Artiona Novaliege.
Nirva told me how eager Crimson accepted the mission. He rejected it three times but surprisingly accept it after I was asked to do it. Hindi ko alam ang sasabihin kay Nirva dahil nagpasalamat pa s'ya sa'kin, iniisip n'yang kinausap ko si Crimson para sa isang 'to. Dahil wala s'ya ay ako ang in-charge sa mga trainee. Ang sabi ay buwan rin ang bibilangin bago s'ya makabalik.
"So, everyone, what was your last activity?", tanong ko nang makarating sa open field kung saan ko lahat sila pinapunta. May iilang takang nakatingin sa'kin at may ibang nakanganga lang. Hindi ko naman sila masisisi dahil bago ang muka ko sa kanila. "Ah, You can all call me Nightshade. Ako muna ang papalit kay Crimson.", saad ko at ngumiti sa kanila.
Tumango naman ang karamihan at nagsunod-sunod na ang mga nagsalita. Hindi naman ako nahirapang sauluhin ang mga pangalan nila dahil iba-iba ang muka at kakayahan nila na mabilis kong natandaan. Umabot rin ng isang buong araw ang pulido kong pag-iisa isa sa kanila. May mga pagkakataong ako mismo ang kalaban nila at tinitignan ang kakayahan nila sa pisikal at utak. Nate-train na rin ako habang kasama sila kaya pabor sa'kin na ipakita nila ang lahat.
Pagbalik ko sa agency ay agad akong nagtaka nang mapansing nagkakagulo ang karamihan. May mga empleyadong tumatakbo at kahit saan ay may tinatawagan sila. Kinapitan ko ang braso ng isa kong nahawakan at mabilis s'yang tinanong.
"Anong problema?". Nakakunot ang noong tanong ko.
"Ginamit ng isang trainee ang private jet at gamit n'ya ang ID ni Nirva.", kinakabahan n'yang sabi at mabilis na umalis. Napailing naman ako at biglang naalala na may isang nawawala sa mga tinuruan ko kanina kaya agad akong tumakbo papunta sa opisina ni Nirva.
Pagpasok ko ay gusto kong tawanan ang stress n'yang muka pero hindi ko magawa dahil mukang seryoso ang problemang nasa agency ngayon.
"Nirva.", tawag ko sa kanya at tiningala naman n'ya ako. "Si Emerald ba?", simple kong tanong.
"Yes. She's cheeky.", mahina n'yang sabi.
'Sino nga bang hindi maiistress kung nautakan s'ya ng isang trainee?'
Hindi namna ako nagsalita at inisip ang mga posibleng puntahan ng mga trainee. Naalala ko kung gaano s'ya kainteresado kay Crimson kaya malaki ang posibilidad na sumunod s'ya sa lalaking 'yon. Kung bibilangin ang buwan at pagiging close nila, pwedeng may pagkakataon na kahit ang proseso ay naituro na n'ya.
"I think she followed Crimson.", mahina kong sabi kay Nirva. Hindi naman s'ya nagulat at mukang pareho kami ng iniisip.
Lumipas ang apat na buwan at ang tanging balita lang namin sa kanila ay magkasama sila. May iilang impormasyon s'yang ibinibigay pero hindi sapat para malaman ang kalagyaan nila. Hindi naman na ako nagtatanong pa ng kahit na ano at sinusubukang makipag-usap kay Crimson kahit paunti-unti. Pareho kaming busy dalawa at hindi naman nawawala ang koneksyon namin.
Habang nagtuturo sa mga bago ay may mga kinukuha rin akong misyon at umaattend ng mga klase. Sinusubukan kong pagsabayin ang education field at politics pero kulang ang 24 hours para makuha ko lahat ng gusto ko. Sinanay ko din ang sarili na matulog ng limang oras sa araw-araw.
"Pang-ilang pay-out mo na 'yan ngayong buwan. Apat? Grabe ka.", biro ng babaeng nasa finance. Sila ang nagmamanage ng kita ng bawat isa.
Tinawanan ko naman s'ya. "Alipin ako ng salapi 'e.", brio ko at ngumiti naman s'ya.
"Baka sa susunod mas mayaman ka na sa may-ari ng agency."
Matapos kong kunin ang pera ay agad ko 'yong inilagay sa account ni Creo. Napapangiti namna ako kapag nakikitang binabawasan n'ya 'yon at masayang binibili ang mga gusto n'ya. Balang araw kailangan ko ring sabihin sa kanya ang trabaho ko dahil pagbalik n'ya ay may mansion na kaming patapos na.
Lumipas ang ilang linggo at napansin kong hindi na ako sinasagot ni Crimson. May mga pagkakataon rin na kahit tumawag ako ay hindi n'ya sinasagot pero noong si Nirva ang pinatawag ko ay sumagot s'ya. Hindi ko rin maitindihan kung bakit napakatagal ng misyon n'ya na kung tutuusin ay sa apat na buwan lang ang palugit. Hindi naman ako pwedeng magtanong dahil confidential 'yon.
"What am I doing?", tanong ko habang nakaupo sa security room at sonusubukang buksan ang system na hawak ang mga files ng bawat isa. Mahirap ang codings no'n at masyadong marami ang nilagay nilang security pero sa mga nakaraang taon ay sapat na ang kaalaman ko para mabuksan ang iilan. "Huh?", tanong ko sa sarili nang natanggal ang codes ng iba at parang may iba pang gustong mang-hack ng system.
[BEEP]
Napatingin ako sa beeper ko nang lumabas roon ang isang panaglan ng isang opisyal at nakalagay. Sa tabi noon ay red na [KILLED] na ipinagtaka ko. Tinignan ko ang monitor at napansin na nagsesend 'yon ng mga misyon kung kani=kanino. Agad kong sinubukang magtake over pero masyadong magaling ang nanaghahack no'n.
[WHO ARE YOU?]
"Tss! S'ya ang nanghahack pero hindi n'ya alam kung kanino ang binubuksan n'ya?". Inis kong tanong na parang may multong kausap. Nagtype naman ako ng coding para sagutin s'ya.
[WHO ARE YOUU!!?]. sagot ko at nanatili ang kamay na pumipindot sa keyboard. Hindi tumitigil ang isang 'yon para kopyahin ang mga files pero agad ko rin namang nababwi at sinubukang ibalik ang securitu codes.
[WHAT A CLASSIC YOU ARE]
Napangisi ako sa sagot n'ya.
[AND WHAT A GREAT HACKER YOU ARE], sagot ko.
[I THOUGHT THIS IS A RIGHT TIME FOR THIS. WHAT ARE YOU? A RAT?]
[NOPE. A SNAKE.][SNAKE MY FOOT. YOUR SYSTEM IS TOO EASY TO MANIPULATE.]
[I KNOW. LAME WORKS.]
"Don't mock him more.", napatingin ako sa likod nang marinig ang malalim na boses ng isang lalaki. Nang tingalain ko s'ya ay napansin kong medyo matanda na ang isang 'yon at nakatutok lang ang mata n'ya sa monitor. Mukang kanina n'ya pa kami pinapanood na mag-utakan. "May sagot na s'ya.", kaswal n'yang sabi kaya agad akong napatingin sa monitor.[HOW ABOUT LET'S PLAY A GAME?]
[WHAT GAME?]
[YOU'LL RESTORE THE SYSTEM WHILE I'LL HACK IT. IF YOU WIN, THE SYSTEM IS YOURS. IF YOU LOSE, BYE LITTLE AGENCY.]
[ALRIGHT. IF I WIN, YOU'RE LAME.]
"Masyado ka atang confident na mananalo ka?", tanong ng nasa tabi ko. Walang halong biro o banta ang tanong n'ya. Para lang s'yang matanda na nanonood ng mga batang nagpapaunahan sa maliit na bagay.
I shrugged. "Tingin ko naman kaya ko s'yang talunin sa pagtatype.", sabi ko at inistretch ang kamay bago nagpipipindot ng coding at hindi tumitingin sa monitor. Para bang ang munod ko ay umiikot lang sa keyboard na 'yon at ang bawat tipa ay mas mabilis pa sa segundong lumilipas.
Lumipas ang isang oras, hanggang tatlo, at umabot ng limang oras naroon kaming dalawa. Hindi komaramdaman ang sakit ng kahit na ano sa parte ng katawan ko dahil masyado akong nalulunod sa interes sa isang 'to.
[YOU WIN, MY LADY.]

BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...