Chapter 29

849 35 0
                                    

Salamat sa pagbabasa!
Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.

XENIA



Gabriella Rivas:
WHY DIDN'T YOU TELL ME? HUHUHU

Me:
Sinisigawan mo ba ko? 🤨
Huwag ka ngang mag all caps.

Gabriella Rivas:
Hala love hindi ah.
Okay. Why didn't you tell me?

Me:
Anong sasabihin ko?

Gabriella Rivas:
😭😭😭😭

Me:
Nasaan ka ba?

Gabriella Rivas:
Home. come over please? 🥺

Me:
hayy nako 🙄
On my way!
Order food, gutom na ako.

Gabriella Rivas:
Okiee mahal.
Chicken wings?

Me:
mac&cheese na din.
And additional ranch pra sa wings

Gabriella Rivas:
Noted mahal.
Drive safe 😚

AY WAIT

Me:
What? 🤨

Gabriella Rivas:
Do you know the latest chika?

Me:
Ano?

Gabriella Rivas:
Alam mo ba na...

Me:
Na?!

Gabriella Rivas:
Gusto kita 🥰🥰🥰

Me:
🤦‍♀️

Gabriella Rivas:
Hihi!
eyes on the road na love!!
See you! 😘


"Mahaaaaallll!!!" Sigaw nito ng makarating ako sa condo niya. Para siyang koala na nakakapit sa akin ngayon.

"Ano bang problema mo?" Inalis ko ang pagkakalambitin niya sa akin at umupo na ako sa may living room

"Okay, I'll make kwento."

"Go ahead."

"WModels contacted me last week, gusto nila akong magpunta sa head office, so nagpunta ako kanina and then they offered me to be part of WModels."

"Oh ayaw mo ba?"

"Gusto siyempre, okay I'll continue the story...So, nagpunta nga ako doon, para akong nananaginip because grabe ang ganda ng head office nila ha. Anyway, I was shocked noong mismong CEO ang nagpatawag sa akin."

"Oh, na meet mo na pala?"

"Yes!! Hindi mo naman sinabi na yung CEO pala yung kilala mo! Nagulat nalang ako na kinakamusta ka niya sa akin!" Malakas akong natawa sa sinabi niya mukhang stress na stress siya dahil dito. "Hindi mo man lang ako na orient. Nakakahiya tuloy."

"Bakit ano bang ginawa mo? Hindi ka naman siguro pinag tumbling or kung anong talent portion." Jusko akala ko naman ay may malaking problema siya.

"No naman... But you know Mr. Wilson is really good looking ha and he is already in his mid fifties, may family kaya siya? Anak? Maganda and guapo din siguro mga anak niya. Hindi ko na tinanong kasi nakakahiya naman baka sabihin na I'm chismosa."

"Meron na siyang anak, only child. Babae." Mabilis kong sagot, malamang alam ko 'to. Dahil ako yung anak.

"Ooooh really?"

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon