Report 027 [FLASHBACK 3]

82 1 0
                                    

Artiona Novaliege.

The mission is to capture a hitman. Iba-iba ang final test namin at iba’t ibang lugar rin. Kalahating taon na ako narito sa Afghanistan at malapit na matapos ang misyon. Walang binugay na kahit na ano ang agency bukod sa pera at muka ng lalaki. Bukod pa roon ay kailangan ko pang malaman kung nasaan ‘to at kung saan magsisimula. Masyado silang mahigpit sa trabahong ‘to. 

Nakapwesto naman ako sa mataas na building at pinapanood kung paano n’ya ayusin ang kanyang mahabang baril habang ako naman ay naghihinay nalang na makapwesto s’ya bago ko s'ya unahan sa gatilyo. Nang makitang pumostura na s’ya ay agad kong tinutok sa tuhod n’ya ang hawak ko at tinignan muna ng maigi bago ‘yon binitawan. Napangiti ako nang makitang namilipit s’ya sa sakit at agad na napatumba. 

Mabilis naman akong kumilos at umaktong normal papunta sa building kung nasaan s’ya. Naka-leggings lang ako at crop top. May dala pang mamahalin na bag at shades na kahit sino ay mapapatingin. Nang makapasok ako sa hotel ay agad kong hinanap ang lalaki at sakto sa kwartong nakuha ko dahil doon s’ya dumaan. Hinarangan ko naman ang daan n’ya at umaktong nagulat sa dugong nasa pants n’ya. 

“Omo! Sir, you.. you’re bleeding..”, gulat kong sabi at  tumingin naman s’ya. As usual, tinitigan n’ya ang katawan ko na inaasahan ko na kaya naman ginamit ko na ang oportunidad na ’yon para kornerin s’ya. “Do you want some meds? I have some in my room.”, malambing kong sabi na ikinataas ng gilid ng labi n’ya. 

“Sure. Sure. Ah..”, angil n’ya at umaktong masakit. Hahawakan n’ya sana ako pero agad akong dumeretso sa pintuan at binuksan ‘yon para sa kanya. 

“Come here..”, tawag ko at tumingin muna s’ya sa magkabilang gilid bago pumasok sa loob ng condo ko. 
Nang masiguradong nasa loob s’ya ay agad kong kinapitan ang kamay n’ya at mabilis ‘yong inikot papunta sa likod n’ya. Tinuhod ko ang nagdudugo n’yang sugat kaya naman napasigaw s’ya sa sakit. 

MISSION ACCOMPLISHED. 

Malaki ‘yong nakasulat sa log book na meron ako kasama ang ID na pang-access sa buong area ng agency. It’s been two weeks since I captured the man at makabalik dito para makuha ang official documents ko. I am now a certified agent but I still need to train some stuffs. Kumuha rin ako ng dalawang course to experience the expertise. 

“Nightshade…”, napatingin agad ako sa lalaking nasa likod ko na mukang gulat na tumingin sa’kin. It’s Crimson. 

I smiled. “Hey.”, kaswal kong bati at humarap sa kanya. Nakangiti rin s’ya sa’kin ngayon na halos ikatuwa ko dahil aaminin kong sa loob ng ilang buwan ay s’ya ang gusto kong makita. 

“I didn’t know you’re.. here.”, parang ‘di makapaniwala n’yang banggit. 

“Ngayon lang din.”

“Mhm..”, tango n’ya at mukang may gusto pang sabihin. Tumingin s’ya kung saan bago nagsalita ng may pagaalinlangan. “Are you.. free tonight? I want to treat you for your accomplishment.”

Gulat naman akong tumingin sa kanya pero agad ding napalitan ng ngiti.

“Sure.”

Good thing that day I don’t have any plans since Creo is in school and nagdo-dorm s’ya. Sinandya ko talagang pag-aralin s’ya sa malayo at pamiwalaing nandito lang ako sa Pilipinas. She’s having the time of her life. Lagi s’yang nagkukwento ng mga nagawa n’ya at kung gaano s’ya kasaya. Hindi na rin s’ya nag-aalinlangan kapag may kailangan s’ya dahil kaya ko na. Kaya ko nang ibigay ang mga kailangan n’ya.

Pinili ko mapahinga muna sa ilang oras na natitira bago ako pumunta sa lugar na sinabi ni Crimson. Masaya ang pakuramdam ko at hindi ko na naaalala ang mga nangyari netong mga nakaraang buwan. Para bang ang pagod ko ay napalitan ng kasiyahan dahil hindi ko alam kung saan ako magdidiwang, dahil ba opisyal na akong agent o dahil sa pag-aya ni Crimson na makasama ako.

PAGDATING sa lugar na sinabi n’ya ay agad akong nagulat sa hotel na ‘yon. Nasa pinaka taas kami at makikita ang ganda ng syudad at mapapansin ang mga mamahaling gamit. May iilang napuntahan man akong mayayamang lugar noon, hindi pa rin mawawala sa’kin ang humanga at maramdamang hindi ako para roon. 

“Artiona!”, agad akong napatingin sa gilid nang marinig ko ang boses ni Crimson. Natawa ako nang bigla s’yang mahiya dahil sa lakas ng tawag n’ya na sabay nalang namin tinawanan.

Paglapit ko ay agad n’yang hinila ang upuan at marespeto akong ginabayan. “Thanks.”, mahina kong sabi at humihiling na sana ay hindi n’ya mapansin ang peke kong ngiti dahil hindi ako sanay sa mga ganitong bagay.

“I’m sorry for inviting you this late. I know you wanted to rest..”, parang kinakabahan n’yang sabi at hinahaplos ang kanyang hita.

Nginitian ko naman s’ya. “Nakapagpahinga naman na ako.”, kaswal kong saad para lang huminahon s’ya.
“Mabuti..”, mahina n’yang sabi at parang nakahinga ng maluwag. “How’s the mission?”

Tumingin naman ako kung saan at inalala ang ilang buwan na naroon ako at umaasa sa mga himala. Napangiti naman ako dahil sa dami ng ginawa ko roon at natutunan ay masasabi kong mukang tatagal ako sa trabahong ‘to.

“Well, it’s easy? I also learned a lot.”, nakangiti kong sabi na ikinangiti rin n’ya. Maya-maya ay itinaas n’’ya ang kamay para kunin ang atensyon ng waiter.

Nag-usap lang sila saglit at wala pang iilang minuto nang may dalhin na silang mga pagkaing magaganda sa mata. Hindi ko lang sigurado kung mabubusog ako sa mga ‘to. Agad kong napansin ang dalawang hipon na kakaunti rin ang sauce at may dahong hindi ko alam kung saan nila nakuha. Ngumingiti lang ako kapag tinitignan ako ni Crimson pero sa utak ko ay punong-puno ako ng pagtatanong.

‘May nabubusog ba sa ganito?’

“Let’s eat.”, masayang sabi ni Crimson at tumango naman ako at ginaya ang mga ginagawa n’ya. Hindi ko alam ang gagawin sa mga ganitong pagkakataon pero ang tangi ko lang alam ay gayahin ang mga ginagawa n’ya.

Nagsimula na ang gabi namin kung saan marami kaming pinag-usapang mga bagay bagay. Marami akong nalamn tungkol sa kanya dahil mahilig s’yang magkwento ng mga bagay na tungkol sa gusto at pangarap na meron s’ya. May mga pagkakataong nagkakasundo  kami pero karamihan ay mga opinyon at tanong ko na laging kanya dahil kapag sa’kin na napupunta y agad kong inililipat. Hindi ako handang ilantad kung sino ako at wala akong tiwala kahit na may espesyal akong nararamdaman sa kanya.

“Artiona..”, tawag n’ya habang naghihiwa ng kung anong karner.

“Mhm?”, tanong ko at itinaas ang dalkawang kilay.

“Can you be my girlfriend?’

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon