Artiona Novaliege.
Marami s’yang sinasabing ayoko nang marinig dahil baka may matindi pa akong pagsisihan. I used all my force para mabaliktad ang pwesto namin. I am now in the top of him at nakaupo sa tyan n’ya habang s’ya naman ang nakahiga sa gambling table.
I pressed his wound kaya naman narinig ko ang mahina n’yang reklamo. “Where are the children, De Niro?”, seryoso kong tanong at diniinan ang sugat n’ya.
“Ahm..”, inda n’ya sa sakit at astang aalisin ang kamay ko nang ilabas ko ang baril at itinutok ‘yon sa kanya. “God.. you’re too aggressive. Let me go. I’ll lead you there.”, mahina n’yang sabi at seryoso akong tinignan. “In exchange of something, of course.”, he said with an intention behind those cunning eyes.
Matagal ko naman s'yang tinitigan bago tumango at niluwagan ang kapit sa sugat n’ya. I waited for seconds pero hindi s’ya agad nagsalita.
“What now?”, naiirita kong tanong at nagtaka naman ako ng tumawa s’ya. I am still on guard for whatever he is planning to do.
Tinignan n’ya naman ako mula ulo hanggang sa baywang ko. “Let me go. I could barely stop myself.”, sambit n’ya at malalim na bumuntong hininga. I immediately get off the moment I felt his thing behind me being aroused.
Inirapan ko naman s’ya at hinintay ang sasabihin. Nakaupo na s’ya sa gambling table at hawak ang sugat n’ya.
“Before I’ll tell you where are the children, tell me the next thing you’ll do after this.”, mabagal n’yang sambit habang kinakapa ang sugat n’ya. May distansya na kami sa isa’t isa pero ramdam ko pa rin ang init ng ginawa namin kanina.
Umiwas ako ng tingin at nag-isip ng sasabihin. Ang buong misyon ko ay umiikot sa kanya at ang plano nila ng mga negosyanteng kasama n’ya. Bukod sa drogang nakuha ng agency sa yate at wala na akong ibang dahilan para hulihin s’ya.
“What do you mean ‘next thing’”? My next mission? Target? What?”, I asked without any emotion. Just simply asking him.
Nag-isip rin s’ya saglit at binasa ang labi bago nagsalita. “Mhm.. What will you do tomorrow?”, pag-uulit n’ya at nagtaka naman akong tumingin sa kanya.
“Depends on what will happen today.”, I honestly answered. Tinitigan naman n’ya ako saglit. “Why do you want to know?”
He shrugged. “Let’s just say.. Mhm.. Para alam ko din kung ano ang gagawin ko.”, he said playfully.
Malalim ko namang pinag-isipan ang intensyon n’ya. Maybe he wanted to know if I will interfere with his work tomorrow or I’ll be in his watch.
“Don’t worry, tomorrow, I will be out of your sight.”, seryoso kong sagot na ikinawala na tuwa n’ya.
Tumango naman s’ya at hindi pa rin umaalis sa pagkakaupo. “I guess you’ll be in tail of that mayor.”, walang alinlangan n’yang saad.
Of course, that will be the case since if I get the children and get hold of some evidences pinning it to that mayor, I’ll for sure watch him.
Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. He stared at me for some seconds bago umalis sa kinauupuan at naglakad na palabas.
I didn’t look back or remove my eyes on him even for a second since he could betray me any second now. Nananatili ang baril ko sa likod n’ya na mukang napansin n’ya kaya naman hinarap n’ya ako at seryoso akong tinignan.
“Don’t waste your bullets in me, you can make a good use of it later.”, saad n’ya at saka dahan dahang binuksan ang pintuan.
Hindi ko alam kung ano ang ibig n’yang sabihin sa mga salitang ‘yon pero hindi ko alam kung bakit ako napanatag sa mga sinabi n’ya.
Pagbukas ng pinto ay sumalubong sa amin ang mga guards at ang mga matang mukang kanina pa hinihintay ang paglabas naming dalawa. Sa ginawang paglabas ng lahat at pag-alis nila sa kwartong ‘yon ay talagang magtataka ang karamihan sa nangyayari. Hindi na rin ako nagulat nang tumutok lahat sa’kin ang baril na nakatago sa itim nilang mga kasuutan. Hindi ako umalis sa pwesto kung saan nasa tabi ako ni De Niro, nananatiling nakataas ang baril ko sa tagiliran n”ya at normal lang s’yang nakatayo roon na mukang ipinagtaka ng karamihan.
Napansin ko ang gulat na muka ng Mayor at iba pang negosyanteng nasa kwartong ‘yon kanina. They are looking down at me. Thinking that De Niro could take me down in just one punch or whatever but like I would let that happen.
“Mr. De Niro.”, tawag nang isang babae at mukang hindi alam ang gagawin. She’s waiting for anyone to join her remarks pero walang nagsalita.
De Niro didn’t answer her or ask anyone, tumingin lang s’ya sa’kin at naglakad papunta sa isang direksyon. I followed him at napatigil rin nang tumingin s’ya sa pagtunog ng isang gatilyo. One of the businessmen tried to shot me pero isa sa mga tauhan ni De Niro ang nagpatigil sa kanya.
Malakas man ang tunog ng bawat pagtama ng bola o kaya ay lakas ng sigawan ng mga naglalaro pero unti-unti ‘yon nawala dahil sa bigat ng tensyon sa parte namin. Hindi ko na ‘yon pinansin at sumunod nalang muli sa lalaking ‘to at umaasang hindi mali ang desisyon kong pagkatiwalaan s’ya.
Isang iskinita ang nilikuan namin at normal na pinto ang nasa dulo na ilang minuto rin naming nilakad. Wala namang nagsasalita sa amin at hinahayaan lang lumipas ang oras.
Pagbukas n’ya ng pinto ay bumungad sa’kin ang napakalaking kwarto. Kwartong punong-puno ng sigawan, kasuka-sukang amoy, at hindi mawaring tensyon. Pagpasok namin ay makikita agad ang mga upuan nakahilera pataas na may mga sumisigaw na tao at tuwang-tuwa na nagbabato ng kung ano ano. Inside this big stadium is a rectangular table na may mga upuan na naroon sa mga gilid at nakahilera. Looks like they are the players and the one who’s holding the microphone is the banker.
Sa tabi ng pintuan ay malaking screen kung saan makikita ang mga pera, bahay, at kung ano anong nakataya. Agad namang napunta ang mata ko sa mga batang naroon sa screen. Mga shadow lang ‘yon pero nakataya sila at hindi maipagkakailang marami ang naghahangad makuha lang ‘yon.
“This is disgusting..”, I whispered and didn’t let De Niro make hold of what I said. He’s the owner of this, that’s the least expected.
“You have two options..”, rinig kong sabi n’ya habang nasa tabi ko. “Get the children out of this by force or join the game and win.”, paliwanag n’ya na ikinairita ko.
“Do you think I’ll join that disgusting gambling?”, inis kong tanong at tumingin sa kanya. Nananatili s’yang nakaharap sa mga naglalaro at hindi nagbabago ang reaksyon.
“Then from this on, leave on your own.”, seryosong sabi n’ya na ikinagulat ko.
Naisip ko naman ang lahat ng ibinigay at inoffer n’ya sa’kin. I can’t make this far without him. Hindi ko rin alam kung gaano ako katagal makakapasok rito kung nasa normal akong misyon.
“You’re here for the children, right? Be careful.”, bulong n’ya pa at iniwan na ako roon mag-isa. He walked to the crowds and hindi ko na s’ya nakita pa.

BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...