Artiona Novaliege.
Having 100 points really helped me to be in Top 7. I don’t know how points are being decided dahil ang mga sumunod na pustahan ay hindi tumataas sa bente. I am fighting for 4 rounds now and just gained 58 points at masyado pang malayo sa nangungunang 598 points. Dahil sa sunod-sunod kong panalo ay napansin kong may iilan nang boboto sa’kin kaya naman agad kong kinuha ang mic sa banker at hinamon ang lahat.
“We’ll fight one for all and all for one. Me againts all of you. Lumaban ang gustong lumaban. Win against me and you’ll get the double bet.”, hamon ko na maigi naman nilang pinakinggan. Wala akong ibig hamunin sa mga ‘yon dahil iisa lang ang intensyon ko, makuha ang mga bata. Dahil maliliit ang utak ng mga ‘to ay iisipin nilang minamaliit ko sila.
Mukang marami naman ang nainis at lalong nagalit sa sinabi ko kaya naman hindi na ako nagulat na tumaas ang mga taya nila sa kalaban ko. Ang usapan ay dodoblehin ko kung ano ang itinaya nila. I am not afraid of the consequences because I know I can win.
Lumipas ang segundo, mga minuto, at oras na wala aong ginawa kundi ang lumaban sa mga naroon, sa kung sino ang papalag at kung sino ang sa tingin nilang pwede sa’king makatalo. Umabot na ako sa sampung kalaban at iba iba ang tagal nang mga ‘yon depende sa kung saan ko nakikita ang kahinaan nila, hindi ko maitatangging sa dami nila ay nakakaramdam ako ng pagod pero dahil sanay na ang katawan ko ay sa tanya ko ay tatagal pa ako ng isang buong araw.
Matapos ang halos pitong oras na laban at hindi mabilang na kalaban ay umabot na ako sa pangatlong ranggo. Napansin ko rin na may tatlong oras nalang ako para habulin ang ibang puntos dahil tumatagal lang ang tayaan at mga player sa ring matapos ang isang buong araw.
Kailangan ko nang bilisan dahil higit pa sa isang daan ang kailangan kong habulin.Inilabas ko na ang baril ko na mukang ikinagulat ng iba dahil sa tagal kong lumalaban ay ni isang armas ay hindi ako humingi kumpara sa ibang umakyat rito at may dalang kung ano-anong patalim. May iilang sugat na rin akong natanggap at tama na hindi ko naman iniinda.
“Who else wants to fight her?”, tanong ng banker matapos walang halos tumaas ang kamay.
I waited for some minutes and I looked at De Niro with surprised when he raised his hand na ikinatingin ng lahat sa kanya.
“Alas!”, masayang tawag ng banker sa kanya na agad ding lumapit.
Pinanood ko ang palitan nila ng salita dahil parang asong tango ng tango ‘yung banker habang si De Niro naman ay pirming nakatingin sa’kin. May pinag-uusapan silang gustong malaman ng lahat pero nananatili ‘yong bulungan.
Nang matapos ay masayang nagsalita ang banker sa microphone. “Alas suggested someone to fight this woman.. For this round, place your bet between this woman and Jack!”, nang sabihin n’ya ang pangalang ‘yon ay naghiyawan ang lahat at para akong bumalik sa umpisa kung saan ako ulit ang pinakamaliit sa kwartong ‘to.
Pinanood ko namang umakyat ang isang lalaki sa stage at pormal ang itsura. May salamin pa s’ya at malinis tignan. Nagtataka naman akong tinignan si De Niro pero mukang wala s’yang balak kausapin ako.
Pinanood ko naman ang bawat galaw ng isang ‘to at sa sobrang amo ng muka n’ya ay hindi ko aakalaing sa kanya tataas ng isang daang puntos muli ang laban. Nagtapat naman kami at hinintay ang bell.
“Ms. Novaliege, please don’t hold back.”, magalang n’yang saad na muntikan ko nang ikanganga.
Nagtataka ko naman s’yang tinignan. “Like I’d do that.”
Ngumiti lang ang isang ‘to at mabilis na umamba nang marinig ang bell. Naramdaman ko ang sakit ng bagsak ng kamay n’ya sa tiyan ko na muntikan ko nang hindi maiwas sa vital points ko. Umatras rin ako para mabawasan ang impact no’n pero mabilis kong naramdaman ang sakit. Hindi ko naman ‘yon ininda at mabilis na bumawi.
Sa buong laban ay nagpapalitan kami ng sapak, sipa, o kaya nama’y paghuli ng bawat galaw. Ilag, tira, atras, at sugod lang ang ginagawa namin dahil mabilis ang galaw ng bawat isa. Nawala ang pagod ko sa kanya at nakaramdam ako ng kasiyahan dahil sa wakas ay may matino ng kalaban.
“So it’s true.”, bulong n’ya nang magkalapit kami at nagpalitan ng bagsak ng kamay. “You’re really an extraordinary woman.”, he said with a smile. Napansin kong bumibilis ang paghinga n’ya at may namumuo nang pawis sa noo.
Hindi ko naman maiwasang mamangha sa pagsabay ng isang ‘to sa bawat galaw ko. "And you're a good fellow."
"I was trained ever since I am 6.", sambit n'ya at muling umatake. I dodge it and attacked him double.
“Who are you?”, mahinahon kong tanong at tumalon papalayo sa kanya. Sabay kaming kumuha ng hangin at muling naglaban.
“Mr. De Niro’s secretary.”, magalang n’ya muling sagot na ikinakunot ng noo ko. “He ordered me to take you down.”
“Like that would be possible.”
“He ordered me to kill you.”, dagdag n’ya na ikinaseryoso ng muka ko. He’s still smiling kaya naman mas lalo akong naniwala na hindi nga lang s’ya normal na tauhan ni De Niro.
Halos dalawang oras kaming naglaban at hindi ko alam kung gaano kapagod ang katawan ko pero nararamdaman ko na ang paghina no’n kaya naman agad akong nag-isip kung paano papatumbahin ang isang ‘to. Nang maglabas s’ya ng kutsilyo ay inilabas ko naman ang baril na kanina ko pa nangangating hawakan. Ayoko lang mangunang magmukang mahina.
Nakipaghabulan ako sa isang ‘to at binigay lagat ng kaya kong lakas hanggang sa pareho kaming hinihingal. Tumigil ako sa tapat ni De Niro na may ilang kilometro din ang layo. Itinaas ko ang baril at agad na itinutok kay De Niro. Mabilis ko ‘yong ipinutok at as expected, sinalo ‘yon ng secretary n’ya kaya naman I took the chance and kicked his head then pin him down on the floor.
Tinignan ko naman ang screen at limang minuto nalang bago matapos ang laro, sakto lang sa pagbagsak ng isang ‘to dahil ako na ang nangunguna sa rankings. Astang tatayo pa ang secretary ni De Niro pero diniinan ko ang sugat n’ya sa likod kung saan nakabaon ang bala.
Hindi ko na masyadong naririnig ang paligid dahil sa pagod at hilo. Huli ko na rin napansin ang maliit na kutsilyo na nakabaon sa hita ko. Hindi ko alam kung kailan n’ya ‘yon naibato pero mukang marami na ring dugo ang nawala sa’kin.
“Times up! THE WOMAN WON ALL THE BETS! IN TOTAL AND ALL IN ALL! SHE WON 3 BILLION! 3 BILLION GOES TO THE WOMAN!”, sigaw nung banker na ikinangisi ko.
Ibinagsak ko naman ang katawan sa stage at hindi na inisip pa ang paligid. Magbabawi lang ako ng ilang minuto bago tumayo at umalis sa lugar na ‘to.
Agad naman akong naalerto nang may kamay na pumulupot sa ilalim ng tuhod ko at ang isa ay sa likod ko. Masama ko namang tinignan ang lalaking bumuhat sa’kin na binigyan lang ako ng mahinang tawa.
“I’ll take you to the children. Rest in my arms for now.”
BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...