Artiona Novaliege.
Ang maliit na bakery na malapit sa malaking pool ay naging mini bar sa iilang minuto lang. Para bang ang kalahati ng resort na ‘to ay nag-iba bigla ang aura at napalitan ng nagwawalang mga ilaw. Nagsisimula na ring dumami ang mga tao na ngayon ko lang nakita ang mga muka. Ang muka ng malalaking kompanya, kilalang tao, at may iilan pang iba ang pakilala sa publiko ay parang mga nakakawalang mga hayop kung makabati sa isa’ isa. May iisang tao ang kumukuha ng invitation na hindi naman na iniisip ng ibang tao.
Dahil sa gabing ‘to, mabubuhay ang lahat na para bang hindi sila parte ng mundo.
Nanatili naman akong nakaupo sa tabi ng pool at patagong inoobserbahan ang paligid. May iilang kumakausap at tumatabi sa’kin na nginingitian at sinasabayan ko lang. Sa parte ng trabaho ko, landi ang pinakamabilis na paraan para makakuha ng impormasyon sa mga taong nauuna ang kalandian sa katawan.
“But Mr..”, mahina kong sambit at hinawakan sa braso ang lalaking katabi ko. “May birthday ba?”, inosente kong tanong. Nanatili naman s’yang nakatitig sa dibdib kong nakatago sa manipis na roba.
Maya-maya ay umiling s’ya. “Okasyon lang. Maliit na okasyon.”, binasa naman n’ya muna ang labi bago malalim na lumunok. “Kung gusto mo, I can be with you all night.”, he said na mahina kong ikinatawa.
“Sure..”, malandi kong bulong. Napansin ko namang lumapit ang muka n’ya. Nang malapit na ang labi namin ay agad akong lumihis ng tingin sa tainga n’ya. “Can we do it later? I am still sober ‘e.”, bulong ko at mabilis naman s’yang tumango.
“You know what? I know something fun so we can enjoy this night.”, masaya n’yang saad na parang batang nagnanais ng candy. Tumango naman ako at gulat na napatingin sa kanya.
“Really?”, well, a pick-me behavior always work.
Mayabang naman s’yang tumango. “Later. They will give us the red wine. Let’s drink it together, alright?”, sambit n’ya at lumilibot ang mata sa buo kong katawan.
Gusto ko mang bumuntong hininga o kaya lunurin s’ya pero hindi ko pwedeng gawin ‘yon dahil sa aming dalawa, paniguradong s’ya ang kawawa. Inosente ko s’yang tinignan at pinaglaruan ang buhok ko.
“But there’s a red wine there..”, sambit ko at tinuro ang maliit na bar.
Ngumisi naman s’ya at umling. “It’s no ordinary red wine. Kapag ‘yon nainom mo, makakaramdam ka ng matinding kagustuhan. And it really helps the ritual go long..”, masaya n’yang sambit at muling binasa ang labi n’ya.
“Ritual?”, tanong ko pa at inilapit naman n’ya ang muka.
“Sex.”, bulong n’ya at mahinang tumawa.
‘Sex? What kind of drug is that? Sigurado akong ang gagamitin nila ay ang infant tablet. Hindi ko pa nakikita ang epekto no’n sa tao pero sa pag-aaral sa lab sa agency, pwedeng mabaliw ang iinom ng tablet, mas malala pa sa pag-inom ng limang energy drink. Ibig bang sabihin ang drug na ‘yon ay para sa sexual drive?’
Napatingin naman kami nang biglang umingay ang isang parte ng resort. Hindi ko alam ang nangyayari pero base sa sigawan, mukang may larong nangyayare. Umalis na ang lalaking katabi ko at saka sumama sa karamihan na pumunta sa lugar na ‘yon. Pinili ko rin na puntahan ang mga nangyayar at kumuha ng impormasyon sa mga taong naroon.
“Looks like they are having fun, huh?”, hindi ko naman tinignan kung sino ang nagsalita sa tabi ko dahil una pa lang, naramdaman ko na ang presensya n’yang kanina pa ako pinagmamasdan.
Nanatili naman ang mata kong nasa harapan. “Yeah.. that’s what we should really do.”, sambit ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.
“You look so sexy. Now, I want one.”, kaswal n’yang sambit na mahina ko lang tinawanan.
“What do you want? This red lingerie? I can give it to you if you want.”, tinignan ko naman si Alson na nakatitig na sa’kin ngayon.
“You’re making me want you.”, nakatingin s’ya sa’kin na para akong isang laruan na gusto n’yang kapitan.
Ngumisi naman ako. “Want me all you want. It’s not that I will be yours.”, nakangiti kong sambit at saka iniwan na s’ya sa paglalakad at sumiksik sa mga nagkukumpulan.
Nang marating ang pwesto kung saan kita ang mga pangyayari sa gitna ay hindi ko inasahan ang makikita ko. May tatlong lalaki at dalawang babae na sumasayaw at walang mga saplot na para bang nasa kani-kanila lang silang mundo. Dalawa roon ay kilalang artista at ang iba ay kilala ng publiko bilang mga influencer. Kung makikita ng mga tao ang ginagawa nila, paniguradong luluhod sila sa lahat mabalik lang ang respetong nawala.
Makikita sa katawan nila ang pagiging hayok at para bang uhaw na uhaw sa halik ng isa’t isa. May iilang pagkakataon rin na tumatawa sila o kaya nama’y nagsasakitan pero walang pumapalag. Kita rin sa reaksyon ng karamihan na natutuwa sila at para bang naiinggit pa ang iba.
‘Sa tingin ko, kalahati sa mga taong ‘to ay nakaranas na nung droga.’
Habang nakatayo roon at nakikitawa sa iba, nakikinig lang ako sa usapang namumutawi sa paligid.
“Some dude gave them the red wine, they said.”, rinig kong sambit ng isang lalaki.
“OHHH!”, sabay-sabay na sambit ng iilang mga nakarinig. May iba naman na umalis sa pwesto at nagbalak hanapin ang lalaking nagbigay ng alak.
Napagdesisyunan ko ring umalis sa pwesto at hanapin ang sinasabi nilang nagbibigay na waiter. I need to know what kind of drug it is. Kahit pa ilang laboratory at pagpapatunay ang ibigay sa’kin na impormasyon, iba pa rin na ako mismo ang makasaksi ng epekto n’on sa iba.
Sa pagoobserba ko sa iba wala akong ibang nakitang kilos. Lahat sila ay parang hayok na hayok. Para bang may sarili silang musika na sila lang ang nakakarinig. Sa tingin ko ay tatagal pa ang ganitong sitwasyon kaya napagdesisyunan kong puntahan nalang ang nga suite ng mga taong narito.
‘Change of plan.’, sambit ko sa isip at nagsimula na maglakad pero agad ring napatigil nang marinig ko ang pangalang kanina ko pa hinihintay.
“DE NIRO!”
‘I guess, back to the plan.’
BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...