Chapter 25

885 28 5
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


GABRIELLA




Hi gabbbiiii! Kakauwi ko lang. How's your day?

Hey! Kamusta, dami work today. sakit sa likod. Lol.

Kumain ka na? Look oh! It's your favorite!

Omw to track, wanna watch my training?

galit ka ba sa'kin? 😭




It's been a month na iniiwasan ko si Nia. I felt guilty but I really have to do it. Lalo na nung nagkita kami sa mall, grabeng pag pipigil ang ginawa ko noon, nasigawan ko pa siya nung panay kulit niya sa akin sabayan mo pa ng sama ng pakiramdam ng araw na 'yon. Sa totoo lang kung pwede lang siya yakapin nung araw na 'yon ginawa ko na.

I'm not texting nor calling her like I used to dahil pati yung mga ganitong gawain ko ay kailangan ko ng limitahan. Pero nitong mga nakaraang araw ay siya naman ang panay text sa akin, she's even commenting and liking my posts sa social media ko, madalang lang naman ako mag post, mostly regarding sa work lang naman din ang mga postings ko pero ilang araw na din akong hindi nakaka receive any messages from her.

"Good afternoon po ma'am. May nagdeliver po dito." Abot ni Kuya guard sa akin ng isang paper bag. Sinilip ko naman ang laman nito at panay pagkain ang nasa loob. Wala naman akong naalala na nagpadeliver ako ngayong araw.

"Hala, kuya. Wala po akong inoorder."

"Okay na daw po ma'am eh. Ang sabi lang po ng rider para sa inyo daw po." Wala naman akong choice kung hindi tanggapin nalang iyon. Nilagay ko naman sa table lahat ng nasa loob ng paper bag.

Creamy seafood pesto pasta and isang pint ng cookies and cream ice cream. Nagdadalawang isip ako kainin kasi baka may lason pero mukhang safe naman siya. Sino bang nagpadala nito? e dalawang tao lang naman may alam kung anong gusto kong food.


"Wow." Nakita ko lang naman ang post ni Nia sa kanyang private IG. Mabuti kaunti lang kaming followers niya. Ilang araw na din na panay thirst trap ang post niya.

The universe is testing me! Luluhuran po! Opo! My gosh!

The universe is testing me! Luluhuran po! Opo! My gosh!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon