Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
—GABRIELLA
Where am I? What happened? Ang sakit ng ulo ko. Kasalukuyang nakadilat ako at nakatitig sa kisame. I'm sure na wala ako sa hospital. Inilibot ko ang tingin sa lugar kung nasaan ako ngayon.
Hindi rin ito hotel or motel. I am in a room of a person that I have no idea who is. Unti unti na akong kinakabahan.
I removed the comforter that was on me and I'm glad that I am still wearing my dress. Okay, nothing bad happen. Dinouble check ko pa ang sarili ko para makasigurado na okay ang lahat. Agad agad naman din akong tumayo para lumabas ng kwarto, hinahanap ko baka andito pa ang taong nagdala sa'kin pero wala akong nakita. Mag isa nalang ako.
The place have a minimalist Japanese design. Malinis, maaliwalas, maganda. Dumiretso naman ako sa kusina para maghanap ng inumin. Nauuhaw na talaga ako. Tutal andito na ako edi makikiinom na rin ako. Binuksan ko ang fridge at mabuti naman ay may tubig.
Water and apples. Ayan lang ang nasa loob.
Saktong pagkasara ko ng fridge nakita ko naman ang pictures na naka lagay dito. Nanlaki naman ang mga mata ko ng mapansin kung sino ito. I just saw a photo of the rude girl and the little boy that I met on Alexa's apartment.Paano ako napunta sa bahay niya? Pilit kong inalala ang mga pangyayari.
"Oh no." dali dali ko namang hinanap ang mga gamit ko mabuti nalang ay nakita ko ito sa may coffee table kinuha ko ito at agad na umalis.
***
"Teh! Ano na!?" Bigla naman akong nagulat kay Alexa. Nandito ako ngayon sa bahay niya. Sa totoo lang ilang araw kong inisip kung sasabihin ko ba ang nangyari sa amin ng pinsan niya pero natatakot ako, Baka kasi pag nalaman niya sakmalin niya ako bigla. Alexa is one of my trusted friends and I can't lose her. Konti na nga lang ang totong kaibigan ko tapos mawawala pa. Secret nalang muna, ayoko na sabihin sa kanya.
"Ano na si Mara? Ano nangyari sa inyo?" Tanong ulit nito.
"Hindi ko na alam.. dalawang buwan ko siya sinuyo pero nagulat nalang ako ng meron na siyang iba." Malungkot na sagot ko dito. "Ano pa bang kailangan kong gawin?" Naiiyak na naman ako.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko, nagawa niya akong palitan agad. Naiinis ako sa kanya kasi hindi siya naniniwala sa mga paliwanag ko. Mas pinaniwalaan niya pa ang mga fake news na balita kaysa ako sa sarili niyang girlfriend. Nagagalit ako sakanya pero mahal na mahal ko pa rin siya.
"She replaced me with a guy. A guy that she told me na wala akong dapat ikabahala o ikaselos." Matagal na kong nakakakutob sa lalaking iyon, ilang beses pa namin pinagtalunan iyon lalo na nung makita ko sila sa parking lot ng araw ng birthday ni Mico. I should have known.
"Palitan mo din." Sagot naman ni Alexa. But how can I do that? Hindi naman siya ganon kadali palitan. Mahal ko pa rin ito kahit ipinagpalit ako sa iba at hindi pa naman ako susuko, umaasa pa din ako. Naputol lang ang usapan namin ni Alexa ng marinig namin ang doorbell. Wala naman daw siyang inaasahang bisita ngayon. Agad agad niya namang tinungo ang pintuan.
Tumayo naman ako para magpunta sa kitchen para kumuha ng inumin at saktong pagtalikod ko ay bumungad sa'kin ang mukha ng isang pang tao na gumugulo sa isipan ko.
"May dumi ba ko sa mukha?" Hindi ko namalayan na matagal na naman akong nakatingin sa kanya. Nasa tabi niya din pala si Alexa na natawa nalang din, pinakilala niya ulit kami sa isa't isa. Hindi ko na din nasagot yung tanong niya kanina, nahihiya ako talaga humarap sa kanya lalo na pag na alala ko yung mga nagawa ko nung huli kaming magkasama. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
Hindi ako makapaniwala na kaya kong gawin iyon. That night, ang buong akala ko si Mara yung kasama ko. Kung ako nahihiya sa kanya siya naman parang wala lang.
Tahimik akong nakaupo at kumakain lang habang nakaharap sa TV pero napansin ko naman na naguusap si Alexa at ang pinsan niya, hindi ko alam kung nagtatalo ba sila o kung ano. Bumalik sila sa lugar kung saan ako nakaupo at nag kwentuhan pa, nahihiya ako lalo kung paano ako mag mukang ka awa awa sa harap nilang dalawa dahil sa mga kwento ko tungkol sa lovelife kong natapos nalang ng biglaan tapos hindi ko naman close yung pinsan niya. Mas nahihiya ako. Si Xenia naman ay tahimik na nakikinig lang sa usapan namin at paminsan minsan lang kung sumagot sa mga tanong.
"May lakad ka pala, naabala pa tuloy kita." Pag hihingi ko ng paumanhin. "Aalis na din ako." Pagpapaalam ko.
"Nako! Hindi, dito ka lang. Babalik din ako agad. May kailangan lang ako kunin." Mabilis na sagot naman nito sa akin. "Try mo makipag kaibigan diyan sa pinsan ko, marami kang matututunan diyan. Baka mabigyan ka pa ng advice tungkol kay Mara." Bumulong ito sa'kin.
Ayoko. Nahihiya ako. Tapos maiiwan pa kaming dalawa dito.
"Cous, ikaw na muna bahala dito." Paalam ni Alexa. Wala naman akong narinig na sagot ng pinsan niya. "Gabriella, dito ka lang." Paalala pa nito at saka mabilis na tinungo ang pinto palabas.
Tahimik lang kaming dalawa, hindi ko alam kung paano ko talaga siya i-aaproach. Natutuyuan nalang din ako ng lalamunan kaya panay inom nalang ako ng tubig.
"Kamusta ka?" Bigla naman nagsalita ang tao sa harap. Hindi ko alam kung seryoso ba ang tanong niya.
"ah..ano--" Bored lang siyang nakatingin habang nag aantay ng sagot ko. "--O-okay lang." Hindi naman talaga ako okay.
"So that's the reason kung bakit ka andon sa bar?" Mukang ito yung gabing tinutukoy niya na nagpunta ako mag isa sa bar para uminom. Tumango naman ako bilang sagot. "Sabi ni Alexa hindi ka naman masyadong umiinom, kaya nagulat siya nung sinabi kong kasama kita." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, ang ibig sabihin ba nito ay alam ng kaibigan ko kung anong nangyari sa amin ng pinsan niya. Lagot ako kay Alexa!
Narinig ko naman itong marahan na tumawa. "Relax, lovergirl.. Wala na akong ibang sinabi pa kay Alexa." Halatang napansin niya din naman ang pagkahulat sa mukha ko sa sinabi niya kanina.
"Xenia, about that night--" Paguumpisa ko, kailangan siguro din naman i-open ang topic na 'to.
"Just forget about it." Mabilis na sagot naman nito sa'kin. Forget? Napakadali lang pala para sa kanya nun. Sana all. Ako naman kasi hindi ko ikakaila na ilang araw ako ginulo ng mga pangyayari na iyon. Dumagdag talaga 'yon sa isipin ko kasabay pa ng pag iisip ng problema ko kay Mara, I also felt like I cheated on her kahit ba hiwalay na kami. Hay.
"Parehas nating nagawa yon, parehas na din naman tayong nasa tamang edad. So there's nothing to worry about. It's just one night stand--." Pagtutuloy pa nito.
"--it won't happen again."
—
![](https://img.wattpad.com/cover/341423834-288-k693709.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...