Grammatical & typographical errors ahead.
—
GABRIELLA
Magkasama kami ni Alexa ngayon, matagal tagal na din kaming hindi nagkita simula nung nangyari last time sa bahay niya.
"Girl, yung cousin mo." Pag-uumpisa ko
"Si Xenia?" Tanong naman nito.
"Yes."
"Bakit? May ginawa ba sa'yo? Inaway ka?" Nag aalalang tanong niya, wala namang masamang ginawa sa akin si Xenia, hindi niya rin naman ako inaway. Kabaliktaran ang mga sinasabi ni Alexa ngayon sa ginawa ng pinsan niya sa akin.
"She's single." May pagtatakang tumingin naman si Alexa sa akin. "I'm single." Lumabas na ang kunot sa noo nito. "So pwede?" Mabilis na dugtong tanong ko. Wala naman sana akong balak sabihin ito kay Alexa pero maliit ang mundong ginagalawan namin kaya imposibleng hindi niya malaman na kasama ko ang pinsan niya noong mga nagdaang araw.
"No." Ang bilis naman sumagot nito. Doesn't she like me for her cousin? I think mabait naman ako.
"Why?"
"Hindi panakip butas ang pinsan ko, sissy." Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganito ang nagiging reaction niya ngayon. Ang alam niya kasi ay may kakarampot na feelings pa ako para sa ex ko.
"Hindi naman sa ganoon, you remember last time na naiwan kami sa place mo? Nag usap kami, maagan sa feeling siya kausap, komportable.. So, I just want to get to know her better." Pag e-explain ko naman dito. It's true, I'm really comfortable with Xenia. I don't know how and why I felt that, biglaan nalang. Ang bilis din ng mga pangyayari, sa saglit na panahon ko siyang nakasama mas nakakagaanan ko siya ng loob.
"Hmm.." Nakita ko ang pag tango tango ni Alexa. "Alam mo, sis. Kung ikaw lang din naman ang magiging jowa ng pinsan ko ay walang problema sa akin. Maayos kang tao, loyal, mabait. Pero kung ginagawa mo lang yan dahil gusto mo makalimot kay Mara, medyo tagilid ka sa part na yan." Kumuha muna ito ng chips at saka kumain. "And isa pa, straight yung pinsan ko. Isang himala kung mabebend mo siya."
"Ahm.. W-what if nag de-date na kami, magagalit ka ba?" Medyo kinakabahan kong tanong.
Nakita ko ang ang pag laki ng mata niya "You did not." Sagot nito. Napangiti nalang ako ng pilit. "Seryoso ba?" Tanong pa nito at tumango ako bilang sagot.
"Oh my... Bakit.." Nakita ko ang pagbuntong hininga niya. Ano ba kayang problema? "Okay, hindi ko alam kung anong ginawa mo para maging accla si Ate Xen pero I'll give you credits on that" Tumayo naman ito at naglakad ng pabalik balik sa harapan ko. "Kailan pa? Anong nangyari, paano...okay ang dami kong tanong. I'm just worried."
"Relax, Alexa. No need to worry, wala naman akong balak lokohin yung cousin mo and isa pa nasa dating stage palang naman kami so if ever na ayaw na namin ituloy I'll make sure na maayos kaming maghihiwalay ng landas." She doesn't need to know na fake relationship lang ang meron kami ng pinsan niya kasi after a month wala na talaga. Hindi ko lang inexpect na ganito ang nagiging reaction niya ngayon.
Tumungo tungo ito at ngumiti, hindi ako sigurado kung ngumingiti ba talaga ito or iiyak.
"Gabriella, may tiwala ako sa'yo. You're a good person. Hindi ako nag aalala para sa pinsan ko." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Tumigil siya kakalakad at tumingin sa akin.
"I'm worried about you."
"Huh? Bakit naman?"
"You just got out from a relationship, baka natutuwa ka lang kay Xenia.--" Well totoo naman, she's fun to be with and pag nagseryoso siya sa usapan talagang may sense yung mga sinasabi niya. I like hanging out with her.
"--okay sige, just take care of your heart, wala naman na akong magagawa if you two are dating." Pagsuko nito. Alam kong may mga gusto pa itong sabihin sa akin pero mukhang nagdadalawang isip siya. "If there's any problem, don't hesitate to talk to me."

BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...