Report 058

141 7 2
                                    

5 MONTHS PASSED...

Artiona Novaliege.

I was in a bank, withdrawing the money I've got from my previous mission. Umabot 'yon ng dalawang bag dahilan para ma-late ako sa meeting namin sa agency. May bago akong misyong kukunin, it's code orange that's why it's kind of serious.

[BZZT! BZZT!]

Bago pa man ako makasakay ay natanggap ako ng warning sa location ng target ko. I just ignored it, step into my car, and drive it on the way to the agency. Matapos ang ilang buwan na hindi ako nagpakita sa kahit na sino, ramdam ko ang pag-iiba nila ng pakikitungo sa'kin. Bumalik ang galang at sigla, muli akong tiningala.

Nakangiti kong tinatanguhan ang mga bumabati sa'kin at napahinto naman nang makasalubong si Master. "Wala ba talaga akong day-off?", pikon kong tanong at sininghalan n'ya lang ako.

"You have violations to the previous one.", seryoso n'yang sabi at sumunod naman ako nang maglakad s'ya paalis.

"You can't blame me, her brother is kind of a jerk!", paliwanag ko. Sinapak ko kasi 'yung kapatid nung kliyente ko because he said, he was far better than me and I am just a mere lady.

"That doesn't mean you need to hurt him."

Hindi na ako sumagot dahil pumasok na kami sa isang kwarto. Simula nang ibaba nila ang misyon na patayin si Ezyele — na kahit si Emerald ay 'di nagawa — lagi na silang nandito kapag may mabibigat na misyon. Apat sa kanila ay matatanda na at tatlo ang mga lalaking hindi lalayo sa 40 ang edad. Hindi ko pa rin nalalaman kung sino sa kanila ang totoong magulang ni Ezyele.

Nawala naman ang pag-iisip ko nang maramdaman kong nasa tabi ko na si Nirva at may inilagay na folder sa harap ko.

"I hope this is fun..", bulong ko dahilan para sawayin ako ni Nirva. Ever since kase na nanahimik ang mundo ni Ezyele, wala na akong misyong masaya.

Sinimulan ni Master ang meeting. Inisa-isa n'ya ang mga pagbabago sa underworld, kung paano 'yon bumalik sa dati, at kung ano ang dapat namin gawin ngayon. Hindi ako nakikinig dahil alam ko naman ang karamihan.

"It's a mission from an unknown person.", napatingin ako sa isa sa mga higher ups nang sabihin n'ya 'yon. Wala sa batas namin na tumanggap ng misyong walang kasiguraduhan.

Binuksan ko ang folder at halos mapataas ang kilay. "Now, I need to kill Da Vinci and Mona Lisa?"

"Yes."

"Why would I?"

"Sila ang supplier ng organs from here by kidnapping children. Look at the evidences. That's the rough draft."

Tinignan ko naman ang mga nakalagay roong data, signed paper, at kahit mga picture. It was devastating.

"Sino sila?", tanong ko at pinagmasdan ang malabong picture ng mag-asawa.

"The legendary married couple. They we're known because of killing their daughters.", kwento ni Master at nanatili akong nakikinig. "Pinili nila ang posisyon kesa sa pamilya. Naniwala ang lahat dahil mayaman sila at totoong wala silang puso. Maraming natakot dahil bukod sa mayaman sila, malaki rin ang sakop ng mga tauhan na meron sila. Kung si Ezyele ay demonyo kung ituring, sila naman ay mga halimaw."

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon