Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
—XENIA
"Uuwi na ko."
"Mamaya na, nagka girlfriend ka lang kinalimutan mo na ako, I'm hurt." Humawak pa sa dibdib si L na kunyaring nasasaktan talaga. Napaka arte nitong batang 'to.
"Eh bakit mo ba kasi ako niyaya dito? tapos ayaw mo naman ako painumin, ano, papanoorin lang kita? Unfair!" Ala siete palang ng gabi at itong si L ay niyaya ako. Andito kami ngayon sa isang hidden gem restaurant na aksidente naming nakita dahil sa sobrang gutom. It's a Japanese restaurant in the alley, walang makakapansin kung hindi mo sasadyain. Japanese ang owner, filipina ang asawa.
"Sumimasen, one order of okonomiyaki and yakitori. Thank you." Kausap ko yung staff. Lahat ng tao dito sa restaurant na 'to marunong mag Japanese, tagalog at english, kaya gustong gusto ni L dito.
"Oh, additional order of tempura and gyoza as well. Arigatou!" Dugtong pa ni L
"Okay po, 15 minutes po para sa orders. Thank you." Paalam ng staff sa amin at ngumiti.
"So, how was it? Having a girlfriend?" Nakangising tanong niya sa akin.
"Ayos naman." Okay naman ako sa relasyon ko ngayon kay Gabriella.
"I still can't believe you bent over for her. May pasabi sabi ka pa before na straight ka pa sa straight. Echosera ka!" Parehas naman kaming natawa sa sinabi niya. "You have all these rules tapos bigla nalang naglaho pagdating sa kanya."
"Hindi ko rin alam kung anong nangyari, nagulat nalang din ako." Pailing iling at natatawa kong sagot.
"I really thought you were just messing with her, but you're not. You're serious about her. Hindi ba pumasok sa isip mo na paglaruan siya?" Napangiti ako sa tanong niya. "Ohh..you're play—"
"No." Mabilis ko pagputol sa sinasabi niya. "Pero I'll admit, sumagi yan sa isip ko, hindi ko lang talaga inasahan na magugustuhan ko siya."
"Anong nagustuhan mo sa kanya? She's boring."
"Grabe ka naman. She's funny kaya! She makes me laugh! and sobrang maalaga, sweet, she always makes time for me, and she never fails to surprise me. Siya ang pahinga ko sa magulo at nakakapagod kong mundo. Hindi mo lang siya ganoon pa kilala kaya ganyan yung mga nasasabi mo." Pairap ko pang sagot sa kanya.
People may think that Gabriella is boring but sadyang introverted lang siyang tao. She likes peace and quiet. Iba ang ugali niya sa taong hindi niya masyadong kilala pero pag naka close mo na siya lumalabas ang kakulitan niya.
"Still, I have a bad feeling about her." Seryosong sagot ni L sabay inom sa baso ng sake.
"Tigilan mo nga yan, natatakot ako sa mga ganyan ganyan mo, madalas nagkakatotoo." Nakita ko lang ang nakakaloko niyang ngiti.
"Fine fine. Pagluto mo ko ng tofu sisig." Request niya.
"Next week."
"Yan din sinabi mo sa akin last time! Nagtatampo na talaga ako! Puro ka nalang Gabriella. So sad."
"Ang drama ha! Next week talaga, promise. lutuan kita." Tanging si L lang ang pinaglulutuan ko nung nasa Japan ako. Dahil close na close naman kami at siya ang taong sandalan ko ng ilang taon ay deserve niya naman na alagaan din siya.
"Are you sure I can live in your penthouse?" Tanong pa nito sa akin. I own several properties, magandang investment din kasi ang real estate. Dahil dito na niya tatapusin yung ilang taon na natitira niya sa college, ako naman ngayon ang mag aasikaso sa mga kailangan niya at isa pa ibinilin din siya ng Dad niya sa akin.

BINABASA MO ANG
Fate
Chick-LitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...