Chapter 28

929 38 4
                                    

May nagbabasa pa ba? 😂
Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.



XENIA


Ang ingay ng cellphone ko dahilan para magising ako, dinampot ko ito para tignan ang oras at kung sino man ang gumagambala sa tulog ko.

Terrence De Vera:
TANGINANG HELMET 70K AMPOTA???

Me:
mwah mwah



Sumagot lang ako sandali sa chat ng kaibigan ko at ibinalik ulit ito sa table na katabi ko. Nasisilaw ako sa liwanag, laging madilim ang kwarto ko pero bakit maliwanag ito ngayon? Sapat na ang alarm clock para magising ako sa umaga, ayokong dinadamay si haring araw dahil masakit sa mata.

Medyo masakit ang ulo ko, marahil kulang pa ako sa tulog. Inilibot ko ng tinigin ang mga mata ko at may isang brasong nakayakap sa akin, dahan dahan ko itong hinawakan, it's slim and soft. Maingat kong inalis ito sa pagkakayapos sa aking baywang.

Tatlong bagay lang ang sigurado ko ngayon, Una, masakit ang ulo ko. Pangalawa, wala ako sa bahay ko at pangatlo, katabi ko si Gabriella. Mabuti naman dahil kumpleto pa ang suot kong damit, hindi rin ako nagpadala sa kanya dahil katakot takot na kurot at hampas ang natanggap niya sa akin kagabi dahil sa taglay niyang kalandian.

Hinarap ko ang babaeng katabi ko ngayon at ang aking malilikot na daliri ay hinawakan ang ilong niya at sabay pinitik, mukhang napalakas yata dahil gumalaw siya. Mukhang nagising.

"Hmm.."

"Psst.. gising na.. tanghali na." Puro inaudible words naman ang lumabas sa bibig niya, ni isa wala akong naintindihan, mas mabuti kung umalis na lang ako. Tumayo na ako at inexpolore ang kanyang place, hindi naman kasi ako nag ikot ikot pag pumupunta ako dito.

Dumiretso muna ako sa restroom at nag freshen up, buti nalang may mga extra toiletries dito.

Meron siyang tatlong kuwarto, yung isa ay ang kanyang masters bedroom, ang pangalawa ay isang studio-office and ang pangatlo ay meron nakalagay na 'No Entry' sign at dahil matigas ang ulo na'tin, kahit may nakalagay na bawal pumasok ay papasok pa rin tayo dito. Dahan dahan kong binuksan ang kwarto, nakabukas ang red light nito at napansin ang mga litratong nakasabit. It's a dark room.

Ginagamit niya pa rin pala ang old school type on developing photos, that's nice. Kaya pala madami din siyang film cameras.

Napansin ko naman ang basurahan sa may tabi na puro litrato din ang laman, sinilip ko ito at puros picture ng kanyang ex. Ang gaganda ng shots dito ng ex niya, maganda naman talaga si Mara sa totoo lang, siya din yung tipong maiinsecure ka pag nakaharap mo siya lalo na kung wala kang self confidence, kakainin ka talaga niya ng buhay, mars. Buti nalang mataas ang confidence ko at nakakasabay ako sa kanya.

"Pretty naman ni ate girl dito, sayang naman tinapon." Bulong ko.

"Mas maganda ka kasi." Napagitla naman ako sa taong nagsalita sa likuran ko, inagaw niya yung pictures na hawak ko at tinapon ulit sa basurahan.

"Puwede ba iwas iwas mo yung pang gugulat." Nagkibit balikat lang 'to.

"Brunch?" Tanong pa nito sa akin.

"No need, baka nakakaabala pa ko sa'yo."

"Never ka naging abala sa'kin." Naalala ko na naman yung mga sinabi niya sa akin kagabi at naalala ko rin ang mga sinagot ko sa kanya. Hay nako, sa dinami dami ng babae bakit ako pa ang nagustuhan nito? Sana nakalimutan niya nalang yung pag uusap namin kagabi.

Lumabas na ko sa dark room at kinuha ang handbag and phone ko na naiwan sa kwarto niya.

"I like you." Diretso at walang alinlangan niyang sinabi sa akin.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon