Report 033

109 2 0
                                    

Artiona Novaliege.

Matapos ang nangyaring kasalan na hindi natuloy dahil tumakbo ang dapat ikakasal ay matagal na hindi natahimik ang agency. Marami ring nagulat sa balitang si Emerald ang bride at isang anak ng Minister. Iniisip ng karamihan na nagtraydor si Emerald pero may mga iilan na nagsabing nasa misyon lang s’ya. Hindi naman ako nakikisali sa debate pero hindi maiwasang madamay ako.

“Balita ko magkakilala si Nightshade at ‘yung mafia. Paano kung may relasyon ‘yung dalawa?”, rinig kong tanong ng isang babae habang nakapila sila sa Cafeteria. Sakto namang nasa likod nila ako at naghihintay rin. Gusto ko mang umuwi ay wala akong magawa dahil ayaw akong palabasin ni Nirva hangga’t hindi ko napapasa ‘yung report.

“Maraming beses na nabalitang may karelasyon si Nightshade. Ngayon ka pa maniniwala? Kung meron man, mas maniniwala akong para ‘yon sa misyon n’ya.”, sagot ng kasama n’ya. Tumaas naman ang dalawa kong kilay at naging interesado sa usapan.

“Sabagay. Si Emerald kasi.. talagang totoo. S’ya rin ang nang-agaw kay Crimson ‘di ba?”, tanong nung babae.

Nakinig lang ako sa usapan nila at ang pagbabalik nila sa nakaraan. Gusto kong purihin ang dalawang ‘to dahil parang naroon sila noong nangyari ‘yon. Patunay ngang sa loob ng agency, ang chismis ay totoo. Napatingin naman ako sa mga tinitignan ng mga tao nang magsimula silang magbulungan.

Magkasama si Emerald at Crimson. Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga dahil ramdam ko rin ang tinginan sa’kin.

“N-Nightshade..”, gulat at parang takot na tawag sa’kin nung isang babae na nasa harap ko. Nginitian ko naman s’ya at nagpasalamat sa kaluluwa ni Nirva nang makita ko ang secretary n’yang papunta sa tabi ko.

Nawala naman ang gutom ko nang pag-upo ko ay narito ang lahat ng opisyales. Pito silang nakaupo sa tapat ko at para akong hinuhukom. May iilan ding bago ang muka na tinititigan ako ng hindi nila tinatago. Komportable naman akong umupo roon at naghihintay lang sa susunod nilang mga sasabihin.

“Infant tablet.”, simula nang isa at agad naman akong napatingin sa kanya. Agad nanliit ang mata ko nang makita ang napakaganda n’yang muka. Parang pamilyar ang hugis no’n at nakita ko na kung saan. “That’s the reason why the black market is in chaos.”, dagdag pa n’ya at muling tumigil. “Do you have any idea what that means?”

Tumango naman ako. “Looks like it’s an interesting drug.”, kaswal kong sagot. Agad kong naramdaman ang nakakatusok na tingin ni Nirva. “I mean, what is that drug?”, I innocently asked. Masyado lang akong wala sa sarili para tanungin kung ano ang sinasabi nilang tablet.

Bigla ko namang naramdaman ang bigat ng paligid at mukang nagintayan pa sila kung sino ang gustong magpaliwanag. “The powder we collected on the ship, the unknown one.”, panimula ni Nirva.

“’Yung may unidentified ingredients.”, saad ko at naintindihan na ang mga nangyayari.

Hindi ko maiwasang hindi mandiri sa nalaman. Kung ‘yun ang dahilan ng kaguluhan at pinaplano nila De Niro, isa na ‘to sa mga misyong handa akong mawala sa trabaho mapatay lang sila. Hindi ko alam na darating ang araw na mahahawakan ko ang isa sa mga kasong kahit siguro sino ay hindi maiisip gawin.

“This is one of the most crucial missions our agency could ever handle. Everything about that drug should be stopped.”, saad ni Master na pinakinggan lang namin.

Hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya.

“Nightshade, you’re the only one we can trust.”

“What do you want me to do?”

“Kill the mafia.”

It’s been three months since I was stopped by then for the mission of killing that man. Hindi ko alam ang iba pang idadahilan para iwasan sila. Gusto ko mang tanggapin ang misyon pero parang may pumipigil sa’kin na hindi ko malaman kung ano. Simula kasi nang makasama ko si De Niro ay napapansin kong nawawala ang kagustuhan kong patayin s’ya. Sa dami nang misyon nagawa ko ay ngayon lang ako tumagal sa pag-iisip.

"Isang linggo, Nightshade. Sa araw na ila-lunch nila ang gamot, kill him for a week."

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa kwartong 'yon nang hindi nag-iisip. Para ba akong nakipag-kasundo sa demonyo para patayin s'ya sa loob ng iilang araw lang. Masyado nilang ginagamit ang koneksyon namin at alam ko sa sarili kong darating ang pagkakataon na hindi ako sigurado sa gagawin. Alam kong may mali, may nararamdaman ako hindi tama.

Malalim akong bumuntong hininga at tinignan ang pusa sa tabi ko. “Isang meow, papatayin ko ‘yung Italyano.”, sambit ko sa pusa. Gusto ko namang matawa sa ginawa ko at inilipat ang tingin sa kisame. Nakahiga ako ngayon habang ang pusang hindi ko kilala ay nasa tabi ko at tinitignan ako.

“Meow.”, sambit n’ya na ikinagulat ko. Tinignan ko s’ya ulit at ngumisi.

“Sabi mo ‘yan ha.”, saad ko at binuksan ang PC. I messaged the agency about the signed contract and that I will take the mission.

Bumalik ako sa higaan at kinusap ulit ‘yung pusa. Kung may mga makakakita man sa’kin ngayon at aakalain nilang nababaliw na ako pero kailangan ko lang siguro na may panghawakan dahil wala akong maayos na desisyon noong mga nakaraan araw. Habang minamasahe ang ulo ng mabalbong pusa at napansin ko ang nakaipit na papel sa collar n’ya. Nakarolyo lang ‘yon na may ribbon at hindi ko alam kung may laman pero kinuha ko pa rin para makita ang laman.

[THANKS FOR FEEDING MY CAT ♡♡]

Malalaki ang letrang nakasulat ‘yon sa maliit na putting papel. Napangiti naman ako at pinanliitan ng mata ang pusang nakatingin sa’kin. Maya-maya’y kinukuha n’ya ang papel at gusto ‘yong laruin.

“Wala amo mo noh?”, tanong ko sa kanya at pinakiramdaman ang katabi kong bahay. Walang ingay o kahit na anong galaw roon kaya baka hindi pa s’ya napapakain.

Wala rin ako ne’tong mga nakaraang araw pero pansin ko namang walang nagbago sa hulma at taba n’ya kaya sigurado akong napapakain pa rin s’ya ng maayos. May mga pagkakataon rin na ang isang bag ng cat food na binibili ko ay iniiwan ko lang sa kainan n’ya para naman pwede n’yang balikan kung kailan n’ya gusto.

Agad akong napatingin sa cellphone ko nang tumunog ‘yon at na-receive ko ang kailangan kong puntahan ngayong gabi. Ang misyon ko ay patayin si De Niro at patigilin ang umiikot na droga kaya kailangan kong puntahan ang malalaking event n’ya pero this time, we’re really in each other’s neck.

I decided to be someone tonight kaya tinawagan ko si Midrange para mabigyan n’ya ako ng impormasyon galing sa baba.

“Yow!”, bati n’ya. Mukang maganda ang timpla ng isang ‘to kaya mapapabilis lang ang trabaho ko.

“You know the drill. The list.”, sambit ko.

‘Di naman s’ya agad sumagot. “Sorry, Nightshade. I can’t give it to you.”, sambit n’ya na ikinagulat ko.

Depende sa nangyayari sa black market, alam kong apektado rin si Midrange ng mga nangyayari. Ngayon lang din nangyari na hindi n’ya maibigay ang kailangan ko at alam kong kahit ilang halaga ang ilapag ko ay mas yumuyuko s’ya sa batas na meron sila.

“Alright.”, saad ko at saka pinatay ang tawag. Plano ko na sanang maghanda nang makatanggap ako ng text kay Midrange at nakalagay roon ang location at kung ilan ang mga dadalo. Napangiti nalang ako at patago s’yang pinasalamatan.




Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon