Artiona Novaliege.
I looked in the box without opening it. Nakaupo ako ngayon sa office ko at binabasa ang mga files at mission na nangyari netong mga nakaraang araw na wala ako. Napasandal naman ako sa upuan nang makita kung gaano karaming illegal activities at mga Casino ang bumukas. Mas tumaas rin ang Crime rate sa iilang bansa dahilan para mas maubusan kami ng tauhan.
May kumatok sa pintuan ko at hindi naman ako sumagot. Alam kong papasok pa rin naman sila kaya hinintay ko nalang. It was a woman from the Management.
"Nightshade, are you going to accept the mission?", kaswal n'yang tanong. Naalala kong s'ya 'yung nasa Cafeteriang babae.
Tinitigan ko naman s'ya at umiling. "Bagong misyon ba 'yan?"
"Yes. Maraming agent ang pinadala sa iba't ibang bansa and they are on team para ma-limit ang casualties. It's Master's idea and he asked me to ask you.", paliwanag n'ya at itinaas ang dalawang folder.
Kinuha ko naman 'yon at binasa. Malayo 'yon sa misyon ko kumpara sa mga nakaraan. Gagawa lang ako ng plano rito at ipapasa ang mga possible outcomes since this is just a simple raiding.
"It's been a while since binigyan n'yo 'ko ng light mission ah.", biro ko at hindi umaasang sabayan n'ya 'yon pero ngumiti rin s'ya.
"Si Master ang nagbababa ng mission mo, Nightshade. All the crucial are yours, simplest to newbies, and classic to high-class.", sambit n'ya ng sariling rules ni Master.
"Bullshit..", bulong ko at mahina lang s'yang tumawa.
Kinuha ko naman ang ballpen ko at pumirma sa dalawang misyon. Tumaas naman ang dalawa n'yang kilay at mukang hindi inaasahan ang desisyon ko.
"Call me if something is uncontrollable. I failed a mission but I am no failure.", nakangiti kong sambit at inabot ang folder sa kanya. Tumango naman s'ya at mababaw na yumuko bago umalis.
Nagtuloy lang ang araw na nasa office lang ako at binabasa ang mga files na iniwan sa table ko netong mga nakaraang araw. May mga pagkakataon na napapatingin ako sa box na iniwan ni Master pero wala akong lakas para buksan 'yon. Hindi ko rin alam kung ang mga kaguluhan na nangyayari ay dahil wala na s'ya o dahil nagsisimula na s'yang bumawi. Wala ring kasiguraduhan na sa kanya ba talaga galing ang kahon na'to. Pwede ko ring ikamatay ang kahit na anong laman no'n.
Habang pinapanood ko ang ilang CCTV footage ng raid ay biglang bumukas ang pinto ko at isang high-class agent ang naghahabol ng hininga.
"Nightshade.. Emergency!", nagpapanic n'yang sambit at bigla nalang nahimatay. Agad ko s'yang pinuntahan at tumingin sa hallway.
Ang kaninang payapang agency ay nabalot ng mga agents na punong-puno ng sugat, ang iba ay hindi makahinga, nababalot ng dugo, at may iilang nasa sahig rin at hindi malaman ang iniinda. Maraming mga stand-by nurse ang umiikot at napaatras naman ako ng buhatin nila ang agent na pumunta sa'kin. They are all covered in protective gears at agad akong pinasuot ng face-mask.
"Anong nangyayare?", kunot noo kong tanong. Dinala naman ng ilang nurse ang agent.
"Poisoning. Hindi pa natutukoy kung sa hangin o nasa nakain o kaya ay nasa balat nila. Wala ring kasiguraduhan kung saan nagsimula!", nagmamadaling paliwanag sa akin ng nurse bago umalis at pinuntahan ang iilang ganoorin ang kalagayan.

BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...