Chapter 53

456 18 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead. 



XENIA




"Two choices, Torres." Nakataas pa ang dalawang daliri nito. Ito ang bungad sa akin ni L pagkadating ko sa Roji no himitsu. Pagkatapos kong umalis sa condo ni Gabbi ay madali kong tinawagan si Lucifer, inaya ko lang siya uminom, hindi na siya nagtanong pa, sinabi niya lang kung nasaan siya at sa tingin ko may idea na siya sa mga nangyari.

"I told you I have a bad feeling about her." Dugtong pa nito sa akin.

"What are my options?"

"Number one, I'll break her leg." Sagot niya sabay inom sa baso na may lamang sake. "Two, I'll make sure na mawawala ang lahat sa kanya. Sayonara career! You are well aware that I can do that. Kilala mo ko." Mahinang natawa lang ako sa sinabi niya. Kahit pa nasa sariling entertainment agency namin si Gabbi, alam kong kayang kaya ni L gawin ang mga sinasabi niya.

Inilipag ko yung mga bitbit kong papel at box ng donuts sa lamesa atsaka nagsalin ng alak sa baso para inumin ito.

"One or two?" Nakangisi pa ulit na tanong nito. Napailing at bahagyang napangiti nalang ako sa sinabi niya. "Can I have this donuts?" Dugtong tanong pa nito. Tumango lang ako.

"Court granted the annulment." Sabi ko sabay tungga ulit sa baso na may lamang alak.

"Congratulations, you deserved it." Sagot niya at uminom din.

"Thanks." Walang emosyon at maikli kong sagot kay L. Dapat masaya ako ngayon, dapat nag eenjoy, nag ce-celebrate. "Kukwento ko pa ba sa'yo o huhulaan mo nalang? Alam mo naman na yata." Dugtong ko pa. Nagkibit balikat lamang ito.

"Four years ago..."Panimula ko at saka tumagay ulit ng alak. "You told me you're inlove with me but that same time you also told me that you won't let me be your girlfriend. Bakit?"

Tandang tanda ko ang sinabi ni L sa akin noong nasa Japan kami. 'Babe, I think I am in love with you, but I have no plans to pursue it. So, h'wag ka sana maging awkward. Mahal kita pero friends nalang siguro tayo.' Ito ang pinakamabilis na confession at rejection na natanggap ko sa buong buhay ko. Sa totoo lang hindi ko rin sineryoso yung sinabi niya kasi alam na alam ko sa sarili ko na straight ako at hindi ako magkakagusto talaga sa babae lalo na sa kanya.

Pagkatapos niyang sabihin yan sa akin, sinunod ko ang sinabi niya back to normal kami kinabukasan at parang wala lang nangyari.

Narining ko ang mahina niyang pagtawa. "Look at us right now, more closer than ever... Hindi ko tinuloy kasi ayaw kong masira kung anong mayroon tayo, you are the only person that I have in my troubled life. Kung itinuloy ko 'yon at hindi nag work out edi hindi sana kita kasama ngayon at saka mas straight ka pa sa flagpole noon. Ewan ko ba at bigla kang nabaliko ngayon." Mahinang natawa lang ako sa sinabi niya at tumango tango.

Looking back, iniisip ko kung hindi ko binigyan ng chance si Gabriella, magkaibigan pa rin ba kami ngayon katulad ng pagkakaibigan namin ni L? Close pa rin ba ako sa kanya? Magkakausap pa rin ba kami? Makakapunta pa rin ba kami sa mga paborito niyang lugar? Makakapag bonding pa din ba kami?

What if hindi siya nangulit? kung hindi siya namilit? Paano kung hindi ko siya hinabol habol nung iniwasan niya ako, Paano kung hindi ko inamin sa sarili ko na gusto ko siya? Paano kung hindi ko hinayaan sarili kong mahulog sa kanya? Paano kung hindi kami naging magkarelasyon? Siguro mas ayos na kami bilang magkaibigan ngayon at hindi sana ako nagiisip ng kung ano-ano ngayon.

Sa umpisa palang pala ako na yung may mali, ako din pala ang may kasalanan sa lahat ng 'to. Sarili ko lang din naman kailangan sisihin kung bakit ako nagkakaganito ngayon.



FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon