Report 047

146 3 0
                                    

Artiona Novaliege.

It was a cold day when De Niro texted me about his location. There is a storm and I am not planning to deal with it since I need to know that man's plan. After eating breakfast, pumunta na ako sa lugar kung saan s'ya nakatira. It's just a small house and nakatago 'yon sa likod ng mga puno. Parang rest house na kung tatanawin ay normal na bahay lang. Malayo sa maingay na kalsada pero malapit sa sibilisasyon.

Hindi naman na ako kumatok o naghintay sa kanya sa gate at tinalon nalang 'yon. May garden sa tapat ng bahay n'ya at talagang maganda tignan. Pag-apak ko sa sementadong daan ay para akong pumasok sa libro sa ganda ng paligid.

"I'll buy this someday.", sambit ko at pinag-interesan na ang bahay. Naglakad naman ako papunta sa pinto ni De Niro at astang kakatok na nang bumukas 'yon.

Nakailang kurap naman s'ya bago ngumiti sa'kin. "Novaliege!", masaya n'yang bati at saka humakbang ng kaunti. Napatingin naman ako sa paanan n'ya at naroon 'yung matabang pusa at mukang pinalabas n'ya.

"Call me Nightshade, will you?", kaswal kong sabi na tinawanan lang n'ya.

"Why would I? We're now partners.", nakangisi maman n'yang sagot at saka niyaya ako papasok.

Naglibot naman agad ang mata ko at saka tinignan kung gaano kaganda ang mga gamit n'ya. Parang ang iba roon ay luma na pero napapanatiling maganda. Ibang-iba rin ang awra ng bahay kumpara sa nakatira. Masyadong magaan.

"Kumain ka na?", tanong n'ya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Napansin ko naman ang pamamaga ng braso n'ya na ikinakunot ng noo ko. Mukang napansin naman n'ya kung saan ako nakatingin kaya tinignan n'ya rin ang braso. "I think I overdo it."

"Do what?"

"Moving?", 'di pa n'ya siguradong tanong bago kumuha ng tinapay at inilapag 'yon sa platong kinuha n'ya. Binuksan n'ya rin ang palaman gamit ang isang kamay at kumuha roon ng kaunting amount. "Want some?"

Umiling naman ako at muling inikot ang bahay. Maya-maya ay nakasunod na s'ya sa'kin at nakarating naman kami sa Sala. May maliit roon na TV at isang mahabang couch. Ang bookshelf naman ay puno ng librong luma na at may mga CD pa na hindi nabubuksan.

"This house is quiet nice.", sambit ko at tinignan ang ceiling. Maganda rin ang pagkakagawa noon.

"Want it?", tanong n'ya mula sa likod ko. Humarap naman ako sa kanya at pabagsak na umupo sa couch. Nanatili s'yang nakatayo sa harapan ko at kumakain ng tinapay.

"I need to know your plan, De Niro.", kaswal kong sabi at nanatili lang na nakatingin sa kanya.

Naglakad naman s'ya ng ilang beses bago kumuha ng upuan at umupo sa harapan ko. "You saw the files?"

"Yeah."

"Sino sa tingin mo ang sinusunod nila?", tanong n'ya at hindi naman ako nakaramdam ng kahit na anong pag-iimbestiga sa boses n'ya. Para lang 'yong normal na tanong.

Inalala ko naman ang mga binasa. "Aren't they moving as individuals?"

"They are but.. There's still someone who they respect the most."

"Parang sa'yo dati?"

Tumango naman s'ya at kuling kumagat. Pinapanood ko naman ang bawat paglunok n'ya dahilan para mapalunok rin ako.

'Tsk! Bakit kasi ang gwapo ne'to?'

"Siguro.. 'Yung nangungunang Player ngayon.", simpleng sagot ko at tumingin sa paa ko. Ayoko s'yang titigan masyado.

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon