Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.
—
XENIA
"I'm tired. Let's go out." Pagod na ang utak ko sa meetings at kung ano-ano pang pinag gagawa ko dito sa opisina.
"Where?"
"Track. I need to relax for a bit. May class ka pa ba?" Tanong ko kay L, umiling naman siya. "Okay, tara na."
Being in track, driving cars and motorcycles makes me feel happy. Hindi na yata maiialis sa katawan ko yung saya at excitement na binibigay nito sa'kin.
"Have you seen the new episode?" Tumango lang ako. I've always been watching her. Series, movies, music videos, interviews o kahit anong show pa yan, lagi akong nanonood sa kanya. I'm her number one fan. Lagi ko naman sinasabi sa kanya noon na susuportahan ko siya sa mga ginagawa niya, proud na proud ako sa kanya sa mga narating niya. Marami rami rin ang nagbago sa takbo ng career niya at masaya ako para sa kanya.
"Who would have thought she could pull off such a character?"
"Diba? Ang galing niya 'no?" Tumango naman si L bilang sagot. "Her character being a mistress, nakakaloka. Sobrang inis ko kaya kapag pinanonood ko yung series niya."
"Right! I even want to slap her! Mga kabit talaga, sila pa matapang!" Inis na sagot ni L na tinawanan ko pa.
Halos lahat yata kaming magkakaibigan galit sa character ni Gabriella, gusto namin siyang sampalin, sabunutan, ilang mura na ang inabot niya kay Andrea at Terrence habang pinapanood namin siya.
Isa lang naman ang meaning niyan, she's doing great as an actress.
Kahit ako sobrang inis sa character niya. Sa character lang ha. Pero kung pag uusapan na si Gabriella, my ex-girlfriend, the one who inspired me to fight through all of this suffering and the person who showed me what it felt like to be loved in such a beautiful way. I will never be upset or angry at her.
Baka siya pa nga ang may galit sa'kin because I choose to leave her for myself. Selfish na kung selfish sa paningin ng iba but it's really for the best.
—
"May bago diyan sa tabing unit?" Tanong ni Terrence na naandito sa condo dahil bet niya mag sleep over ngayon.
"Di ko sure. Pero parang mayroon na ata, nakarinig ako ng mga kalabog nitong mga nakaraang araw eh." six months ago nag decide ako na lumipat na ng place. I have the old one renovated and rented out. Ako naman ay dito na sa condo building na sa tapat lang ng building ni L, dahil request niya rin at isa pa ako ang tagapagbantay niya while she's here in the Philippines kaya mas madali rin puntahan if may need siya. Nasa Penthouse floor ako, and this whole floor only consists of two units. Ako yung nakatira sa isa then the other one is empty.
"I think meron na, bes. May nakita akong merlat kanina eh."
"Talaga? Sana binati mo, ano itsura?"
"Maganda siya ante, pero mas maganda ako. Mga tipo ni Andrea yung mga kagaya niya." Okay lang naman if magkakaroon ako ng kapit bahay, basta ba h'wag lang sobrang ingay na tipong nakakabulabog na. Mag rereport talaga ako ng noise complaint pag ganoon.
Vince Romero Calling...
What's up
Help. Saan ako makakakuha
ng brownies ng ganitong oras?Natawa ako sa sinabi niya. Vincent is already married at hindi ako nakapaniwala na na in love nga talaga siya doon kay Bea, the girl na inarrange sa kanya. Sabi niya rin naman ay hindi mahirap mahalin si Bea. At first hindi sila masiyado nag papansinan at madalas magtalo dahil itong si Vince ay dakilang playboy at si Bea naman ay ubod ng sungit sa kanya. But time passed, and eventually something shifted between the two of them. Now they're in love with each other, and there's a baby on the way.

BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...