HAPPY PRIDE MONTH MGA ACCLA! <3
Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
—GABRIELLA
She's good at playing chess pero hindi ako nagpatalo. Hindi ako papayag na mapunta sa kanya ang sasakyan ko. I just can't give up that lalo na ang daming good memories sa sasakyan na yon. Katulad ng pagmamahal ko kay Mara hindi ako papayag na matatapos nalang ng ganoon kadali. Wala akong balak sumuko hanggang hindi siya ulit bumabalik sa akin.
She's the love of my life and I will do anything just to be with her again.
Medyo nagtalo pa kami dahil sa ipapagawa ko sa kanya, sa totoo lang nagi-guilty din ako dahil siya pa yung napili ko kaso wala na kong ibang choice, masyadong maliit ang mundong ginagalawan namin ni Mara. Kilala ko ang mga kaibigan niya at ganoon din siya sa'kin. Hindi magiging kapanipaniwala kung sa kakilala ko lang ako makikipag kuntsaba.
Hindi rin siguro ni Xenia inaakala na ang pagiging fake girlfriend ang ipapagawa ko sa kanya. Wala naman siyang sinabi na dapat materyal na bagay lang ang dapat sa pustahan. Nag try din siya makipag negotiation sa'kin kaso hindi ako pumayag talaga sa one day, one week na gusto niya. I need atleast three months to win my girl back.
Alam kong naiinis na din siya sa'kin pero kahit papaano ay kalmado pa rin siya kausap alam ko naman na may mga nasabi din ako sa kanya na hindi kaaya aya.
I made some rules para mag work itong gagawin ko. Basta ang gusto ko lang naman ay sundin niya ako, ayusin niya ang mga gagawin niya at walang ibang makaalamam. Pero mukhang sa ugali ni Xenia hindi ako sigurado kung wala siyang gawing kakaiba.
Pinasulat ko din naman siya if may gusto siyang idagdag, hindi naman ako ganoon ka selfish.
Don't fall inlove with me.
That's it. That is the only thing she wrote. Hindi ko alam kung anong meron sa utak niya at bakit yan ang naisipan niya. Sure naman ako na hindi ako mai-inlove sa babaeng katulad niya. Kahit hinalikan niya ako sure ako na hindi ako mafa-fall sa kanya.
Yes, she's georgeous. Hindi imposibleng mapatingin ka sa babaeng katulad niya pero hindi ko type ang ugali niya.
Rude siya sa akin. Hanggang ngayon hindi niya pa din masabi ng tama ang pangalan ko. Panay ginger ang tawag niya sa'kin samantalang ang layo naman nun sa pangalan ko. Nakakainis. Ayoko ng mga choices of words niya. She's too blunt, hindi man lang niya na consider yung feelings ko, hindi naman kami close sana man lang dinahan dahan niya yung mga masasakit na salita patungkol sa relasyon namin ni Mara. Tumagos sa puso ko ang mga sinabi niya. Pero hindi pa rin ako susuko.
Nagulat din ako sa ginawa niya. Sino ba namang hindi? Kinabahan ako nung dahan dahan siyang lumapit para may ibulong at para akong na istatwa sa kinauupuan ko ng halikan niya ako sa gilid ng labi.
There's something about her na hindi ko maexplain. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba or ganoon lang talaga siya. I'll admit that she's too charming and malakas ang sex appeal. Pero ayoko na mag isip tungkol sa sinabi niya at sa mga pinapakita niyang actions sa akin.
Focus lang sa goal. Win Mara back.
I forgot to ask for her number kaya nag try naman ako kunin kay Alexa ang number niya pero to my surprise hindi binigay ni Alexa. Ang sabi niya sa'kin kung gusto ko daw ng number ng pinsan niya ay ako daw ang kumuha. Hindi ko alam kung anong dahilan baka siguro magagalit si Xenia sakanya, kaya hindi ko na rin ipinilit.
Nag check nalang ako ng social media baka meron siyang messenger. Hindi naman ako nabigo. In-add ko siya pero hindi niya pa ito na aaccept buti nalang ay pwede pa rin siya i-message.

BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...