Report 023

104 1 0
                                    

Artiona Novaliege.

Sa buong meeting ay hindi ko magawang ngumiti dahil sa video na pinapakita ngayon sa screen na napapanood ng mga nasa stadium. The room is silent and walang may gustong mag-interupt ng kahit na anong nangyayari dahil lahat sila ay nakikiramdam. Nakikiramdam sa susunod kong gagawin o kaya naman ay sasabihin. Hindi naman naiwasan ng kilay ko ang magsalubong nang tuluyan nang mawala ang bahay ko at napalitan ng mga pagsabog na sunod sunod at talagang pinagplanuhan.

"That piece of shit...", bulong ko at napapikit sa inis.

De Niro destroyed my residents in Spain in a blink. Mukang matagal na n’yang gustong gawin ‘yon at talagang walang tinira. It’s my real house where everyone knows I really treasure. ‘Yun lang ang masyon na pinagawa ko and the rest are apartments because it’s safer. Mukang wala s’yang papalagpasin dahil sa pagkakaalam ko, walang may alam ng eksaktong lugar kung nasaan nakatayo ang mansyon ko. Nanatili lang akong kaswal na nakaupo at inisip na sa kabilang banda, inaasahan ko na na gaganti ang lalaking ‘yon.

“The situation is getting out of hand.”, nakahawak sa sintidong sabi ni Master at pinapatay na ang video. Marami namang sumang-ayon sa kanya. “We also received a very urgent matter from our undercover agents. The black market is being in chaos again.”, dagdag pa n’ya at muling may ipinakita sa screen. Statistics ‘yon at increasing requests from politicians, reporters, and even companies. Pinakita rin roon ang abnormality sa economics at mga kasong tumataas, nangunguna roon ang kidnapping.

Nawala ang tensyon sa paligid at napalitan ‘yon ng mga seryosong muka. Sino ba namang hindi mababahala sa mga nangyayari at ang huling naging ganito kagulo ang lahat ‘e halos mawalan kami ng kalahating tao. There’s a time where a 17 year-old guy hacked our system and send our spies in the most critical situation. How did that happen? Hindi namin alam.

In their emergency beepers appears requests they are hesitated about. Maraming muntikan mamatay dahil sa maling misyon, o kaya naman ay pwedeng magsimula ng bagong digmaan sa isang maling padala ng mensahe. Dahil sa nangyari, hindi na gumamit ng kahit na anong electronic devices to send missions at kailangan na talagang kunin sa agency kaya naman kalaban ng lahat ng agent ang oras.

“The higher-ups decided to give this crucial investigation to our top agents. Nightshade, Emerald, and Crimson will lead the team.”, sambit ni Master na hindi ko na ikinagulat. Mukang kailangan kong bitawan si De Niro. Karamihan naman ng mata ay nasa akin at sa iba pang binanggit pero parang wala naman silang dalawa. “Emerald will be here tonight and Crimson.. there he goes.”, dagdag pa n’ya at lahat naman ay tumingin sa lalaking pumasok sa pintuan at parang manekin na sa sobrang ayos ng pananamit at kinis ng balat. He looks like an American lawyer.

Naglakad na rin ako papunta sa gitna at halos sabay lang kaming narating ‘yon. Alam kong malalagkit ang tingin sa amin at interesado sa mga pwedeng mangyari. Katulad ng kung magbabatian ba kami o tatayo lang ng kaswal.

“Nice to see you again, Nightshade.”, mataas ang ngiting bati n’ya at ngumiti naman ako pabalik. Hindi naman na ako nagsalita matapos no’n at saka pinakinggan lang si Master.

Sinabi lang n’ya ang mga makakasama naming ibang agent at other team to assist. Hindi rin kami magsasama ng mga nasa training o kaya ay first class agents dahil matagal ang misyong magaganap.

“I don’t see Emerald.”, he asked, talking about that woman who has green eyes.

I shrugged. “Maybe she’s not here.”, kaswal kong sabi at iniiwasang maging sarkastiko. Totoo naman pati ang sinabi ko. Tinitigan lang n’ya ako pero hindi ko na ‘yun pinansin. Hindi naman na s’ya nagsalita at napansin n’yang wala ako sa tino para kausapin s’ya.

Matapos ang kalahating oras ng pagsasalita ay natapos na rin si Master. Nauna kaming lumabas sa stadium kasunod n’ya at kalangan daw namin na mag-meeting about sa mga kailangan at sa mga files na kailangan naming makita.

“Anong plano mo, Nightshade?”, tanong ni Mater habang naglalakad kami sa isa sa mga hallway ng building na ‘to. I looked at some rooms before answering him.

“What do you mean?”, kaswal kong tanong at tinignan naman n’ya ako at sinenyasan para sabihing alam ko ang gusto n’yang malaman. Wala naman akong magawa at kailangan ko s’yang sagutin sa mga ganitong pagkakataon. “Bibitawan ko si De Niro.”

Alam kong matagal na n’yang gustong marinig ‘yon. Matagal nang pinutol ni Master ang koneksyon kay De Niro pero dahil napasok n’ya ang security namin at nakapagpadala pa ng video ay kailangan na s’yang bantayan. It’s my fault also but still, since De Niro is capable of doing it, its still count as terrorism.

"How so?", tanong ni Master.

Tinignan ko naman s'ya. "I don't know? Maybe kapag nandito na si Emerald, mag-aunder cover nalang ako to investigate in the black market."

"De Niro is one of the players in the underworld.", sambit naman ni Crimson na ikinatingin namin sa kanya. "If business ang tawag sa normal economy, the dirty works and illegal transaction under is called the Pluto. Ang mundo kasi sa kanila ay nakakatakot. Hindi sapat ang buhay mo bago ka makapasok.", paliwanag pa n'ya. "May tatlong player sa kanila at isa si De Niro don. S'ya ang unang distributor, collector, and even the sector. May sarili s'yang organization that dominates the said world. Kumbaga sa mundo, kalahati ang kanya."

Pareho naman kaming nakikinig lang ni Master sa sinasabi n'ya. Alam kong malaki ang ambag ni De Niro sa ilalim pero hindi ko akalain na hindi lang s'ya ang himahawak no'n. Mukang marami s'yang kalaro.

"Assigned someone who can monitor him then I'll stop playing with that man.", wala naman akong intensyon sa mga binitawan kong salita dahil kung matatapos namin ang misyon, pwede na ulit akong mabuhay sa paraang gusto ko.

Tinitigan naman n’ya ako bago tumango. “I will hold your words, Nightshade.”, sambit n’ya na may halong banta. Hindi ko naman s’ya sinagot. Akala ko mapayapa na kaming makakarating sa meeting room pero nagsalita naman ‘yung lalaking nasa likod ko.

“I heard you’re friends with that Italian Mafia.”, may pang-aasar na banggit ni Crimson.

“Mhm.. want some drugs? I can ask him.”, kaswal kong sabi na hindi naman n’ya agad tinawanan.

“No. But I’d like to ask you, I thought you hate being friends with your enemies?”

“Thank god, you’re aware of that?”, gulat kong tanong na may halong sarkastiko. Nilagay ko pa ang kamay ko sa bibig at tinignan s’ya nang nanlalaki ang mata bago s’ya iniwan sa  labas ng meeting room.

Umupo naman ako sa pinakadulong upuan katapat ni Master sa mahabang lamesa na narito. May iilang agent na ang nakaupo at binabasa ang mga filed. Sa harap ko naman ay may nilapag na manipis na folder. Hindi ko pa man nabubuksan ang folder ay napansin ko na ang lalaking tumakbo kanina para ipakita ang cellphone n’ya.

“Pst..”, tawag ko na ikinatingin naman ng lahat. Nagulat naman ‘yung maliit na lalaki at tinuro pa ang sarili. “Mhmm..”, saad ko at tumango. “Why did you answer that Italian’s call?”, tanong ko at sumandal sa komportableng office chair.

Ilang beses s’yang sumubok magsalita pero agad rin n’yang sinasara ang bibig. Hindi sigurado sa sasabihin.

“Si Ms. Emerald po ang tumawag… Hawak daw s’ya ni Ezyele Romeo De Niro.”



Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon