Report 029 [FLASHBACK 5]

80 0 0
                                    

Artiona Novaliege.

Binigyan ako ng agency ng isang buwan para magprepare. Hindi ko naman alam kung anong preperasyon ang ibig nilang sabihin pero mas pinili ko lang na mag-impake ng iilang dahit ang mgaimportanteng papeles. Dahil sa pagpunta ko sa Afghanistan ay marami akong natutunan. Talagang ang bawat free time ko ay pag-aaral ng mga salita at kapag naman wala akong ginagawa ay nagbabas aako ng mga impormasyong kinukuha ko sa agency.

"Sigurado ka ba? I can talk to Nirva if you want.", pangatlong sambit na ni Crimson ang mga salitang 'to ngayong araw. Katulad ng iilan, nginitian ko lang s'ya at kinapitan sa balikat.

"Okay lang talaga ako.", banggit ko at may mga kinuhang gamit sa office kung saan ako pinapunta ni Nirva.

Nagulat naman ako nang yakapin ako ni Crimson ng mahipit at hawakan ang buhok ko. "Don't do this..", bulong ko at nakakapagtakang parang 'yun ang mga salitang gusto n'yang sabihin kanina pa. Tinapik ko naman ang likod n'ya gamit ang isang kamay at pinaramdam na hindi ako mawawala.

Sa araw-araw na halos magkasama kami at bawat pagkakataon ay alam ng isa't isa, nasanay na akong nandyan si Crimson. Ang mala-anghel n'yang ngiti at pagbibigay sa'kin ng pagmamahal ay masasabi kong isa sa mga ppakiramdam na ayaw kong mawala sa'kin. Isa rin s'ya sa mga dahilan kung bakit gusto kong gawin ang misyong 'to. Gusto kong maging kapantay n'ya.

Gusto kong makita ako ng mga tao na karapat-dapat para sa kanya.

Natapos ang simple naming interaskyon dahil sa simpleng katok sa pintuan. Napatingin kami pareho roon at may napakagandang babae napumasok. Berde ang mata n'ya at napakakinis ng kutis. Bagay na bagay rin sa kanya ang blonde n'yang buhok at napakagandang ngiti. Magalang s'yang lumapit sa'min at hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin nang hawakan n'ya sa braso si Crimson at malambing 'yong kinapitan.

"Mr. Uiston, it's time na for our training..", malambing n'yang sabi. Tinignan ko naman si Crimson at medyo nakakunot ang noo n'yang nakatingin sa'kin. "Oh, hello, Missy!", nakangiti n'yang bati sa'kin. Ngumiti rin ako sa kanya. "Ingat sa flight."

Tinanguhan ko s'ya at nagpaalam na sa kanilang dalawa. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko pero nakakaramdam ako ng inis sa batang 'yon. Marami na akong nakitang katulad n'ya pero sa kanya lang kumulo ang dugo ko ng matindi. Hindi ko naman na s'ya masyadong inisip dahil para akong isip bata kung may ibang makakarinig.

[BEEP]

Napatingin ako sa beeper ko nang tumunog 'yon at nakita ko kung anong oras ang flight ko. Hindi naman na ako nagsayang ng oras at saka dumeretso na sa Airport matapos ayusin ang lahat. Pumila lang ako na parang normal na turista at saka umalis ng bansa papunta sa Africa.

Pagpunta ko roon ay agad akong nagplano ng mga gagawin. Kung ano ang mga kailangan at mga taong dapat kong obserbahan. Inisip ko rin kung paano ako makakapasok sa kanya-kanya nilang gobyerno at kung bakit nagsimula ang gulo. Lumipas ang mga araw at linggo na puro lang ako pagiimbestiga, pagsunod sa mga tao, at unti-unting nabubuo ang mga puzzle para sagutin ang solusyon na kailangan ko.

3 MOTHS PASSED..

Bumalik ako sa agency na parang ibang tao. Mas maikli na ang buhok ko, medyo tan, at iba na rin ang pakiramdam ko nang makita nila akong buhay at mabalitaan ang magandang balita na tapos na ang problema ng ibang bansa. Walang gerang mangyayare at nagkasunod na ang dalawang panig. Hindi ko inaasahan ang maingay na pagsalubong sa'kin ng lahat dahil marami ang ngumingiti sa'kin pero mas marami ang gulat na makita ako.

"Akala ko ba natanggalan ka ng ulo?", sarkastikong tanong ni Nirva at sinalubong ako ng ngisi. Tinanggal ko naman ang shades ko at itinuro ang matang may bandage.

"Muntikan lang mabulag..", biro ko na ikinatawa naming dalawa. Habng may mga agent na lumalapit ay unti-unting hinahanap ng mata ko si Crimson pero hindi ko man lang nakita kahit na ang anino n'ya.

"Welcome back.", nakangiting sabi ni Nirva na nakangiti ko ring tinanggap.

Dinama ko lang ang papuri ng bawat isa at palakpakan na hindi ko inaasahan. Hindi ko alam na dadating ang araw na tatayo akong marangal at talagang napanindigan ang yabang kong pinakita sa lahat.

"So, where's my money?", tanong ko kay Nirva habang naglalakad kami papunta sa opisina n'ya.

"I'll wire it in your account.", nakangiti n'yang sabi at saka may inabot sa'kin na card. "Hindi kaya ng cheque 'e."

Natawa naman ako sa sinabi n'ya. Tinanggap ko naman 'yon at tinitigan. "Si Crimson?", tanong ko na mukang hindi na n'ya ikinagulat.

"I think nasa Cafeteria s'ya.", nang marinig 'yon ay iniwan ko na si Nirva at dumeretso sa Cafeteria.

Umaasa akong busy s'ya at alam ang mga nangyayare pero bumagsak ang balikat ko nang makita s'yang masaya kasama ang trainee n'ya. Tumatawa s'ya habang kumakain at para silang may sariling mundo. Gusto ko pang matawa dahil mas napansin ako ng mta taong hindi ko naman kilala. Hindi ko nalang pinansin ang mga gulat nilang tingin at hinintay lang na mapunta sa'kin ang tingin ni Crimson.

Nagsalubong pa ang kilay ko nang makita ang gulat n'yang muka at mabilis na tumayo. Akala ko ay lalapit s'ya sa'kin pero nagtaka ako nang harangan n'ya 'yung babaeng may berdeng mata. Maya-maya ay lumait ako at nakangiti s'yang tinignan.

"Crimson..", bati ko at hindi pinansin ang peke n'yang ngiti.

"Artiona.. Bumalik ka na pala.", saad n'ya na parang kinakabahan. Naalala ko namang ayaw n'yang ipaalam sa iba ang relasyon namin kaya naman tinapik ko ang balikat n'ya at saka umalis na dahil sa mga matang nakatingin sa amin.

Paglabas ko ay inaasahan kong susundan n'ya ako pero gusto ko nalang matawa dahil kahit anong paghihintay ko ay walang Crimson na lumabas. Huminga naman ako ng malalim at inisip ang mga ginawa namin habang magkalayo. Noong una ay mabilis s'yang nagrereply sa mga text ko, may paminsan-minsan pang tumatawag s'ya at nagkukwento pero matapos ang ilang linggo ay kumonti 'yon at may mga pagkakataong hindi na ako naniniwala sa mga dahilan n'ya.

"Nightshade.. A new mission.", napatingiako sa isang agent na nakatayo sa harap ko at may inabot na envelope.

"Again?", gulat kong tanong at tumango s'ya.

"Crimson rejected it, other agents are busy.", saad n'ya at umalis na sa harapan ko.

Gulat akong napatingin sa lalaking kumuha ng envelope at magkasalubong ang kilay na tinignan ako. "Don't tell me you'll do it?", parang nagbabanta n'yang tanong.

Napakunot naman ang noo ko dahil parang iba ang lalaking nasa harap ko. "If no one wants it..", mahina kong sagot.

"Tsk!", singhal n'ya at umalis sa harapan ko.


Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon