Hello! Stay safe everyone!
Unedited. Grammatical & Typographical errors ahead.
—XENIA
Terrence De Vera:
I can smell a new audi r8 🚙Me:
Asa ka
get ready
dahil aasahan ko yung new motor ko
samahan na kita bumili
thanks in advanceI only have two days left para makapagsend ako ng picture namin ni Gabriella na may hawak na walis at naka kiss sa cheeks. Shuta naman kasi nito ni Terrence manghihingi nalang ng proof gusto may walis pa. Hindi kasi talaga siya maniniwala na nag-uusap na kami ni Gabriella unless magsend ako ng photo na gusto niya.
Naiinis na ako talaga sa kanya, after that night na nag dinner kami. Hindi ko na siya tinetext, tawag or kahit anong communication. Lalo akong nabuwisit ng mag pasalamat pa siya sa ex niya dahil sa pinadala kong food tapos itong ex niya naman wala man lang sinabi. Tskk, bahala na siya.
Kahit nung magpunta siya sa bahay ko ay asar pa din ako sa kanya, pero sa sobrang dami kong inaasikaso ay ayoko nalang isipin at problemahin ang issue naming dalawa, hindi rin naman kami nag usap ng matagal doon. Umalis din siya agad pagkatapos niya gamutin yung kamay ko.
Sa ngayon ang gusto ko nalang is makuha yung photo na kailangan ko. Ilang beses na ako natalo sa mga pustahan pero ito ata ang laban na ayaw ko ipatalo dahil ayaw kong mamigay ng sasakyan lalo na at kakabili ko lang nun. I have to take that photo and then layasan na siya forever tutal ayan din naman ang gusto niya.
A👯:
Anong ginawa mo sa kaibigan ko?Me:
Ha?A👯:
Skye bar. Pakisundo
Kanina pa tinatawag pangalan mo naririndi na ko.Me:
Arte ka pa
mabuti nga pangalan ko binabanggit eh.A👯:
Inamo. hahaha! Dalian mo na
kahit sa'kin ayaw sumama pauwi.Great timing. Friday night mukhang nagiinom silang dalawa. 10:30 palang ng gabi, masiyado pang maaga para malasing, ang aga niya naman tumambay sa bar? Bumaba na ko sa condo building at dumiretso agad sa parking lot para makuha ang sasakyan at makaalis na.
Pumasok na ako sa bar at nakita naman agad sila. Si Alexa, kausap na si Kuya bartender habang si Gabriella naman ay nakasubsob na ang mukha sa bar counter. Gaano ba karami ang nainom niya at nagkaganyan siya? Magkaaway na naman ba sila ng jowa niya?
"Anong nangyari diyan?" Tinapik ko si Alexa at nagsenyas kay Kuya "Cosmopolitan." Wala naman akong balak mag lasing ngayon, isang drink lang puwede na.
"Nag-aya uminom, alam mo hindi ko alam ginawa mo diyan, cous. Nung nakilala ka natuto na maglasing, bad influence ka siguro talaga." Pang aasar ni Alexa
"Gaga. Hindi ko naman tinuruan mag inom ng malala yan. If gusto niya lang then support lang ako."
"You two still dating?" Dumating naman na yung drink ko kaya sinabayan ko na uminom si Alexa.
"Anong sabi niya?" Sagot ko habang sumulyap sa natutulog na si Gabriella. Marahil wala pang alam si Alexa na tapos na ang kasunduan namin ng kaibigan niya. Ang nabanggit lang sa akin ni Gabriella dati ay sinabi niya raw sa pinsan ko na nasa dating stage kami at hindi niya sinabi na fake lang iyon.
"Hindi na daw."
"Ayun na sagot sa tanong mo."
"Eh kaya siguro umiyak, ikaw siguro may sala." Hala, malay ko diyan, wala naman akong kasalanan as far as I know. Siya pa nga ang may atraso sa'kin. Deadma deadma niya pa ko e.

BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...