Chapter 48

779 26 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.

GABRIELLA

Calling Mahal💖...

Hello love

Mahal, can you please please please leave a note kahit mag text or chat na aalis ka. H'wag mo ko iwanan na hindi ko alam kung nasaan ka. I just want to know na safe ka makakarating kung saan man yang lakad mo. Nagmamakaawa ako.

Ahhh..nandito lang naman ako,
go open your front door

Mabilis kong tinungo ang pintuan at binuksan, bumungad naman sa'kin ang babaeng nagpapabaliw sa akin araw araw na may malaking ngiti sa mukha.

"Hay nako, mahal." Pagrereklamo ko kasabay ng pag ikot ng aking mga mata.

"Hey, love. I promise kahit bibili lang ako,mag me-message or mag iiwan na ako ng note, okay?" Pumasok naman kami sa loob at nilapag niya yung paper bag sa table. Pumuwesto siya sa harapan ko at binigyan ako ng isang halik. "Good morning, bub."

"Good morning.." Sagot ko at niyakap siya. "Saan ka ba galing?"

"Bumili lang ako breakfast. Hindi na ko nagluto, I'm craving for spinach and cheese pie." Sagot niya habang nakanguso pa. "Gusto mo ba ng rice for breakfast?" Umiling ako.

"Okay na yang dala mo, nagtatampo ka pa din ba sa'kin?" Tanong ko pa. Umiling naman siya at ngumiti lang. "brew lang ako coffee." Sagot ko at binigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi.

Two months na ng nakabalik ako sa Pilipinas, tuloy tuloy naman ang trabaho, madami rin akong shoots from different brands, mas nag level up nga lang dahil mas nakikilala na ako ngayon. Mas marami ring events na kailangan daluhan.

Me and Nia were officially together now for seven months, ang bilis lang ng panahon. I'm happy with my relationship with her, sinusuportahan niya ako sa mga trabaho ko at ganoon din naman ako sa kanya. Kahit parehas kaming busy, sinisugurado ko na mabibigyan ko siya ng oras, ayaw kong isipin niya na binabalewala ko siya. Parehas lang naman kami, mas fixed lang yung oras niya ngayon kaya mas madali para sa kanya kaysa sa akin na pa iba iba yung oras ng trabaho.

"Bub, what time ka need sa work?" Tanong ko.

"Kahit mga 10 am. Bakit?"

"Hatid kita."

"Are you sure? Pahinga ka nalang kaya? puyat ka pa from your shoot last night."

"Nah. I'm fine. Ihahatid na kita tapos sunduin narin kita after work mo then sa labas na tayo mag dinner later." Free ako ngayon kaya as much as possible gusto kong magspend ng time kasama siya. may iilang beses na rin kasi nacancel ang dates namin dahil sa busy schedule at saka alam kong tampo pa rin siya sa akin kahit na sabihin niyang hindi. Ang usapan kasi namin ay may dinner kami last night dito sa condo kaso na extend yung shoot para sa isang commercial na kailangan gabi kuhanan, pag kauwi ko nadatnan ko siyang natutulog na sa kwarto ko.

"Daan din kasi ako sa agency ngayon." Dugtong ko pa. Naalala ko naman na hindi ko pa nababanggit sa kanya na nakita ko mama niya three days ago. "Love, si Tita Xandra pala."

"Bakit? Nakita mo?" Tumango ako. "Kinausap ka naman ba?" Dugtong tanong niya pa.

"Kinamusta lang, hindi pa rin ba kayo nag uusap?" Nagpunta kasi ako sa Hospital for my annual check-up tapos andoon si Tita Xandra. Wala pa rin idea si Tita na kaming dalawa ni Nia ay magkarelasyon, hanggang ngayon alam niya na magkaibigan lang kami. "Kausapin mo na kaya."

"Love, Ilang beses na kaming nagkaganito. Hindi niya ako kakausapin hanggang hindi niya maayos yung nasa isip niya. Dumadalaw naman ako sa kapatid ko binabati ko naman siya if andoon ako, I tried pero siya mismo ang umiiwas sa akin."

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon