Report 012

131 0 0
                                    

Artiona Novaliege.

After entering, a huge theater like stage welcomed us with women dancing sweetly. Looks like it's an entertainment for the players of this.. theater like room? Pulang pula ang paligid at ang mga pader ay nababalot ng pagkalaki-laking carpet. Ang Casino ni De Niro ay parang kwebang gawa sa mamahaling mga materyal at ang kwartong ito ay mukang ang kanyang pinakamamahal.

Kumpara sa mga napuntahan namin kanina, ang isang 'to ang pinaka-kakaunti ang mga tao. Mabibilang lang sa kamay pero sa itsura nila ay masasabing sila ang mga bigatin. Ang ibang mga muka rito ay kilala ko, ang iba ay negosyante sa China, may-ari ng malalaking mga pabrika, at kahit na ang nagpapalaganap ng media.

"This is the red room. My favorite place of all.", proud na sabi ni De Niro mula sa likod ko. He's looking around like a proud dad.

Tumango nalang ako at sumunod ulit nang maglakad s'ya. Nang mapadaan kami sa isang lamesa ay agad kong napansin si Alivarez. Mukang pinapanood naman ni De Niro ang reaksyon ko dahil tumigil s'ya at nakitingin din sa tinitignan ko.

"I don't allow violence in here, missy.", he warned me but it's not a threat. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin na ikinatawa n'ya. "Don't look at me that way.. that look..", malalim n'yang sabi bago umiwas ng tingin at naglakad ulit.

Hindi ko alam ang nasa isip ng isang 'to at kung ano ang plano n'ya. The invitation is just as he said noong nasa yacht kami. Hindi n'ya rin binuksan pa ang usapan tungkol sa barko n'ya na pinag-iisipan ko kung eto na ba ang oras kung saan s'ya babawi.

Nang maglakad s'ya ay agad naman akong sumunod at saka pinanood ang mga naglalaro. Ang iilan rito ay nakita ko na sa mga misyong mayroon ako at kadalasan, kasama sila sa mga problemang kailangan ko laging linisin.

Napansin ko namang tumigil si De Niro sa harap ko habang nakatingin ako sa table na nasa gilid namin pero mabilis ko ring iniwan 'yon ng tingin nang biglang humarap si De Niro at hinawakan ang baba ko gamit ang dalawa n'yang daliri. Mabilis ko mang nahawakan ang kamay n'ya para sana 'yon pigilan pero huli na dahil mas mabilis kong naramdaman ang mainit n'yang mga daliri. Hindi 'yon mahigpit o sapilitan, banayad lang 'yon at sakto sa pandama.

Inilapit n'ya ang muka bago marahan n'yang inangat ang baba at pinatingin sa mata n'ya. "I didn't invite you to stare with them. Focus on me, Novaliege.", seryoso at malamig n'yang sabi. Aaminin ko, nanghina ang tuhod ko sa tingin at mga salita n'ya pero hindi ko 'yon pwedeng ipakita kaya naman pinanliitan ko s'ya ng mata at saka pwersang inalis ang kamay n'ya.

Hindi ko alam kung ilang beses n'ya akong tinawag sa totoo kong pangalan pero gusto ko na alisin ang bibig n'ya. "Can you stop calling me Novaliege?", walang emosyon kong tanong. Wala akong gustong iparating sa mga salita ko bukod sa ayaw kong manggaling sa kanya ang totoo kong pangalan.

Inosente naman n'ya akong tinignan. "Why not? You're always calling me De Niro.", he asked playfully habang nakatingin lang sa'kin. "And you said you prefer it than Art."

"Of course, that's how people address you. Sinabi ko lang 'yon dahil it's a formal meeting.", I casually said at tumingin naman s'ya sakin ng matagal bago nagkagat labi. I just stared at him at maya-maya'y nagtaka ako at tumawa s'ya ng mahina. "What?", naiirita kong tanong.

Umiling naman s'ya. "I just realized.. Even I have this much of money, I will never find a painting or anything that looks so beautiful as you.", nakangisi n'yang sabi at saka tinalikuran ako.

Bumuntong-hininga naman ako dahil wala akong masabi sa pinagsasasabi n'ya. Sanay na ako sa mga ganitong paandar kaya naman hindi na bago sa'kin ang mga mabubulaklak na salita para lang akitin ako. De Niro is charismatic enough, and handsome, for anyone to fall in love with him pero for me, he's just nothing but an enemy.

Sinundan ko ulit s'ya hanggang sa mapagdesisyunan n'yang umupo isang lamesang iba sa lahat. Malaki 'yon na rectangular table with red and gold patterns. It looks majestic and unique. Sa dulo ng table umupo si De Niro kung saan may trono, tronong panghari.

I stared at him at hindi ko maikakailang ang upuan na 'yon ay parang ginawa para talaga sa kanya. Kahit na ang suot n'ya ay normal na pares ng damit at hindi magarbo ay makikita sa kanya ang kakaibang aura habang nakaubo sa kumikinang at mamahaling upuan na 'yon.

"Stop staring at me, Novaliege and sit.", kaswal n'yang sambit. Hindi ko naman s'yasinagot at umupo sa kabilang dulo kung saan katapat n'ya. "Why so far?", para bata n'yang tanong. Napatingin naman ako sa mga tauhan n'yang nagtaka nang sinabi n'ya 'yon. Gusto kong matawa sa muka nila pero mas pinili ko nalang irapan si De Niro.

"Should I sit beside you? I thought we will play, why not use the whole table?", I innocently asked and touch the table slightly. Trying to feel the vintage work. He's staring at my hand and following all its move.

"Alright.", bulong n'ya. Pinalapit n'ya 'yung iba n'yang tauhan at tumawag ng dealer. He also whispered something to him at nag-usap sila ng ilang minuto. "What do you want to eat, Novaliege?", he said after some minute of talking to I don't know how many people. I am more concerned about his lair and its architecture. Marami ang pinaglalabasan at pinagpapasukan ng mga tauhan n'ya. It's a smart move to have a maze-like room.

"I'm fine with wine.", kaswal kong sabi sa kanya pero tinitigan n'ya lang ako.

"That's not a food, Novaliege.", sarcastic n'yang sabi at tinaasan ako ng dalawang kilay habang ang mga mata'y nagtatanong.

"I don't trust you, De Niro. And, stop calling me by my last name. It sounds dirty especially it's coming from your mouth.", seryoso kong sambit. Matagal naman s'yang nanahimik bago nagsalita.

"Then what should I call you? You don't like me calling your name. How about Love? Sweetie? Nov? Little agent?", mapang-asar n'yang tanong na ikinapitik ng kilay ko. He's mocking me.

Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. "Don't ever. You knew me as Nightshade.", I said and sumama naman ang timpla n'ya.

"Tss. I don't like Nightshade.", walang emosyon n'yang sabi na ikinatawa ko naman ng peke.

"It still me.", kaswal kong sabi. He shookt his head at sumandal sa upuan.

"Nightshade and Novaliege are two different people I met.", malalim n'yang sabi na nagpatahimik sa'kin. Hindi ko na s'ya sinagot at sakto namang dumating ang dealer at ang pagkaing hiningi n'ya.

Masyado na akong maraming oras na sinayang sa isang 'to kaya naman mas mabuti nang tapusin ang laro n'yang sinimulan. Ang plano ko lang rito ay mag-imbestiga pero hindi ko akalaing ihahain na ni De Niro ang lahat nang kailangan ko. Hindi rin n'ya tinago ang gustong malaman nang lahat, ang munti n'yang kweba. Wala rin sa plano kong makipaglaro sa kanya sa teritoryo n'ya pero kung hindi ko naman 'to gagawin ay parang ako ang lalabas na mahina sa aming dalawa.

He's now leaning on his throne. Nakapatong ang ulo n'ya sa kamay at nakangising nakatingin sa'kin.

"Let's start, shall we?" 

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon