Prologue

359 5 0
                                    

Sobrang daming tao ngayon sa school at hindi ko alam ang mga nangyayare. Bukod kasi sa mas maraming magulang ang kumukuha ng mga card ay may mga magulang pa na nagsstay ng matagal sa labas at parang may hinihintay.

Pumipirma nalang ang mga magulang sa room ko kaya naman naisipan kong tignan ang labas. Mas marami ang nakapila sa room kung saan naroon ang mga anak ko. I don't know if the teacher allowed them to enter since wala silang guardian na dala. Ang malala pa, the teacher there is someone who really doesn't like me.

Napabuntong hininga naman ako at bumalik na sa table ko para sana ayusin ang mga papel at cards ng bata para iaabot ko nalang.

"'Yan 'yung teacher ba na walang asawa?", rinig kong bulong ng isang magulong. Umakto naman akong walang narinig at umupo na sa upuan ko. Normal nang makarinig ako ng mga gantong usapan sa mga nanay ng mga estudyante ko dahil bukod sa maraming nakakakilala sa'kin, kilala rin ang mga anak ko.

"Oo. Nabuntis nga raw 'yan nung dalaga kaya ayan, bata pa ang muka kahit nanay na.", sagot naman ng isa at narinig ko ang sighal nito.

I still act like a normal teacher. If I am still undercover, I will for sure make these two suffer but I long ago let go of the job. Well, totoo naman ang sinabi nila. I got pregnant when I was young and free. My life really changed when I was 23 because of that night. A night full of mistakes.

Hinayaan ko lang silang mag-isip ng kung ano ano tungkol sa buhay ko. Akala ko ay 'yun lang ang mararanasan kong kabaliwan ngayong araw pero hindi siguro ako talaga patatahimikin ng pagkakataon dahil may pumasok na co-teacher ko at inabot ang limang folder na alam kong puro report nanaman ang ibibigay n'ya sa'kin.

"Oh.", masungit n'yangbanggit at ibinagsak ang mga folder sa papel ko. Tinignan ko lang 'yon at hinintay na s'ya mismo ang magsalita ng kung ano ang gagawin ko sa mga 'yon. "Basahin mo lahat at pagsunod-sunurin 'yung number. I-photocopy mo den 'yung may mga red.", utos n'ya t tumango naman ako. "Tsk. Ayusin mo. Matatalino anak mo 'di ba? Edi matalino ka din?", sarkastiko n'yang sambit at hindi ko naman maiwasang hindi magtaas ng kilay.

"Matlino naman po talaga ako. Halata naman na kaya n'yo po binigay sa'kin 'yan dahil hindi n'ya kayang tapusin 'yan.", magalang kong banggit at kinuha ang mga folder. Mukang hindi naman n'ya inasahan ang sagot ko.

Narinig ko naman ang bulungan ng mga magulang at hindi ko na piniling patulan pa sila. Bumuntong hininga nalang ako sa sobrang pagod ngayong araw.

"Aba, natututo ka na ding sumagot? Anong akala mo porket mas mataas ang posisyon mo ay ganyan ka na? Masyado kang matapang. Kaya ka siguro iniwan ng nakabuntis sa'yo!", galit n'yang sigaw. Sumama naman naman ang timpla ko nang marinig sa kanya ang mga salitang 'yon.

I never left anyone. I run away from him.

Hindi ko naman mapigilang hindi mainis sa mga sinabi n'ya. Astang tatayo na sana ako at sasagutin s'ya nang marinig ko naman ang boses ng anak ko. Agad naman akong kumalma at nakangiting tumingin sa pintuan pero isang matangkad na lalaki ang nakita ko roon.

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig. He looks exactly the same person I met 9 years ago. His perfectly curled brown hair is still as shiny and looks softer than before, amg tindig at ganda ng katawan n'ya ay mapapansin agad dahil sa sikip at tamang paglapat ng damit n'ya sa katawan, hindi rin maitatanggi na sa tangos ng ilong at kinis ng muka, maninipis at pinkish na labi ay talagang iisiping para s'yang naliligaw na prinsepe sa maliit na paaralang 'to.

Sa kanang kamay n'ya ay buhat buhat ang batang lalaki na hindi nalalayo ang muka sa kanya. Kuhang kuha ang hugis ng muka at gandang lalaki. Sa kaliwang kamay naman n'ya ay isang batang babae na maputi at matatambok ang mga pisnging nakangiti sa direksyon ko. Mahahalataang ang muka n'yang pagkaganda ay galing sa'kin pero hindi maitatangging ang ganda ng kanyang pagkakulot at mga kilay ay sa lalaking nakatayo makikita.

"Mama!", muling sigaw ni Mattia at tumakbo papalapit sa'kin. Nagdalawang isip pa s'ya kung bibitawan n'ya ang lalaki pero dahan dahan n'ya 'yong hinawakan at malambing na tinapik. Parang sinasabi n'yang babalik rin s'ya.

Para naman akong pinagsakluban ng langit at lupa. Mabigat akong napasandal sa upuan ko at hinayaang yakapin ako ni Mattia. Maya-maya ay naramdaman ko ang presensya ng lalaking kasama ni Mattia at nakatayo na s'ya sa harapan ko. Dahan-dahan ko naman s'yang itiningala at muli kong naramdaman ang kakaibang lamig no'n. 'Yun ang tingin na hindi ako kakalma dahil alam kong wala na akong kawala sa kanya.

He grinned and licked his lips before telling me..

"You can't hide anymore, Art." 

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon