Report 031 [FLASHBACK 7]

83 1 0
                                    

Artiona Novaliege.

Hindi ko inakala na ang simpleng paghahack ko ng system namin ay mapupunta sa kabayanihan. Gusto ko lang naman nakawin ang data ni Crimson, hindi ko akalaing iba pala ang makukuha ko. After kasi ng dalawang linggo ay nagulat nalang ako at pinatayo na ako sa gitna ng malaking stadium kung saan lahat ng agents ay naroon at nagpapalakpakan. 

“To honor her miraculous deed, for saving our system and amazingly protected our legacy. Everyone, Nightshade.”, masayang banggit ng medyo matandang lalaki na nanood sa buong pagko-code ko. Nasa tabi ko naman si Nirva at sobra ang ngiting nakatingin sa’kin. 

“My, my. What a performance.”, puro n’ya at marahang tinapik ang balikat ko. Hindi ko naman alam kung ngingiti ba ako sa kanya o magpapasalamat. Gusto ko namang magtanong pero masyadong maraming mata ang nakatingin at ayaw ko namang sirain ang mga nangyayare. 

Matapos ang hindi ko na maalala kung ilang oras ang nangyaring pagbibigay ng papuri ay sumunod ako sa nakatuxedo na lalaki. Alam kong napansin n’ya ako pero mas pinili n’yang makapunta muna kami sa office n’ya bago n’ya ako tanungin. 

“Do you need anything else?”, nakangiti n’yang tanong at umupo sa napakaganda n’yang office chair. Napansin kong sa lahat ng office ay sa kanya ang pinaka-malaki.  

Tinignan ko naman ang table n’ya at wala akong nakitang name plate doon kaya hindi ako sigurado sa itatawag sa kanya. 

Tumayo naman ako ng tuwid. “I think there is a misunderstanding.”, kaswal kong sabi at tumaas naman ang dalawa n’yang kilay. 

“What do you mean?”, mapag-laro n’yang tanong. 

“I was there not by an accident. I tried to hacked the system.”, pag-amin ko at nagtaka naman ako nang tumango s’ya. “That’s it?” 

“The fact that you saved the system never changed. What you did is crucial. Kung makakarating ang mga maling misyon sa mga agent, maraming pwedeng magsimula. Gera? Patayan? Panghabang buhay na galit? Isang maling kontrol sa kapangyarihan ay kaguluhan ang sunod.”, paliwanag n’ya na naiintindihan ko naman. Hindi agad ako nakapagsalita. “Why? Do you want me to punish you?”

“I am expecting for a punishment.”, kaswal kong saad na mukang ikinagulat n’ya. 

“Oh, alright then. How about take this mission and then we’re all good.”, nakangiti n’yang sabi at sala may ibinigay na folder. Bagong misyon nanaman ‘yon na mukang tago sa ibang agent dahil tungkol ‘yon sa black market. 

“How about the hacker? Na-trace ba?”, I casually asked. 

Umiling naman s’ya. “Sa imbestigasyon nila, walang kahit na anong batas. Investigate the underworld for six months and then report back.”, seryoso n’yang sabi na agad ko namang sinunod. 

Hindi ko alam kung sino s’ya at kung ano ang ganap n’ya sa agency dahil ngayon ko lang nakita ang muka n’ya. Wala rin s’yang portrait sa kahit na anong parte ng agency pero may iilang kilala ang muka n’ya at talagang malaki ang respeto kapag nakikita s’ya. Katulad nalang kung paano mabilis kumilos ang management team nang ibigay ko sa kanila ang sobre at binigay ang mga kailangan ko para sa misyon. 

Nagpaalam naman ako kay Nirva at sa iilan. May iniwan rin akong sulat sa kanya kung sakaling bumalik si Crimson at hanapin ako. Nagtext s’ya sa’king noong nakaraang araw at sinabi kung gaano na s’ya kalapit matapos. Natuwa naman ako at nireplyan s’ya pero naiintindihan ko rin na wala na s’yang oras sa maliliit na bagay. 

Lumipas ang mga araw na para bang oras lang sa buhay ko. Nakatira ako sa maliit na bahay ngayon malapit sa sinasabi nilang black market. May iilan na rin akong nalaman na agad ko ring binibigay sa agency. May mga tao rin akong nakilala katulad ni Midrange. Isa s’ya sa mga bilihan ng impormasyong masasabi kong totoo sa usapan. 

“Musta? Nakuha mo ba?”, tanong ko sa kanya at binigyan s’ya ng sigarilyo. Tumango naman s’ya at may inabot na sobre. Pagbukas ko ay naroon nga ang kailangan ko. 

“Busy ako bukas ha. Mambababae ako ‘e.”, nakangisi n’yang sabi matapos namin mag-usap ng iilang bagay. Nagpaalam naman ako sa kanya at nang makumpleto ang mga impormasyong limang buwan ko inipon ay napag-desisyunan kong bumalik na sa agency. 

Pagpasok ko ay kapansin pansin ang mga ngiti nila sa’kin. Sa nakalipas na taon ay biglaang umangat ang ranggo ko at halos malagpasan ko na si Crimson. May mga pagkakataon rin na parang bigay nalang ang lahat sa’kin at kapag may kailangan ako ay mabilis nilang ginagawa. Sa tingin ko nga ay pwede na akong sumali sa ranking dahil ang balita ko ay kung gaano kataas ang ranggo mo ay mas mataas ang sahod kesa sa iilan. 

“Nightshade!”, bati ng isang agent at nakangiting humarang sa harap ko. Tinignan n’ya ang dala kong bag kaya inilagay ko ‘yon sa likod at nakangiti s’yang tinignan. 

“What is it?”, tanong ko at wala naman s’yang sinagot kaya naman umalis na ako at umakyat na sa pinakamataas na floor. Doon ko kasi dadalhin sa lalaking nag-utos sa’kin. 

Pag-apak ko sa office n’ya ay agad akong nagtaka nang makita si Nirva roon at matuwid na nakatayo sa harap nung lalaking komportableng nakaupo sa office chair n’ya. May seryoso silang pinag-uusapan pero napunta sa’kin ang mata nang makapasok ako. 

“Nightshade.”, tawag ni Nirva at tinanguhan ko naman s’ya. 

Dumeretso naman ako ng lakad sa table nung nakatuxedo pa rin na medyo matanda at saka binagsak roon ang bag na ang laman ay ang mga papeles at gamit na nakuha ko sa imbestigasyon. 

“Sir, that’s all the information I could gather.”, kaswal kong sabi at nagulat naman ako nang sikuhin ako ni Nirva. “Ano?”, tanong ko nang walang boses sa kanya. 

Nakangiti pa rin s’ya at nagsalita nang patago. “Umayos ka.”

“Bakit?”, nakakunot ang noong tanong ko. Tinignan ko naman ang sinesenyas ng mata n’ya. “Damn..”, bulong ko nang mabasa ang nakalagay sa pangalan n’ya. 

“MASTER”

He’s the father of the agency. 

Hindi ko naman magawang hindi mag-isip ng malala habang pababa sa hagdan galing sa last floor. Hindi ko ginamit ang elevator dahil gusto kong parusahan ang sarili ko sa ganitong paraan. Paulit-ulit kong hinahampas ang ulo dahil bakit sa kung paano s’ya magsalita at kumilos ay ‘di ko man lang naisip na mahalaga s’yang tao?

AISH!”, reklamo ko at nagkamot ng ulo. Napatigil naman ako sa paglalakad nang makarinig ako ng matinding paghinga na akala mo’y hingal na hingal. 

“A-Ahh, Crimson. I need more..”

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ni Emerald na nag-echo sa buong hagdanan. Hindi naman na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad silang sinilip. 

“Bro..”, bulong ko at ‘di makapaniwala silang tinignan. They are doing something nasty. Hawak ni Crimson ang isang hita ni Emerald habang nakasandal naman ‘yung babae sa railings. “The fuck?”, malakas kong tanong na ikinagulat nilang dalawa. 

“Artiona..”, tawag ni Crimson habang inaayos ang sarili. Tiningala naman n’ya ako. “I can explain.”




Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon