Chapter 33

498 21 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


GABRIELLA




Nia Torres calling...

It's 11:30 pm when I saw Xenia calling, bakit siya tumatawag ng ganitong oras? Mabilis kong sinagot ito at narinig ang maingay na background, nasa bar ba siya?


Hello..
Nia..

Hell..fuck pff, i can fucking take c-care of myself..
heelloo...Pick me up..Skye


Medyo hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi niya, ang sure ko lang ay narinig ko ang pagmumura niya at nagpapasundo siya sa Skye. Bakit kaya siya naglasing ngayon? Mabilis akong nagbihis at umalis, sana lang wala naman mangyari masama sa kanya doon.

Pagkadating na pagkadating ko nadatnan ko siyang nakayuko sa may bar counter. Ibinalik ng bartender yung card niya sa akin, nagbayad na daw kasi si Nia kanina.

"Xenia.." Niyugyog ko yung balikat niya, pero hindi pa din ito gumigising. "Nia, wake up.." Mahinang tinapik ko na yung mukha niya at sa wakas medyo nagising na 'to.

"Hiiiiiiii.." Mapungay ang mga mata at halatang hilo siya.

"Hello, love. Get up na, let's go home." Naalalayan ko naman siya hanggang sa sasakyan, sobrang wasted niya ngayon hindi pa siya makakalakad ng maayos kung hindi ko talaga siya hahawakan.

I reclined her seat and kinabitan ng seatbelt bago kami umalis. Mabilis lang naman yung byahe namin, dito ko na siya sa condo ko idiniretso kasi antok na din ako.

"Nia, gising na..We're here." Niyugyog ko na naman siya kasi ayaw talaga magising, bagsak na yata talaga. "Please Xenia..gumising ka na diyan."

"Hmm.." Thank you, Lord. "Buhatin mo ko." Utos niya sa akin. Wala naman akong choice kaya ipinasan ko nalang siya. Pasalamat na lang talaga dahil magaan siya kung hindi parehas talaga kaming tutumba.

"ルシファー、私は醜いですか?"
(Lucifer, Am I ugly?)

So paano ko siya sasagutin kung hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. I only know a few words in Japanese. Bahala na.

"Hai."
(yes)

"Fuck you! R-Realy I am u-ugly?"

"Ha?!! Ay, no. no. Hindi, I just didn't heard the question.. You're beautiful." Mabilis na bawing sagot ko.

"Eh bakit ganoon?" Mahinang bulong niya. Ano ba kasing nangyari dito.

"Ano ba kasing nangyari?" Kasalukuyan parin siyang nakapasan sa akin at patungo kami sa elavator.

"T-There's this person..Sabi niya gusto niya ko..then one day I saw that person with someone."

"Maybe friend lang naman niya."

"No. They're flirting...P-Paano niya nasabi na g-gusto niya ako tapos may i-iba pala siyang gusto." That person must be lucky. Hindi naman siguro siya mag iinom ng ganito kung hindi mahalaga ang tao na yan sa kanya. I know may iba pang nagkakagusto at nanliligaw kay Nia, hindi ko naman siya pinipigilan kumilala ng iba. Basta ako I'm here, my intentions are clear, I like her and kung tatanggapin niya yung feelings ko or hindi it's really up to her.

"Sigurado ka ba sa mga nakita mo?"

"Lucifer, I am a-always sure." Ay grabe naman siya. Gabriella ang pangalan ko means heroine of God, bakit niya naman akong tinawag na Lucifer.

"Love, grabe ka naman sa'kin. As far as I know hindi naman ganoon kasama ang ugali ko to be called Lucifer." Sagot ko sa kanya pero hindi na ako nakarinig ng kahit anong sagot pa niya. Malamang tulog na siya ulit.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon