in the mood to screw anyone right now.

"Ante!" Tawag naman ni Terrence na may kasama pang hampas sa braso ko. "Sana sa'kin mo nalang binigay." Reklamo nito, hindi ko kasi siya pinakilala dun sa isang guy.

"Woah. Papatol ka na? Sure yan?"

"Malay mo?" Hindi pa din naman siya sigurado. Ewan ko ba dito sa bading na 'to.

"Tsk. Abnormal ka talaga and hindi rin pwede kasi paano ako tatakas if wala ka? I need you tonight, babe."

"Heh! Pero himala ah, tumatanggi ka na sa mga lumalapit sa'yo. Nagbalik na ba si Maria Clara sa katauhan mo?" tanong pa nito sa akin.

"Allergic na sa akin si Maria Clara wala ng plano bumalik yun." Natatawang sagot ko sa kanya. "Wala lang talaga ako sa mood ngayon."

After an hour nag decide na kami umuwi. Inaantok na din si Terrence and may trabaho pa kinabukasan si Kat & Andrea.  Papasok na sana ako sa sasakyan ko ng makita ko ang dalawang tao sa hindi kalayuan, nagtatalo sila pero bigla din silang naghalikan.

Kiss and make up? Nice.

Hindi muna ako umalis at prenteng sumandal muna sa sasakyan, umaandar ang pagka chismosa ko ng mga oras na 'to. Mukha din talaga silang may pinagdadaanan kasi nag away na naman sila.

"pfft. oh gosh." Hindi ko na napigilan mapatawa.  Live drama ba ito? I did not expect na may isa pang babaeng dadating. 

Oh! She's the pretty girl na tuod earlier! Nakita ko naman na nilapitan niya yung isang babae at hinawakan sa baywang. Maybe they are a couple?  Maya maya pa at nakita ko ng umalis si pretty girl na tuod and yung isa pang girl.

"Ganda mo nga hindi mo naman alam na niloloko ka na." Napailing nalang ako. Kung mag jowa si pretty girl tuod and yung isang girl then bakit naman makikipaghalikan sa guy? Anyway bahala sila. Masakit sa ulo yang ganyan.

"Andrea! Please doon kayo sa loob ng sasakyan." Sigaw ko. Kasi naman kanina pa din pala siya nandito sa parking akala ko naman ay kasabay niya si Kat umuwi. Kahalikan niya pala yung pinakilala ni Alexa kanina.

"Bye bestie! Thank you!" Sigaw pabalik nito sa'kin.

"Welcome!!" Kailangan ko na talaga umuwi kung ano-ano at kung sino-sino na ang nakikita ko. Papasok na sana ako ng sasakyan ko ng meron na namang kumuha ng attention ko.

"Xen." Sa boses palang nito ay kilalang kilala ko na siya. I believe nagkaron kami ng something nitong taong 'to. "You're back."

"Vince." Wala na kong energy. Gusto ko lang naman na umuwi. "Uhm, I'll go ahead."

"Can we talk?" Pakiusap pa niya sa akin.

"Pwede ba sa ibang araw nalang? Pagod na talaga ako." Tanggi ko pa sa kanya.

"Xen, sige na naman...please." Napabuntong hininga nalang ako.

"Fine. What do you want?" Tanong ko sa kanya. Tutal alam ko namang hindi rin titigil ang isang 'to.

"Us. Can you give us anothe--" Hindi ko na pinatapos ang sinabi niya.

"No... Vince, pinag usapan na natin 'to diba. Walang patutunguhan yung relationship natin. I'm sorry." Hay, Vincent. pang ilan nga ba siya? Hindi ko na alam kung pang ilang lalaki na siya na dumaan sa buhay ko. Bago ako umalis noon ay tinapos ko na kung anong connection ang meron kami. Playboy din yan si Vince alam kong parehas kaming hindi seryoso.

Pagod na talaga ako kaya pumasok na ko sa loob ng sasakyan at agad agad umalis. kakabalik ko palang puro stress na ang sumasalubong sa'kin.

What a night.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon