Report 037

106 2 0
                                    

Artiona Novaliege.

[ATLANTIS, THE PALM. TUESDAY. 8:13 PM]

I decided to be friends with people— drinking, partying, and doing wild things just to prove my friendliness. I need to do something to get his attention, that’s the original plan.

“So, how’s the night?”, tanong ng isang babae habang winawasiwas ang kanyang buhok kasabay ang baywang.

I smiled at her. “Fine, I guess? Kind of boring though.”, sambit ko na mahina n’yang tinawanan.

“How come? The main dish is here.”, mapaglaro n’yang sambit at tumingin sa direksyon ni De Niro. I also looked at him and strangely, his gaze are cold. Hindi man ‘yon deretsang nakatingin sa’kin, ramdam ko ang pagiging wala n’yang interes. Nasa tabi s’ya ng pool at nakababad ang paa sa tubig. Sa harap n’ya ay mga babaeng parang mga isdang naghihintay na kainin s’ya.

Sinabayan ko naman ang tugtog at sayawan ng mga kasama ko. Hindi ko rin pinansin ang lalaking tumabi sa’kin. “Why? Is he that tasty?”, tanong ko at napatigil naman s’ya sa pagsayaw.

Hindi ko naman alam ang ibibigay na reaksyon sa gulat n’yang mukha. “Girl, you’re missing out.”, she whispered. “Everyone wants him.”

Tinignan ko naman si De Niro at hindi na nagtaka kung bakit maraming may gusto sa kanya. Masasabi kong kapag tumingala ako sa harap n’ya, hindi langit ang titignan ko kundi ang mukha n’ya. Maganda rin ang hubog ng katawan at masarap paglaruan ang kanyang buhok. Matalino at kilala, malakas ang dating at talagang hindi nakakasawang tignan. S’ya ‘yung tipo ng lalaki na kahit tumayo sa isang libong mga tao, una s’yang makikita ng mata mo.

Nginitian ko naman ‘yung babae. “I guess.”, sambit ko at hindi nawawala ang tingin sa Italyano.

Para namang tumigil ang paghinga ko nang tumingin din s’ya sa’kin, hindi dahil masyado ‘yong nakakalunod, kundi para bang wala ‘yong interes. Hindi naman tumagal ang tingin n’ya at para bang hindi n’ya ako kilala. Hindi ko s’ya makilala.

‘Don’t tell me.. he didn’t recognize me?’

Sa mga oras na lumipas ay nananatiling walang reaksyon ang mata n’ya sa tuwing magkakatinginan kami. Hindi ko maintindihan ang gusto n’yang ipahiwatig. Masyado ba s’yang nag-iingat o alam n’yang sa kahit na anong pagkakataon ay papatayin ko s’ya? Pero hindi s’ya ang nakilala kong lalaki. Iba ang kaaway ko.

‘Tss. Kailangan ko na gamitin ang huli kong baraha.’

Dahil lumalalim na ang gabi at nagsisimula na ang mas maingay na gabi, pinili kong tumayo sa pool at kumuha ng wine saka tumayo sa tapat ni De Niro sa kabilang side ng pool. Malawak man ang pagitan naming dalawa, alam kong may koneksyon kaming walang ibang nakakakita.

Habang nakatayo ay dahan-dahan kong inalis ang manipis kong roba. I usually chose something fancy more than sexy but since I am dealing with him, I need to take the risk.

Owww.”

“Che bello.."

“Goodness gracious!”

Nagsimula ang ingay ng mga lalaking nakatingin sa’kin sa pool. Nginitian ko naman sila at sumenyas na tatalon ako. They all took some step back at hinintay ang bawat galaw ko. I stretched and positioned.

“Success.”, bulong ko nang mapansing nakatingin sa’kin si De Niro saka tumalon sa pool at nakihalo sa mga naroon.

I wear a lingerie with the same color of my skin. Since this is a night party, mas mapapansin ang parang walang saplot kaya napili ko ‘to. I have a great body, I know it will caught some interest. He loves to sees me in red, but he loves it more if he sees me almost naked.

How come? I just know.

Sa dami ng tao sa pool, marami ring nangyayari na laro. May kung ano-anong pakulo ang bawat sulok at ngayon, nakikipag-pasahan ako ng bola habang sakay ng isang lalaking hindi ko kilala. He’s affectionately holding me and he’s not that rude that’s why I am enjoying this play. De Niro stayed where he was pero habang patagal ng patagal, napapansin ko wala s’yang ibang ginagawa kundi ang uminom.

“LOVE SHOT! LOVE SHOT!”, sigaw nila nang matumba kaming dalawa.

Nakisabay naman ako sa trip nila at napansing naapat na bote na pala kami sa paglalaro nito. Hindi ko rin alam kung ilang beses na ako nakainom dahil masyado akong maraming iniisip habang nag-oobserba sa mga tao.

“Cheers?”, sambit nung lalaki at inangat ang baso. Ginaya ko naman ang ginawa n’ya at ngumiti. Inikot namin ang braso sa isa’t isa at sabay na ininom ang alak na bigay nila.

WWWOOOO!”

Hindi ko naman pinansin ang sigawan nila at tumingin sa direksyon ni De Niro. Wala na s’ya sa pwesto n’ya at kahit anong ikot ng mata ko ay hindi ko na s’ya makita. Base sa mga kilos n’ya noon, pwedeng pupunta s’ya sa kung nasaan ako o umalis dahil may pinaplano s’ya. Maraming posibilidad na mangyari ang mga hindi inaasahan lalo na at isang maling galaw lang ng isang tao, pwedeng magbago ang misyon ko.

Habang nagkakasiyahan ang lahat ay umalis ako nang hindi nila napapansin. Lumangoy ako sa pinakailalm at sumubok na umalis. Hindi ko naman napigilan ang kamay na humila sa’kin pataas at mabilis akong hinawakan sa baywang kasabay no’n ay ang malakas na pagbagsak ng ilang lamesa sa pool.

“Tss.”, singhal ni De Niro at saka ako binitawan. Gulat naman akong tinignan s’ya at astang susundan ko s’ya pero agad s’yang umahon at naglakad paalis nang hindi man lang tumitingin sa’kin.

‘Now, that’s truly strange.’

Napagdesisyunan ko ring umahon at mabilis s’yang sundan. Wala akong balak kausapin s’ya dahil ang kailangan ko ngayon ay kung saan s’ya pupunta. Habang naglalakad ay nakakita ako ng night gown at agad ‘yong sinuot, hindi naman na mukang kailangan ng may-ari.

I secretly followed him and I know, he’s aware of my presence. Ang akala ko ay dederetso s’ya sa bar o kaya ay hotel pero nagtaka ako nang makita ang kotse n’ya. Looks like he’s going somewhere. Astang bubuksan n’ya ‘yon pero agad rin s’yang umalis at dumeretso kung saan. Hindi ko ‘yon nakita agad dahil masyadong madilim at wala nang tao sa paligid.

Kinapa ko naman ang baril ko at maya-maya’y itinutok sa lalaking nasa likod ko na ngayo’y hawak ako sa leeg.

“Nightshade… I wonder why you wanted that name.”, sambit n’ya sa tainga ko.

“I love shadows.”, bulong ko pabalik at hindi ko naman mapigilang matigil ang paghinga nang ilapit n’ya ang labi sa leeg ko.

[1:49 AM, WEDNESDAY]

“Damn, Novaliege.. I really can’t kill you..”

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon