Report 049

158 3 0
                                    

Artiona Novaliege.

"The perfect day will come and you, graduates, will see the beautiful world you worked hard for... Lahat ng hirap, sakripisyo, at mga pag-iyak ay ngayo'y mabibigyan na ng panghabang buhay na saya..", pagpapatuloy ni Alivarez sa speech n'ya.

Ezyele and I are just watching him from our seats. Nasa malaking Sports Complex naganap dahil masyadong maki ang populasyon ng mga gagraduate. Ang mga nakaupo sa stage ay mga kilalang tao rin na may hawak ng buong rehiyon. Mga pulitiko't may-ari ng paaralan, mga kilalang pilosopo at mga guro.

Hindi naman ako makapag-focus sa pagoobserba dahil sa likot ng kamay ni Ezyele sa likod ko. Nagpanggap kasi kaming mag-asawa at kanina pa s'ya dikit ng dikit.

"'Wag ka ngang malikot!", pabulong kong saway. Sumandal naman s'ya at inilapit ang muka sa'kin.

"I am not malikot, Art, I am just.. Being affectionate.", simple n'yang sabi at saka pumalakpak at sinabayan ang mga tao. Pagkatapos no'n ay bumalik nanaman ang kamay n'ya sa likod ko.

Sininghalan ko naman s'ya. "This is not part of the plan.", inis kong bulong.

"Kapatid mo ba ang gagraduate?", tanong nung katabi kong babae. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. "Anong kurso n'ya?"

Tumingin naman ako sa stage at tinignan kung sino na ang mga binibigyan ng diploma. "Nursing po."

"Ay, talaga ba? Matalino hane?", nakangiti n'yang sambit.

"Lahat naman po ng grumaduate ay matalino.", sambit ko at umiling naman s'ya.

"Na'ko! Madali lang ang pagiging guro, turo lang ng turo. Ang engineering naman ay 'di nakakayaman kasama 'yung drawing drawing kaya matalino ang kapatid mo.", kaswal n'yang sabi at tago naman akong napangiwi.

Tinignan ko naman s'ya nang may saya sa muka. "Talaga po? Ano po ba ang kursong natapos n'yo?"

"Ay iha, 'di ako nakapag-kolehiyo at 'di kaya ng pera."

"Pwede naman pong magworking student.", ginaya ko ang tono n'ya kanina. Napansin ko naman ang pagkakunot ng noo n'ya. "Madali lang naman po pagsabayin ang trabaho at pag-aaral kung gusto n'yo po talaga."

"Hindi ganoon 'yon, iha. Sinasabi mo lang 'yan dahil bata ka pa!"

"At sinasabi n'yo lang po 'yan dahil matanda na po kayo. Wala pong madaling kurso dahil kung may ganon po, marami na sanang nakapagtapos.", sambit ko na mukang ikinainis n'ya at handa nang tarayan ako pero agad naman akong hinila ni Ezyele at s'ya ang humarap sa katabi kong matanda.

"Nagsasalita po si Mayor, 'wag tayong maingay.", kalmado n'yang sabi. Hindi naman nagsalita agad ang nanay at napatitig lang sa muka ng lalaking kumausap sa kanya.

Tinignan naman kaming dalawa nung katabi kong nanay. "Asawa mo ba 'to?"

Tumingin naman si Ezyele sa'kin at napairap naman ako nang ngumiti s'ya bago masayang tumango.

"Sabihin mo sa asawa mo na hindi kadali ang sitwasyon ng ibang tao hane.", masungit n'yang sabi at sinamaan pa ako ng tingin.

Hindi naman ako nagsalita at pinakiramdaman lang si Ezyele. Hindi ko alam kung bakit may hinihintay akong sabihin n'ya at gusto kong ako ang kampihan n'ya.

"Wala naman po talagang madaling bagay sa buhay. Tsaka kung madali po ang ibang kurso, bakit po hindi n'yo i-try? Wala naman pong pinipiling edad ang pag-aaral.", kalmado ang mga salita n'ya at hindi mahihimigan ang pagiging sarkastiko.

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon