Chapter 15

880 36 1
                                    

Grammatical & typographical errors ahead.
Thank you to all the readers! Happy Monday to everyone! (*☻-☻*)

XENIA

Sumilip ako sa beach, it's really beautiful. Gusto ko sana mag jetski kaso masyado pang mainit ang panahon kaya bumalik nalang ako sa loob ng villa at dumiretso sa kusina.

"Hi Xenia, nandito ka pala. Si Ri?"

"Nandoon sa room, nagpapahinga. Napagod mag drive." Sagot ko naman dito. "Baka may maitulong ako." Pag o-offer ko naman sa kanya, siyempre nakakahiya naman nakikita ko na nga siyang busy hindi pa ba ako tutulong.

"Sure, hiwain mo nalang yung mga veggies." Sumunod nalang din ako sa utos niya, hindi ako masyadong expert pag dating sa kusina, I'm also lazy when it comes to cooking, puro kain lang ang alam ko pero hindi naman ako ganoon ka tanga para hindi malaman kung paano gumamit ng kutsilyo.

Sinadya kong hanapin at puntahan itong si Mara, gusto ko kasi siya kilalanin. I also want to know kung anong tinatago niya.

"Wow, you're really good at that." Sambit ni Mara habang tinitignan niya akong maghiwa ng gulay. Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

Nagchikahan lang kami, nalaman ko din na chef pala ang lola niya kaya marunong siya sa pagluluto. Suprisingly she's really easy to talk to, Inexpect ko talaga na medyo bitchesa ang dating niya, masungit, mga tipong ganoon. Pero hindi, baka nga maging magkaibigan pa kami nito.

"Mara, ano 'to?" Turo ko doon sa isang bowl ng ulam na nakatabi.

"Ah, that's for Ri. Hindi kasi siya kumakain ng maanghang, nagtabi nalang ako for her." Dirediretso niyang sagot sa akin. Hmm, concern..

"ooh, hindi ko alam na hindi pala siya mahilig sa spicy foods... You two seems really close.  " She still cares for her but I'm not sure if she still loves her. Magkaiba talaga iyon.

"Y-yeah." Bakit naman siya kinakabahan.

"Can I ask something?--" Tumango lang naman ito sa akin, "--It's about Gabriella, Hindi ko pa siya masyadong kabisado and I'm planning to surprise her for our monthsary.--" Best actress award goes to me. "--May suggestions ka ba na pwede ibigay sa kanya, it's okay if you don-"

"It's fine." Pagpigil naman niya sa'kin at ngumiti pa. "Hmm..ano bang pwede.." Naka ngiti lang ako at tumango tango na para bang sobrang interesado ako sa sasabihin niya. Gusto ko lang naman talaga makita ang reaction niya pag pinag uusapan namin si Ginger.

"Reading is one of her hobby, a book will be a nice gift. She also likes to eat, ayaw niya nga lang ng anything na maanghang, favorite niya ang sinigang na bangus. Dinner date would also be a nice surprise. You can give her a puppy or a cat. She'll like that.  She likes shoes. She's obessed with them... ay sobrang dami ko na atang sinabi." Wow. She really knows her.

"Uy, hindi naman, thank you. Malaking tulong yung mga sinabi mo. Kilalang kilala mo talaga siya, kaunti nalang mapagkakamalan na kitang ex niya." Pagbibiro ko dito, tumawa pa ko ng kaunti para hindi niya malaman na sinadya ko yung sinabi ko. Hindi ko na nakita yung reaction niya kasi biglang sumulpot 'tong si Ginger. Wala ata sa vocabulary niya ang word na timing.

"Bango ah." Sabay pa kaming napatingin ni Mara. Kumuha ng spoon 'tong si Ginger at lumapit sa niluluto ni Mara, sasandok na sana siya ng hinampas naman ng ex niya ang kamay niya. Ako nandito lang, tamang observe lang muna.

"This is spicy! Nandoon yung sa'yo. Tinabi ko." Feeling ko madalas gawin ni Mara yang paghampas hampas, eveything is automatic between them, hindi mo namamalayan na ginagawa mo nalang, tipong nakasanayan na. Bigla pang nagkatitigan itong dalawa, para naman akong nanonood ng live drama. Feels like nakita ko na yung mga ganito dati. Siguro kung totong jowa ko 'to tapos ganito makikita ko baka naihampas ko na yung sandok sa mukha niya.

I let out a fake cough "love, ito yung sa'yo oh!" Parehas pa silang napatingin sa'kin lumapit naman sa akin si Ginger.

"Sorry." Bulong nito sa akin. Nakita ko naman si Mara na yumuko lang at bumalik sa pagluluto. Binigyan ko lang siya ng isang walang emosyong tingin. Maya maya pa ay merong isang lalaki ang dumating. Bigla itong yumakap at humalik kay Mara. Tumingin ako sa babaeng katabi ko, ayon patay malisya kunwari hindi nasasaktan pero deep inside alam kong mamatay matay na yan.

Parehas napunta ang atensiyon nila sa amin ng katabi ko. Nakatingin lang yung lalaki sa akin, para naman siyang nakakita ng multo, kagulat gulat ba ang itsura ko?

"Happy Birthday, Geoff.. Si Xenia pala, girlfriend ko." 

"Happy birthday. Thanks for inviting us." Bati ko dito, ngumiti pa ako sakanya.

"H-Hello, thank you." Magalang na sagot naman nito sa akin.

Dumating ang lunch time, nakilala ko pa yung ibang friends nila. Kilala din ni Gabriella ang mga ito.
Magkatabi kaming dalawa at nasa harapan naman namin ang ex niya. Maasikaso naman si Gabriella, sa ilang oras palang namin nandito hindi niya naman ako pinapabayaan, lagi niya akong tinatanong kung ayos lang ba ako. Naapreciate ko naman yung actions niya mapa fake man ito or hindi atleast hindi niya naman pinaparamdam na out of place ako specially sa mga usapan nila na panay chismis sa modeling world na wala akong kaalam alam, tanungin mo ko tungkol sa parts ng sasakyan ayan masasagot ko pa.

"Gaano na kayo katagal?" Singit na tanong nung isang friend nila

"Bago pa lang, a month." Mabilis na sagot ng katabi ko. Tumango naman ako at ngumiti sa kanila.

"We're really happy for you, Ri." Ramdam ko yung pagka plastic nitong mga so-called friends ni Ginger. Hindi ko sila feel. Lakas maka two faced bitchesa aura. Napansin ko naman na panay din ang tingin ng ex niya sa'min. Is she jealous? I think there is little bit of jealousy.



After lunch bumalik muna kami sa kanya kanyang room, nagpaalam si ginger sa akin na matutulog muna siya at ako naman ay nagdecide na maglakad lakad para pumunta sa beach.

Hindi ako masyadong nagbabakasyon sa mga lugar na may beach, hindi naman kasi ako skilled pagdating sa paglangoy. Pag nasa malalim na sure akong malulunod ako. Medyo may katirikan pa din ang araw, pumuwesto muna ako sa ilalim ng puno ng niyog nagmamasid masid, may mga lalaking nag je-jetski sa hindi kalayuan, may mga nag lalaro ng volleyball sa kabilang side, may mga bars din akong natanaw.

Habang tahimik akong nakatayo dito meron naman tumapik sa balikat ko.

"You look different." I hope that's a good kind of different. Hindi ko na ito tinignan dahil boses palang kilalang kilala ko na 'to.

"Maraming pwede mangyari sa isang araw, sa ilang taon pa kaya. Malamang merong magbabago--" Tumingin na ako sa kanya. "--Gulat ka ba? Parang nakakita ka ng multo kanina ah."

"You and Gabriella? Really, Xenia? I don't believe it."

"Homophobic ka ba?"

"I'm not. Hindi lang ako makapaniwala that you swing both sides."

"Surprise." Sagot ko kasabay ng mahinang pagtawa  He changed bigtime. Ruma-Ryan gosling na ang peg niya malayong malayo sa patpating lalaki na kakilala ko.

"Long time no see, Geoff."

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon