Chapter 51

873 32 0
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.


GABRIELLA



"My god, love! Ang dami mong bitbit! Nakakaloka." Reklamo ni Nia, kakasundo niya lang sa akin sa airport. Imbes na kiss and hug ang i welcome niya sa akin nauna pa yung pag rereklamo niya. One week lang naman ako nawala kasi may campaign shoot ako sa Singapore. "I'll drop you off sa place mo ha."

"Doon ka sa condo ko sleep tonight?"

"Hatid lang kita, love. May dinner meeting ako ng 6pm ngayon and maaga din ako bukas. It's important kasi." Medyo napanguso naman ako sa sinabi niya. Binanggit niya kasi sa'kin mag li-leave siya ngayon pero may trabaho pa pala. Hay, minsan na nga lang kami magkasama. Akala ko pa naman mayayakap ko siya ngayong araw na 'to magdamag.

"Ahh...Okay." Wala din naman akong magagawa kasi work niya naman yun atsaka may trabaho din naman ako bukas.

"Bawi ako, mahal. After ng meeting ko bukas let's have lunch, okay ba yun?"

"Sorry, I can't. Pinapatawag ako sa agency tomorrow ng lunch time e." Sagot ko. Nakita ko ang pagtango tango niya. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko at nakitang nag message si Mara. Nakablock na siya sa akin before sa lahat ng social media platforms pati sa personal number ko kasi ayaw ko mag isip ng masama si Nia pero dahil kailangan ko na naman siya makatrabaho ay iunblock ko muna pansamantala, utos na rin ng nakatataas.

"Sino katext mo?"

"Ah nag text lang si Mara. Nagremind lang para bukas."

"I believe may assistant ka para mag remind ng schedules mo, pinalitan niya ba? Bakit kailangan niya pa magtext?" Seryoso at masungit na tanong nito, nakita kong nakadiretso pa din ang tingin niya sa kalsada habang nagmamaneho pero mahigpit ang kapit sa manibela, parang gusto niya tanggalin anytime. Hindi ko na dapat sinabi na nagtext si Mara pero ayaw ko naman mag sinungaling sa kanya. "And akala ko ba pupunta ka agency bukas?"

"Yes pinapupunta ako then may shoot kami for Mint Magazine interview bukas din ng hapon. You can ask my assistant for my schedule kung hindi ka naniniwala sa akin."

"Wala akong sinasabing hindi ako naniniwala sa'yo. Nagtatanong lang naman ako." Sagot nito sa akin.

Okay, medyo nagkamali ako ng sagot sa kanya dapat hindi ko na sinabi iyon, alam ko naman kasi na nagseselos at naiinis siya. Dapat hindi ko na pinatulan.

"Pwede ba mag drive thru doon sa malapit na fast food?" Pag che-change topic ko. Ayaw ko na dagdagan yung bigat ng atmosphere sa sasakyan ngayon. Ayaw kong mag away kami.

"Di ka pa ba naglulunch?" Tanong niya. Hindi pa ako nakakakain ng maayos simula kahapon. Mag aalas kwatro na ng hapon, pagsabayin ko na siguro 'tong lunch and dinner ko.

"Hindi pa. Daan lang tayo sandali, para hindi na ko mag papagrab pag uwi ko." Dumaan naman siya saglit sa fastfood at nagorder.

"Salamat sa paghatid."

"Why are you like that?"

"Ha?" Nag thank you lang naman ako ha. Lagi naman akong nag te-thank you sa kanya pag hinahatid niya ako.

"Nothing. Sige, magpahinga ka na." Tumango lang ako at pumasok na sa loob, hinintay ko nga saglit if i ki-kiss niya ako kaso hindi eh kaya sinarado ko nalang yung pintuan. Wala rin siguro siya sa mood ngayon kaya ayaw ko na din siya kulitin.

Inilapag ko lang yung bitbit kong food sa lamesa then yung luggage ko ibinalandra ko lang kung saan sa living room. Mabilis akong sumalampak sa couch at inilabas ang cellphone para ichat ang childhood best friend ko.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon