Artiona Novaliege.
I am an agent for years now. I never failed any mission after that one time and learned my lesson."I don't want to lose you... Novaliege.", bulong ni De Niro at idinikit ang noo sa'kin.
Para naman akong nahibang at nawalan ng lakas dahil doon. Kahit pa gusto kong saktan ang sarili, wala naman akong magawa sa nararamdaman kong kaba galing sa hindi ko alam na dahilan.
"Shut up.", mariin kong sabi at pinilit makawala. Sinalubong ko naman ang mga tingin n'yang pinagmamasdan ang mata ko. Para s'yang may gustong hanapin doon.
[BOOOOM!]
Napayuko naman ako sa malakas na pagsabog galing sa kisame. Bumagsak ang mga chandelier na naroon pero wala na akong pakialam doon dahil nawala ang presensya ni De Niro na agad kong ikinabahala. Sumugod ako sa naglalaglagang mga bubog at bakal para lang mahabol s'ya pero nang makapunta ako sa hallway ay kahit ang anino n'ya ay hindi ko na naabutan.
"ARGH!", frustrated kong sigaw at saka kinuha ang mga papeles bago lumabas at umaasang makita s'ya. Sa mahabang kalsad ay napansin ko ang mabilis na motor na dere-deretso ang andar at nakilala ko rin ang likod n'ya. "Tsk!", singhal ko at sa bumaba ng building bago kumuha ng motor kung saan at saka s'ya sinundan.
Tinodo ko ang baba ng control grip at umaasang matatagalan ng motor ang bilis ng takbo ko. Sa iilang pagliko ko ay napansin ko ang dami ng sasakyan sa daan, pare-pareho ang mga 'yon at parang may hinihintay sa bawat pagliko. Kahit ang mga naka-uniform na mga tao ay masyadong nakakapagduda.
'Looks like I am not the only one who's chasing that man.'
Hindi pa man ako nakakalayo ay biglang nag-alisan ang mga sasakyan at parang nasa iisang direksyon lang ang pupuntahan. Agad ko namang ginamit 'yon na direksyon at sigurado ang kutob na ang pupuntahan nila ay walang iba kung hindi si De Niro.
"Bingo!", bulong ko at nakita na ang motor ni De Niro na lumiko at iniwasan ang mga kotseng humarang sa harap n'ya. Agad ko naman s'yang sinundan at inilabas ang baril. Nagpakawala ako ng ilang bala sa direksyon n'ya at pinilit s'yang maabutan.
Napangisi naman ako nang lumingon s'ya sa'kin.
"THEY SHOULD HIRE YOU!", sigaw n'ya at itinodo ang grip. Sinabayan ko naman s'ya at tinatansya ang motor na gamit.
"LIKE HELL THEY CAN PAY ME!", sigaw ko pabalik at inasinta ang gulong n'ya. Nilaro naman n'ya ang bawat pagliko para makaiwas roon.
"THIS LOOKS SO ROMANTIC KUNG HINDI LANG TAYO NAGPAPATAYAN!", pang-aasar n'ya at binunggo ang motor ko.
Bumalanse naman ako at sinipa ang motor n'ya. He's also experienced so no one died. "THEN LET ME KILL YOU ALREADY!"
"YOU THINK I'D LET THAT HAPPEN?"
[BANG! BANG!]
"SA TINGIN MO HAHAYAAN KITANG MABUHAY?"
"DON'T BE TOO HARSH! 'WAG KA NGANG SIPA NG SIPA? YOU'LL GET HURT, YOU KNOW!"

BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...