Chapter 59

898 34 2
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.



GABRIELLA


"Hon, why does your ex-girlfriend act like she doesn't know you? You told me that was like a mutual breakup, right?"

Tanong ni Maxine sa'kin na kasalukuyang nakaupo lang sa dining area habang ako ay nagluluto. Dapat turn niya magluto ngayon eh, I think I was scammed na pumayag ako tumira kasama siya.

Maxine is my one and only bestfriend, she's like my sister from another mother. We met here in the Philippines when I was in grade school and then sabay din kaming nagpunta sa states. Close ang family nila sa family ko dahil pare parehas kaming may korean blood.

Noong nakita ko ulit si Xenia pagkatapos lumipas ng ilang taon ay totoong nagulat din ako, I didn't expect na magiging kapit bahay namin siya. Kilala siya ni Max based sa mga kuwento ko pero never silang nag meet ng personal, that's why Maxine was shocked when I told her that our neighbor is the one I keep telling her about.

"Hindi ko rin alam. I noticed that she keeps on avoiding me kaya nilakasan ko na yung loob ko para makausap siya ng maayos." Hindi ko rin inaasahan na magiging involved siya sa new project na gagawin ko. Magiging guide namin siya para sa mga car scenes, excited din ako kasi alam kong magaling si Xenia pag dating sa mga bagay na alam niya and she's an international icon when it comes to drifitng.

Kinausap ko siya kasi ayaw kong mahirapan kami parehas dahil mahirap pag awkward kami sa isa't isa tapos magkakatrabaho pa kami.

"She asked me if I was mad at her." Dugtong ko pa.

"Ahhh, that's why, nahihiya rin siguro siya sa'yo." Sagot pa ni Maxine.

"Bakit naman siya mahihiya?"

"Because she's the one who initiated the break up. Maiisip niya talaga na galit ka sa kanya, kahit ako medyo ganoon din yung mafi-feel ko even though naging mutual desicion siya at the end."

"Hindi niya naman dapat ikahiya yun at hindi naman ako nagalit sa kanya. We broke up because she needed some time for herself at willingly ko namang ibinigay. Hindi naman kami naghiwalay dahil may nag cheat or whatever." Hindi ako nag cheat, oo nakita niya kami ni Mara noon, pero naexplain ko na ng maayos iyon and she believed me.

"Kamusta pala yung pag uusap niyo? You'll be seeing more of her starting next month." Tumango ako.

"Ayun, okay naman. Sabi ko sa kanya h'wag niya na ako iwasan, mukhang ayos naman sa kanya."

"That's good. Naka move on ka na ba?" Napatigil ako sa ginagawa ko at bumuntong hininga. Move on? Oo yata? Siguro? Hindi, hindi pa talaga.

"Wala naman kasing pumalit sa kanya pagkatapos nung sa'min."

"Meaning? Mahal mo pa?"

"My love for her will always be here."

"Try mo na makipag date sa iba. It's been years."

"Focus muna siguro ako sa career, hindi ko alam. Bahala na." Sa totoo lang when I saw her again, gustong gusto ko siya kausapin at kamustahin. Hindi ko kasi sure kung okay na na ba siya. Ayaw ko naman na maging feeling close kaagad baka naman kasi mabigla siya.

"and feeling ko boyfriend niya yung friend niya." Dugtong pa ni Max.

Boyfriend si Terrence? Nah. Hindi niya gagawing boyfriend yang si Terrence. Palabiro yang friend niya at alam kong joke time lang yung mga sinabi niya sa'min last time nung kumatok ako sa pintuan nila. Magunaw man ang mundo hindi papasok sa isip ni Xenia na gawing karelasyon yang kaibigan niya.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon