Artiona Novaliege.
Two hours before the wedding and everyone was gathered to congratulate the couple. Kanina pa kami naghiwalay ni De Niro and he is currently sitting in a long couch habang ang mata ay nakatingin kung saan. Para s’yang matutulog na anytime. Gusto ko namang tawanan ang itsura n’ya pero kailangan kong umaktong walang pakialam dahil kasama ko si Crimson ngayon bilang partner ko.
“Any updates?”, tanong i Crimson habang nakatingin sa’kin pero alam kong ang co-agent namin ang kausap n’ya. May iilang agent na undercover para hanapin si Emerald. Napansin naman ni De Niro ang mga simpleng tingin ko kaya tinignan n’ya ako ng diretso.
Masasabi kong bagay sa kanya ang tuxedong puti. Sa tindig at itsura n’y ay makikita ang pagiging italyano n’ya. Mas bumata pa s’yang tignan dahil sa magandang kulot ng buhok n’ya na mas nagpapatingkad sa ganda ng mga mata n’ya. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming interesado sa kanya.
“Artiona!”, napatingin ako kay Crimson nang tawagin n’ya ako.
Tinaasan ko naman s’ya ng dalawang kilay. “What?”
“Kanina pa kita tinatawag.”, medyo natatawa n’yang saad. Hindi ko naman napansin ‘yon. “Where we’re you when that Italian is missing? You never answer.”, sambit n’ya.
Hindi naman agad ako nagsalita at nag-isip ng isasagot. “Hinahanap ko si Emerald.”, pagsisinungaling ko. Tinitigan naman n’ya ako ng matagal bago tumango.
“I think she’s not here.”, sambit pa n’ya at tumingin sa paligid.
Napunta naman ang atensyon naming lahat sa tunog ng malaking bell, hudyat na magsisimula na ang kasal. Muli ko namang hinanap si De Niro pero wala na s’ya sa pwesto kung saan ko huli s’yang nakita. Kumapit naman ako sa braso ni Crimson nang inoffer n’ya ‘yon at naglakad na kami papunta sa kanya-kanya naming upuan.
Nakahilera ang mga upuan may mga disenyo sa harap ng mala-palasyong mansyon sa Villa. Sa harap naman namin ay ang napakalaking lawa kung saan nakatayo ang pari at si De Niro. Silang dalawa lamang ang naroon at hindi ko maiwasang mapakunot ang noo nang mapansing may kung anong ginagawa si De Niro sa relo n’ya at hindi man lang makitaan ng saya sa muka.
“Tsk!”, angil ko. Naramdaman ko ang kapit ni Crimson sa baywang ko kaya napatingin ako likod kung saan dadaan ang bride.
Unang lumabas sa manipis na kurtina ang Minister na tuwang tuwa at medyo naluluha. Kumaway s’ya sa mga tao bago tumagilid at hinintay ang anak n’ya. Lahat ay nakatutok sa kanya at halos huni lang ng ibon ang maririnig. Tumigil naman ang paghinga ko nang makita ang babaeng nakasuot ng wedding gown na natatakpan ng manipis na veil. Kahit ano ang suot at ginagawa n’ya ay makikilala ko ang hubog ng katawan n’ya. Kahit ang mga kilos at kung paano s’ya ngumiti ay hinding-hindi ko makakalimutan.
“Emerald..”, rinig kong bulong ni Crimson. Nanatili naman ang tingin ko sa babaeng berde ang mata at tuwang-tuwa na kumaway sa napakaraming tao na kung tumingin sa kanya ay para s’ya lang ang gumagalaw sa mundo.
Narinig ko rin ang kaguluhan sa kabilang linya ng earpiece ko. Wala namang nagsalit sa’min ni Crimson at nanatili lang pinanood na dahan-dahang maglakad si Emerald. Hindi namin alam kung ano ang plano n’ya pero hindi rin namin maitago ang gulat na s’ya ang anak ng Minister. Alam kaya ‘to ni Nirva? Kung ganoon ay konektado ang pagkakawala n’ya at ang naka-assign na agent para panoorin si De Niro.
“Nasaan ‘yung Italyano?”, gulat na tanong ni Crimson kaya agad akong napatingin sa unahan. Pari nalang ang nakatayo roon at si Emerald naman ay tumigil sa gitna.
Hindi rin n’ya inasahan na walang naghihintay sa kanya sa dulo. Lumipas ang ilang minuto at walang De Niro na pumunta o para hawakan ang kamay n’ya.Nanatiling umiikot ang mga ulo ng iba kaya hindi kami nagbalak na umalis sa pwesto namin. Bigla kong naalala ang pag-uusap namin ni De Niro kanina.
[FLASHBACK]
Hindi ko mahanap ang isang ‘yon. Kung kasal n’ya ngayon. Ibig sabihin ay wala si Emerald dito at iniwan n’ya kung saan. Hangga’t hindi s’ya nakikita ng mga tao ay pwede ko pa s’yang patayin at tanungin kung nasaan na ang babaeng ‘yon.
“Aish! Sa dami ba naman kasi ng mahuhuli ay s’ya pa?”, inis kong sambit at nakarating na sa parking lot sa paghahanap. Naisip ko rin na baka wala pa ‘yung lalaking ‘yon kaya tinignan ko ang sasakyan n’ya. “Nasaan ka ba?”, bulong ko nang matapat sa kotse n’yang walang tao.
“Looking for me?”, agad akong napatingin sa tabi ko nang makita ang napakatangkad na lalaking may hawak na susi habang pinaglalaruan ‘yon at nakangiting nakatingin sa’kin. Agad naman akong umiwas ng tingin nang mapansin kong napatitig ako sa kanya.
“Going somewhere?”, mapang-asar kong tanong at tinignan ang tuxedo n’ya.
Hinawakan naman n’ya ang baba ko at marahan ‘yon tinapat sa muka n’ya. “I’ve change my mind.”
“Don’t tell me you’ll ditch the wedding?”, ngisi kong tanong at tinanggal ang pagkakakapit n’ya.
Nginitian n’ya naman ako. “You DITCHED the engagement party.”, parang bata n’yang sambit na ikinangiwi ko.
“You’re not there.”, kaswal kong sabi at nagtaka naman ako nang takpan n’ya ang labi.
“So, you will go if I was there?”, mapang-asar n’yang tanong.
Inirapan ko naman s’ya. “No. Hindi lang ako makapaniwalang ako ang sinasabihan mo n’yang kung ikaw mismo ‘e wala roon, Mr. De Niro.”, mariin kong sambit.
Gumusot naman ang muka n’ya. “I prefer to do something more than that.”, sambit n’ya. “Oh. Where’s your invitation?”, tanong n’ya na ipinagtaka ko.
Kinuha ko naman ang maliit na card at ipinakita sa kanya.
“That’s the old one. Pinabago ko na ah. Last minute!”, nang-aasar n’yang sambit. Masama ko naman s’yang tinignan at tinanong sa kabilang linya ang mga kasama ko. Hindi ko rin tinago sa kanya dahil alam ko namang una palang ay pansin na n’ya. Totoo ngang binago na nila. “Want the new one?”
“Should I beg?”, sarkastiko kong tanong pero mahina lang n’ya akong tinawanan. Sabay naman kaming napatingin sa sasakyang papunta sa direksyon namin.
“There’s better than begging.”, mapaglaro n’yang sabi bago ako hinila papasok ng sasakyan n’ya.
[END OF FLASHBACK]
Kung iisipin, una palang ay gusto na n’yang umalis. Napatingin kami kay Emerald nang malakas s’yang umiyak. Hindi ko alam ang nasa isip n’ya pero alam ko ang emosyong ‘yon ay hindi galing sa isang babaeng nakidnap. Wala rin akong maisip na dahilan para pilitin s’yang ikasal. Napaapak naman ako patalikod nang dumaan si Crimson sa harap ko at mabilis na pumunta kay Emerald. Hindi ko naman na alam ang sumunod na nangyari dahil agad kong hinanap si De Niro.

BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...