Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa ng story! 😙
—XENIA
Hiii! I'm home! How's your day?
Hello! Boring work ngayon. Let's have dinner later.
Mahal! jgh. Kumain ka na ba?
Look! *sents photo* naalala kita bigla! Haha
may pinadala akong something for your lunch! ☺️
Mahal, where r u? 🥺
Craving for kare-kare 😣
Don't forget to eat ha!
Mahal, r u home na ba? Call me agad if bahay ka na. Kulit mo kasi ayaw mo pa magpahatid! 🙄
OMG. I just received an email from WModels!! Thank you so much mahal ko!!
Iilan lang naman 'to sa mga chats and messages niya, laging ganito. Lagi siyang nag uupdate sa akin kahit hindi naman dapat, we are friends pero hindi naman required ng mga paganito but I just let her kasi nasanay na din ako sa kanya, ganoon talaga siya. Most of the time nagpapadala siya ng food sa workplace ko, if we both have free time lumalabas kami, mahilig siya mag punta sa iba't ibang museums kahit daw ilang beses niya na napuntahan ay hindi pa rin siya nag sasawa kaya dinadala niya ko sa mga favorite spots niya. Madalas niya din ako dalhin sa iba't ibang restaurants, nag reresearch pa nga siya kung saan may bago para daw matry namin.
Tinatawag niya din akong mahal pero ayos lang naman sa akin kasi yung mga kaibigan ko din naman tinatawag akong babe, beb, loves, siguro ayan lang yung trip niya kaya go with the flow nalang.
Pero isang araw nagbago ang ihip ng hangin, halos dalawang linggo siyang hindi nagpaparamdam at kung hindi ko pa siya aksidenteng nakita ay hindi siya makikipag usap sa akin.
Hmm... Ano ba dapat kong gawin? This is the first time na merong isang babae ang tumrato sa akin ng ganito at hindi ako makakapayag.
Ang buong akala ko ay nagkakaganito siya dahil sa nangyari sa amin last time sa club, we shared kisses before. A lot, pero never naman naging issue sa akin 'yon. Hindi ako nagalit kasi hinalikan niya ako, more on nagulat pero hindi galit. Kaya nga hindi na rin ako nag open up tungkol doon. Ako pa nga ang nagu-guilty sa mga nasabi ko sa kanya nung gabi na iyon pero hindi pala ito ang dahilan ng pag iwas niya.
Kung nag explain lang naman siya sa akin na medyo iiwasan niya ko dahil magbabalikan na sila ng ex niya ay okay lang naman dahil wala naman akong magagawa 'di ba. May choice ba ko eh desisyon niya naman iyon.
Naiinis ako kasi sinanay niya ako! After that 3 month deal, my original plan is to forget that she ever existed but she insisted to be friends with me! Tapos araw araw niya ko kinukulit, unti unti niya akong sinanay sa presensya niya at unti unti siyang pumapasok sa sistema ko! At ngayon naiirita ako dahil bigla niya nalang akong hindi pinapansin.
Nag i-start naman na ako sa aking one week challenge. The goal is syempre pansinin niya ako. Pero sadyang mailap ang isang 'to.
"Ano hindi ba gumana?" Biglang tanong ni Terrence, magkasama kami ngayon dahil panay ang kulit niya sa akin na samahan siya.
"Anong pinagsasabi mo?" Sagot ko habag panay kalikot sa phone ko nagbabakasakaling may himala at meron maligaw na message.
"Kilala kita, nagkakaganyan ka lang naman kapag hindi gumagana yung mga moves mo." He really is my bestfriend, alam na alam niya pag hindi sumasang ayon sa akin ang mga nangyayari.

BINABASA MO ANG
Fate
Chick-LitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...