Unedited expect grammatical &typographical errors.
-XENIA
"Hello!" Masiglang bati ng isang lalaki sa akin, si Vince. Sanay na naman ako sa kanya, minsan nakakairita pero ngayon ayos nalang sa'kin.
"Napadaan ka? Anong meron?" Tanong ko sa kanya habang busy ako checking some documents. Naandito lang ako ngayon sa office ko sa school, alam niya kung saan ako nag tatrabaho.
"Malapit kasi yung site dito kaya dumaan na rin ako and one more thing, your grandmother told me na sa'yo na daw ako makipag usap regarding sa renovations para sa University."
"Ugh. Oo nga pala, can we just set-up another day for that?" Si Vincent pala ang head architect para sa renovation and pagpapatayo ng additional building para sa University. Their family owns one of the well known architecture, engineering & design construction company here in the Philippines. "I'll let you know tomorrow."
"Sure. Kamusta ka?"
"ito." Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Pagod na pagod ako these past few days. Masiyadong maraming inaasikaso. Unti unti ng tinu-turn over sa'kin ang work sa pagiging President ng University. Hindi ko na rin mahindian sila lolo&lola. Mas okay na 'to kaysa naman sa akin nila ipahawak yung hospital, mas wala akong alam doon. Baka imbes na bagong equipment ng pang CT Scan ay photocopy machine ang maaprubahan ko. Hayaan ko na si mudra & tita doon. Tumingin naman ako sa orasan ko, 12:30 na ng tanghali kaya pala nagpaparamdam na ang tiyan ko.
"Naglunch ka na? Tara, kain tayo." Yaya ko kay Vince. Nahalata ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi naman kasi ako ganito sa kanya noon kaya ganyan siguro ang naging reaksyon niya. Wala namang masama sa ginawa ko, niyaya ko lang naman siya kumain.
"Are you asking me out on a date?" Ang tigas din talaga ng mukha nitong lalaking 'to. Grabe, nasisiraan na ata ng ulo 'to. Bahala na nga siya.
"Whatever you say. Ano na? Nagugutom na talaga ako." Wala akong balak makipagtalo sa kanya ngayon, gutom na ko.
"Saan mo gusto mo maglunch?"
"Gusto ko ng bopis. Dalhin mo ko doon sa dati, pwede?" Nakangiti ko namang sagot sa kanya. Isa din ito sa rason kung bakit ko siya inaya, isang linggo na din ako nag ke-crave ng bopis at yung lugar na pinagdalhan niya sa akin noon ay hinahanap hanap ko. Masarap kasi yung bopis doon.
"As you wish!"
Nakarating naman din agad kami doon sa place, nag order ako kaagad. Pagkadating ng food kumain na agad ako.
"Hinay hinay lang, wala kang kaagaw." Natatawa niyang sinabi sa akin, Napatingin naman ako sa kanya kahit ngumunguya pa.
"Gutom talaga ako, grabe." Sagot ko naman, napangiti at napailing nalang siya.
"Xen, free ka ba bukas ng gabi?" Biglang tanong niya naman. Napaisip naman ako, may gagawin ba ako bukas? Sa pagkakaalala ko wala naman. Yung isang tao kasi na madalas ko ayain eh hindi pa rin nagpaparamdam sa akin. Anyway, hahayaan ko muna siya ng mga ilang araw.
"Hmm, wala naman. Trabaho lang sa umaga."
"Birthday ng sister ko, punta ka naman."
"Ganoon ba? Sige." Sagot ko, wala naman akong gagawin, so pwede naman pumunta.
"Talaga?" Gulat na tanong naman nito sa akin.
"Oo, bakit?"
"Eh kasi, ano, hindi lang ako sanay na pumapayag ka na sa mga ganito. I remember inaya din kita dati kaso never ka talaga pumayag." Ah, naalala ko iyon,pinipilit niya ako pumunta sa kanila. Eh hindi naman talaga ako nagpapakita sa mga family gatherings ng mga ka fubu ko. Pero ngayon ayos lang naman kasi we're friends at alam niya naman na hanggang doon nalang ang status namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Fate
Literatura FemininaA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...