Report 034

110 2 0
                                    

Artiona Novaliege.

Kahit ilang beses talaga iwasan ang problema ay kusa ‘yong lalapit kahit sa mga panahon hindi mo inakala. Pinatawag ako sa agency hindi para sa misyon ko kundi para kay Emerald. Hindi ako interesado pero wala akong magagawa dahil ayokong magsimula s’ya ng panibagong gulo. Wala na rin akong balita kung ano ang kapalit ng mga ginawa n’ya.

“Nightshade, give me this mission.”, naiiyak n’yang sambit nang makapasok kami sa meeting room.

Napagdesisyunan kasi naming dito mag-usap para hindi marinig ng iba dahil maramig interesado sa interaksyon namim. Kahit sabihin mang nasa agency kami at priority ang privacy, hindi pa rin mawawala ang interes ng karamihan lalo na kapag may nakaraan kaming hindi nila malimutan.

Pinagsama ko ang braso ko at sumandal sa upuan. “Why would I?”, kaswal kong tanong at inoobserbahan s’ya. Alam kong marami s’yang gustong sabihin at may pagpapanic sa mga mata n’ya.

“Romeo.. He’s my everything.”, mahina n’yang sabi. “Hindi ka man maniniwala pero marami s’yang pinaramdam sa’kin. Alam kong mahal n’ya ako.”, gusto kong matawa sa pagiging desperada n’ya pero ramdam ko rin ang sakit ng bawat salita n’ya.

Sa pagkakakilala ko kay De Niro, hindi ko alam na ang pangalan n’ya ay Romeo. Pangalawa, nakakagulat na ang type n’ya ay si Emerald. Pangatlo, ‘di ba nag-iisip ang babaeng ‘to kung bakit s’ya kinuha nung Italyano?
Napabuntong hininga naman ako. “Nakakawala talaga ng talino ang pagmamahal.”, bulong ko. Napatingin naman s’ya sa’kin na sinalubong ko pero agad rin s’yang umiwas. “Alam mo, Emerald, wala akong interes sa buhay mo o kahit na sino sa agency hangga’t hindi naman ako naaapektuhan. Kung gusto mong kunin ang misyon, magsabi ka Management.”, kalmado kong sabi at astang aalis na nang magulat akong umiyak s’ya.

“ROMEO, HE’S.. He’s mine, Artiona. I know you're not just doing it because of the mission. YOU ARE interested in him.”, umiiyak n’yang sabi habang nakatingala sa’kin. Huminga naman ako ng malalim para kumalma at umupo. “I met him first. I was with him the whole time while all of you are thinking he’s a monster. HOW DARE YOU?”, mariin n’yang sambit.

Gusto ko man s’yang sagutin o kaya sakalin sa pagkakataong ‘to pero naiintindihan ko kung saan s’ya kumukuha ng galit. Hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom sa kanya.

“Gusto mo bang magmakaawa ako sa’yo?”, naiiyak n’yang tanong na ikinagulat ko. “Please, Nightshade. Let me have this mission.”

Nanatili akong nakatingin sa kanya at pinapanood ang lumuluha n’yang mata. Wala akong nararamdamang awa o simpatsya sa kanya dahil alam kong isa ang pag-iyak dahil sa lalaki ang kailan ma’y hindi ko gagawin.

“Alam mo ba ang misyon ko?”, kaswal kong tanong.
Walang nakakaalam ng misyon ko bukod sa mga nakakataas. Talagang iniwasan na malaman ng lahat.

“You’re going to kill him.”, matigas n’yang sabi. Para bang pinipigilan n’ya ang hikbi.

Hindi naman na ako nagulat na alam n’ya. Matalino si Emerald at alam n’ya ang bawat ikot ng agency. Kahit sino ang tatanungin, makikita ang talento n’ya sa mga misyon.

Tumango ako. “Can you kill him, then?”, hamon ko at ngumisi nang hindi s’ya sumagot. “See? So, why should I give up this mission?”

“I can kill him.”, sambit n’ya na tinaasan ko lang ng kilay.

‘Namamaga ang mata, namumulang muka, at pilit ang bawat salita. Sa tingin mo ganyan ang itsura ng kayang patayin ang mahal nila?’

Mahina akong natawa sa sinabi n’ya.

“ANO BA ‘NG ALAM MO?”, sigaw n’ya na ikinatingin ko. “KUNG BUMABAWI KA DAHIL KAY CRIMSON—“, napatigil s’ya at tumingin kung saan. “Artiona, kung bumabawi ka dahil sa ginawa ko. Please, ibibigay ko kung anong gusto mo. Basta.. Basta ibigay mo lang sa’kin si De Niro.”

“Sa tingin mo ba ‘e nakikipaglaro ako sa isang ‘yon?”, pikon kong tanong. “Wala akong intensyon na bumawi sa’yo. Kung ano ang nakaraan, pwede ba? Tama na. Kasalanan n’yo ‘yon at hindi kawalan ang lalaki sa buhay ko.”, sambit ko sa pinaka-kalmadong tono na kaya ko.

“Kung hindi, bakit parang apektado ka?”, parang nababaliw n’yang tanong. Malakas n’yang hinampas ang lamesa sa pagitan namin gamit ang dalawa n’yang kamay. “Wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit mo ayaw ibigay sa’kin ang misyon kundi ang paghihiganti sa’kin.”

Matapos n’yang magsalita ay malakas akong tumawa.

“Bakit hindi mo i-record ang sarili mo at panoorin kapag okay ka na?”, natatawa ko pa ring sambit na mukang ikinainis n’ya. “Iyo na si De Niro.”

“Ibibigay mo—”

“Sa’yo na ang ulo n’ya kapag tapos na ang misyon ko.”, nakangisi kong sambit na at iniwan s’yang nakaupo roon.

Ni-lock ko naman ang pinto sa labas at saka hinayaan s’yang magsisisigaw sa loob. Para nga s’yang nababaliw at hindi ako makapaniwala sa inaasta n’ya. Tumingin naman ako sa hallway at siniguradong walang ibang taong makakasaksi ng kabaliwan n’ya pero mukang malabo ‘yon dahil may kumapit ng kamay ko bago ko pa man mai-lock ng husto ang pinto.

“What are you doing?”, mariing tanong ni Crimson. Hindi naman ako makapaniwalang tinignan ang pinto at bumalik sa kanya.

Alam kong naririnig n’ya rin ang mga ingay na ginagawa ni Emerald.

Bumuntong-hininga ako sa inis. “Bakit hindi kayo mag-usap ni Emerald? Pareho kayong tanga ‘e.”, sambit ko at umalis na.

Hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip ng dalawang ‘yon. Wala akong balak na makinig sa mga gusto nilang mangyari dahil tatlong oras rin ang sinayang ko ngayong araw.

“Nightshade.”, napatingin ako kay Nirva nang tawagin n’ya ako mula sa gilid. Hindi ko naman s’ya napansin nang dumaan ako. “Mukang malalim ang iniisip mo ah.”

Umiling naman ako sa kanya. “Ano ‘to?”, tanong ko at inabot ang black card na nasa kamay n’ya.

“Invitation. The Party is in Dubai.”, sambit n’ya at tumango naman ako. “Do you need anything else?”, napatingin naman ako sa tanong n’ya. Agad kong naisip si Emerald.

“Can you watch her for a week? I need a week to finish the mission.”, seryoso kong sabi. Tumango naman s’ya. Matapos ng usapan namin ay agad na akong umalis para tapusin na ang dapat tapusin.

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon