Report 046

111 1 0
                                    

Artiona Novaliege.

Pagbalik ko sa bahay ay agad naman akong napaupo sa kama. All along, he's my annoying neighbor? S'ya rin ang amo nung matabang pusa? How come I never knew that? Ang alam ko ay umuuwi s'ya sa penthouse n'ya o kaya nama'y hindi s'ya lumalabas ng Casino.

'This village is really unknown..'

Niligpit ko naman ang mga papel na nasa sahig at saka itinabi ang mga ebidensyang ibinigay n'ya sa'kin. I don't know if these are original but I just know, this are not forged. Kinuha ko naman ang suitcase sa ilalim ng higaan ko at saka inilagay roon ang mga 'yon. It's a bulletproof suitcase and had a passcode kaya it's secured.

[BZZT! BZZT!]

Napatingin naman ako sa cellphone kong nag-vibrate. Unknown number 'yon pero ang una ko lang pinagbigyan ng number ko ay si De Niro kaya alam kong s'ya ang tumatawag. Wala pang iilang oras ay tumatawag na s'ya agad. Marami pa akong kailangan asikasuhin para mapulido ang trabaho ko.

Matagal ko namang pinatunog 'yon bago kinuha at sinagot. Hindi naman ako nagsalita at hinintay s'yang mauna.

[Is this Novaliege?], tanong n'ya na ikinainis ko. Malamang.

Huminga naman ako ng malalim bago nagsalita. "Yes, speaking.", sambit ko at napapitik naman ang kilay ko nang mahina s'yang tumawa.

[Why so formal? 'Di ako sanay.], pang-aasar n'ya. Medyo lumayo naman ako sa pader at baka makaramdam s'ya ng kahit na ano.

"What it is?", kalmado kong tanong at kumuha ng maliit na papel bago sinulat ang mga posibleng tao na tumulong sa'kin along the way.

[I think.. My neighbor is up to something.], seryoso n'yang sabi na ikinatigil ko. Tumingin naman ako sa pader na naghahati sa aming dalawa at napairap. [May naririnig akong maingat na paggalaw. Like they are doing something suspicious?"], dagdag pa n'ya at napatingin naman ako sa suitcase na kakatabi ko lang.

"Normal lang ang katabi mong kapit-bahay. I checked the whole village and nothing's suspicious beside you.", kalmado kong sambit at muling sumulat roon. I also need a concrete plan dahil hindi magiging madali ang gagawin kong pagprotekta sa isang 'to.

Marami na akong misyong nagawa noon at sa dalawang beses akong nagkamali, sinisigurado kong bago gawin ang trabaho ko ay handa lahat. Hindi rin ako masyadong nagtitiwala sa binibigay sa'kin ng agency dahil ang magaling kami ay mag-imbestiga at minsa'y may mga impormasyong hindi nakukuha sa ganoong paraan. Kailangang isugal minsan ang buhay o kaya sumira ng tiwala dahil hindi lahat ng kabitihan ay pwedeng gamitin kapag oras ng pangangailangan.

[Really?  Alright, then.], huling sambit n'ya bago pinatay ang tawag.

"Tsk!", singhal ko at saka itinabi ang phone ko. Nagbihis rin ako at siniguradong maitatago ko ang identity ko. Sinigurado ko namang naka-lock ang pintuan at mga drawer ko bago pumunta sa labas at kunin ang bike ko.

''Yung motor ko nasa agency pa. Damn that woman!'

Pumunta naman ako sa pinakamalapit na landline at saka tinawagan si Midrange. His number is untraceable since he's good at hiding kaya naman malakas ang loob kong mako-contact ko s'ya. Ilang beses naman nag-ring 'yon bago s'ya sumagot.

[Who's this?], sambit n'ya at kaswal na tanong.

Tumingin naman ako sa paligid at binuksan ang bubble gum na kapit. "01017.", sambit ko sa code para malaman n'ya kung sino ako. It's a common rule for us to remain connected.

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon