Artiona Novaliege.
We looked at where a gunshot came from. Hindi pa man n’ya aririnig ang sagot ko ay mukang kailangan talaga namin na tumigil. I know there’s something wrong about that shot and we need to know it.
“That goddamn shit..”, bulong ni De Niro na ikinatingin ko sa kanya. Napansin kong binabalik n’ya ang bra ko pero tinitigan muna n’ya ‘yon bago tuluyang tinakpan.
Pinaglaruan ko naman ang buhok n’ya at mahinang tumawa dahil sa itsura n’ya. “You look disappointed, Ezyele.”, malambing ko sambit at sumandal naman s’ya at parang nawawalan ng pasensyang tinignan ako. Maya-maya ay inilapit n’ya ang muka na agad kong itinulak gamit ang palad ko at saka umupo sa katabing upuan. “Can I borrow a gun?”
“There’s one inside.”, saad n’ya at itinuro ang isang compartment na nasa kotse n’ya. “Don’t tell me you’ll kill me now?”, malalim ang mata n’yang tanong. Nginisian ko naman s’ya at inayos ang baril.
“Hindi pa naman. I still need to investigate something..”, kaswal kong sambit at nang hindi s’ya marinig na magsalita at agad akong napatingin sa kanya. “What?"
“Can I have a last kiss?”, mapang-asar n’yang tanong pero ramdam ko ang seryoso n’yang mga mata.
Tinitigan ko naman s’ya at mabilis na hinawakan ang leeg n’ya at idinikit ang labi sa malambot n’yang labi. Hindi naman s’ya nakuntento at mas nilaliman ang halik. Ramdam ko ang bawat pagsipsip n’ya ng baba at taas kong labi pati ang interes ng paghahanap ng lasa gamit ang nang-aakit n’yang labi. Kahit anong lalim no’n ay ramdam namin ang kulang, may pareho kaming hinahanap at nagtatagpo sa dulo, dahilan para mahirapan kaming bitawan ang isa’t-isa.
Pagbalik sa party ay nagulat ako nang makita ang pool na napakalinaw ay nababalot na ng dugo. May iilang mga babae ang umiiyak at karamihan ay tumatakbo na. Sa malaking espasyo na iniiwasan ng lahat ay makikita ang lalaking nakatayo habang tumatawa mag-isa. May hawak s’yang baril at nakatutok ‘yon kay Alivarez. Hindi naman nagpaligoy-ligoy ang lalaki at ipinutok n’ya ‘yon dahil para mas lalong magkagulo ang mga tao.
“KKKYAAAA!”
Nakitakbo rin ako sa iilan at pumunta sa lugar kung saan makikita ko ang mga nangyayari. Hangga’t maaari ay ayaw kong mangialam hangga’t hindi ko pa nalalaman ang dahilan ng lahat. Nakaupo na ang iilan pang negosyante at napakunot ang noo ko ng makita si Congressman Torsney at nagpapanic na tumitingin sa paligid, umaasang may agent na magliligtas sa kanya.
“Tsk! Maybe he still doesn’t know that the deal is over.”,
kumuha naman ako ng wine sa isang table at inobserbahan ‘yon. Hindi pa man nagtatagal ang pagtingin ko no’n nang makarinig ako ng bagong putok ng baril at napatingin sa lalaki na ngayo’y nasa sahig na at duguan.“What is this mess?”, bulong ko sa sarili at takang tinignan ang lalaking bumaril sa kanya. “Mark Zew..”, inisip ko kung saan ko s’ya huling nakita. Isa s’yang reporter na kilala sa Asia dahil sa galing n’yang magsalita at magaling s’yang maghanap ng butas dahilan para maraming tao ang gustong kuhanin ang panig n’ya dahil kahit ano pa ang yama ng isang tao, isang maling balita ng media ay mawawala sa’yo ang lahat.
Namumula ang muka n’ya at parang hindi pa sigurado sa ginawa dahil mabilis n’yang binitawan ang baril. Mabilis rin s’yang nakapag-isip ng tama at nilapitan ang mga negosyanteng takot na takot sa nangyari. Kataka-takang iba ang emosyon nila sa mata, para silang nahihibang at hindi alam ang gagawin, lasing pero parang gustong tumakbo ng malayo dahil sa bawat malalim na paghinga.
“FIND THAT PIECE OF A SHIT!”, sigaw nung congressman na ipinagtaka ko. Hindi ko alam ang tinutukoy n’ya pero mukang kailangan ko talagang protektahan ang isang ‘to. Mahirap na kung lahat sila ay mamamatay lalo at wala pa s’yang bayad sa’kin.
Astang lalabas na ako sa kung saan ako nagtatago nang mapansin ko ang presensya ng isang lalaki
“What now?”, nanlaki ang mata ko nang makita kung gaano kadaming baril ang nakatutok kay De Niro. Simula sa taas ng building at mga espasyong hindi agad mapapansin. Ang iilang nakahiga na parang patay ay nagsitayo at may nakatutok nang baril. Ramdam ko rin na sa pwesto ko ay hindi ako nag-iisa pero alam kong lahat sila ay isa lang ang interes.Nakatayo lang ‘yung Italyano sa gitna at ang pagitan nila ay ang napakalaking pool. Hindi ko alam ang mga nangyayare pero isa lang ang naiisip kong gawin, ang panorin kung paano makakaligtas ang sinasabi nilang hari laban sa tumalikod sa kanyang mga kawal. Unti-unti nang lumiliwanag ang paligid at kung mas tatagal pa ‘to, paniguradong mas lalaki ang gulo.
“SHIT!”, sigaw ko nang may malaking pagsabog ang nagpasimula ng sunod-sunod na pagputok ng baril. Hindi ko naiwasang hindi mabasa ng kumalat ang tubig dahil sa malakas na bombang nagmula sa ilalim no’n. Sa dami ng tubig at kulay no’n ay paniguradong mahirap makakita ng kahit na ano. Naramdaman ko rin ang ibang klaseng epekto no’n sa katawan na para bang may asido dahil sa sakit. Hindi ko na sinubukang hanapin si De Niro dahil nagsimula na ang gerang kanina pa nananahimik mag-ingay.
Wala akong oras hintayin ang pangyayari matapos no’n kaya agad akong tumakbo paalis sa parte ng resort. Nakita ko ang helicopter na sinakyan ng mga negosyanteng kung magtulakan ay parang nakikipag-agaw buhay kay kamatayan.
“So that show is for them to escape? Tsk. How petty.”, I said then run somewhere. Pumunta ako sa parking lot at napansing naroon pa rin ang kotse ni De Niro, ibig sabihin ay nandito pa rin s’ya o kaya nama’y patay na. Pwede ring sa iba s’ya tumakas dahil sa laki ng lugar na ‘to ay imposibleng walang makatakas. “But it’s impossible.. everyone knows him.”
Walang mangyayari kung mananatili ako sa kinatatayuan ko. Kailangan kong may gawin at sundan ang mga negosyante o kaya nama’y hanapin ang isang ‘yon. Hindi ko akalaing ang tagong kasiyahan na ‘yon ay mauuwi sa ganitong laban. Sila ang makakakampi noon kaya bakit ganito ang mga nangyayare? Bakit s’ya ang pinuntirya kung s’ya ang bida? At bakit kailangan ko s’yang patayin dahil sa drogang wala pa namang kasiguraduhan kung sino ang totoong gumagawa?
Naalala ko angpinapahanda kong files sa agency. Hindi ko alam kung kailangan nila ‘yon madadala dahil sa mga pangyayari netong mga nakaraang araw, masasabi kong mukang ang bawat isa ay maiging inobserbahan isa-isa at kahit ang mga tauhan rito ay masasabi kong may iilan na maingat kumilos. Kung totoo man ang iniisip ko, maaaring matagal nang pinag-aralan ang mga pangyayari. Hindi lang nasunod sa plano.
‘Pero sino? Sino ang nagplano ng patayang ‘to?’
Nakakapagtaka rin na parang walang epekto sa mga tao ang natigil na kasal nila Emerald. Kahit ang babaeng ‘yon ay hindi tumitigil, marahil may alam s’ya o isa s’yang tagaplano. May posibilidad rin na may gusto s’yang tapusin pero hindi ko alam kung ano ‘yon. Wala akong alam sa buhay n’ya at hindi ko akalaing may koneksyon sila. Konektado rin ba ang kaguluhan sa black market sa mga nangyayari ngayon? Sino ba ang kaaway ng mundo? Sino ba ang dapat kong patayin?
Napagdesisyunan kong bumalik sa suite at doon ay hindi ko inaasahan ang makikita, hindi ko inaasahang ganito ko s’ya makikita.
“Looks like your company is incompetent enough to believe this piece of trash information..”

BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...