Chapter 31

519 27 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


XENIA





Dahil nga stress na stress na ako sa mga taong makukulit at sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko ay napagisipan kong tumakas ng panandalian, magrelax at magkaroon ng me time.

Sobrang kulit ni Gabriella. Hindi ko na alam kung ano pang pwede kong sabihin para sumuko ang isang 'yon. Yes, she's a friend pero punyeta kulang nalang yata ay mag pa interview siya sa t.v, radio station at kung saan pang lupalop para lang maipagsigawan niya na gusto niya ako.

Sinabi ko naman sa kanya ng paulit ulit na wala siyang mapapala sa akin. Ayoko na rin maging unfair sakanya kaya kung maari ay ako na ang umiiwas.

"Are you stalking me?" Masungit kong tanong

"No. Magbabakasyon ako, masama ba? Hindi naman sa'yo 'tong hotel diba??" Napaikot nalang ang mata ko sa sinagot nito sa akin. Akala ko ay magkakaroon na ako ng me time pero may iba naman nagpakita.

"Hanggang sa pag check-In susundan mo ko, Vincent? Tsupi, doon ka. Shoo." Pagtaboy ko dito.

"Ay grabe. I just want to make sure na makakapag check-In ka ng safe." Jusko safe naman ako dito, ang dami ngang security sa labas ng establishment. Ano bang pakulo nito.

"I'm fin--" Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko ng biglang sumingit ito.

"Doon ka nalang sa bahay mag stay, mas safe doon, mas maraming food, hindi ka na gagastos, mas makakatipid ka. oh diba? Tara?"

"Ayaw ko nga." Mabilis kong sagot. Magsasalita pa sana siya ng meron isang babaeng sumigaw ng pangalan niya.

"Vincent!"

"Oh, ate.."

"Hi, Xenia, how are you?" Bati ng ate niya sa akin at nagbeso pa.

"I'm good naman po, quick vacay lang. Kayo po?"

"Ganoon din, bakit muna pala kayo naandito? Don't tell me mag che-check in ka pa Vince eh may bahay tayo dito... And Xenia please sa bahay ka na magstay, magsama-sama tayo doon. You're very much welcome to the family." Jusme mukhang mapapasubo ako nito.

"Ay huwag na po, family vacation niyo po iyon, Ate. Maghohotel nalang po ako."

"No, sa bahay ka na, sige na. Para naman din may kakwentuhan ako. Lima lang naman tayo doon. I won't take no for an answer."

"Ah eh sige po. Nakakahiya naman." Sagot ko pa. Wala na napasubo na talaga ako.

"Ayan sige, Vincent mauna na kayo sa bahay ha. May ka meet lang ako dito sandali. Ikaw na muna bahala doon sa bahay, si Paolo bantayan mo ha."

"No prob, Ate!" Masayang sagot nito ni Vince. Kitang kita ko naman sa mukha niya ang ngiting tagumpay. Pasalamat siya sa ate niya at napilitan ako. Tinignan ko lang si Vince at tinaasan ng isang kilay. Yung Me time ko wala na. Hays.

"Oh ayan ha, hindi kita iniistalk. Babakasyon talaga kami dito ngayon." Wala na kong magagawa naka Oo na ako eh. At saka ayaw ko rin naman bastusin ang ate ng Vince.

May mga perks din naman ang pagsama ko sa kanya ngayon. libre food and lodging.

"Ngayon ko lang nakita ulit na ganyan kasaya ang kapatid ko." Katabi ko ngayon ang Ate ni Vince. "Hindi naman ganyan dati yung kapatid ko na yan." Dugtong pa nito. Ngumiti lang ako, hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Hindi ko naman kasi inakala na ganito kaseryoso sa'kin 'tong isang 'to. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko para magkaganito siya.

Nag dinner kami by the beach, ito ako ngayon nakatingin kay Vince na katabi si Paolo, yung five year old na anak ng ate niya. He looks happy, pero sana hindi ako yung nagbibigay ng saya na yan kasi naguguilty talaga ako sa mga ginagawa ko sa kanya. All I can offer him is friendship.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon