Report 028 [FLASHBACK 4]

84 2 0
                                    

Artiona Novaliege.

It’s been two weeks since Crimson asked me to be his grilfriend. Hindi ko naman alam kungano ang isasagot kaya nagsabi ako na pag-iisipan ko muna dahil kahit ako ay hindi sugurado kung dapat ko ba s’yang papasukin sa buhay ko. Alam ko namang ang oo ko ay ibig sabihi’y magiging importante s’ya sa buhay ko pero una palang, wala akong planong makipagrelasyon sa kahit na sino.

Wala namang nagbago sa pakikitungo n’ya sa’kin. Nananatili s’yang nakangiti kapag nagkikita kami sa agnecy. May mga pagkakataong tatabi s’ya sa’kin sa cafeteria, o kaya sa meeting room, o kaya nama’y bibigyan ako ng mga pagkain sa mga panahong nakakalimutan ko. Nananatili s’yang anghel na mukang hindi lang ako ang nakakapansin.

“Mukang hindi lang ID ang nakuha mo ah.”, pabirong sabi ni Nirva habang naglalakad kami palabas ng meeting room.

“What do you mean?”, inosente kong sabi at tinaasan lang n’ya ako ng kilay at sinenyasan ang pagkaing dala ko.

“Gusto mo ba si Crimson?”, tanong n’ya na hindi ko naman sinagot at dumeretso sa ibang direksyon.

Nakahinga naman ako ng maluiwag nang ‘di n’ya ako sundan. Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong n’ya pero gusto kong subukan. Gusto kong maranasan ang mahalin ng totoo na hindi ko kailan man inasahang pwedeng mangyare. Ilang araw ang nakalipas at hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Crimson tungkol sa desisyon ko. Sakto namang nakita ko s’ya sa hallway kasama ang bagong mga trainee. Nginitian ko naman s’ya at ganoon din s’ya sa’kin. Pinanood ko lang s’yang mawala sa paningin ko bago nagpatuloy sa office ni Nirva para magreport.

Pagpasok ko ay napansin kong namomroblema s’ya habang nakatingin sa kanyang monitor. Nang mapansin n’ya ako ay tumingala s’ya at tinitigan ako.

“Aalis si Crimson ng matagal.”, saad n’ya na ipinagtaka ko. Kakakita ko lang kay Crimson kaya naman kataka-takang eto ang bungad sa’kin ni Nirva.

“Mission?”, kaswal kong tanong at tumango s’ya bago kinuha ang mga papel ko sa kamay.

“Mukang may magsisimula ng gera sa Africa. Kailangan n’yang mag-imbestiga dahil mukang may iilang bansang may interes sa bansa.”, sambit n’ya na ikinakunot ng noo ko dahil nasa batas ng agency na ang bawat misyon ay confidential. “Don’t think too much. Sinabi ko lang sa’yo dahil malaki ang tiwala ko sa’yo at para hindi ka magsayang ng oras.”, seryoso n’yang sabi at tumango naman ako.

Pinag-isipan ko ang sinabi ni Nirva at pumunta sa office ni Crimson. He’s busy viewing his files at mukang malalim ang iniisip dahil hindi n’ya agad ako napansin.

“Crimson..”, tawag ko na agad n’yang ikinatingin.

Ibinaba n’ya ang mga papel na hawak at saka nakangiti akong tinignan. “Artiona..”, mahina n’yang tawag.

Huminga naman ako ng malalim at hindi na nag-isip ng iba pang sasabihin dahil sa sobrang busy ng isang ‘to ay baka ilang minuto lang ay tawagin muli s’ya.

“I.. I’ll be your girlfriend.”, kinakabahan kong sabi. Hindi naman s’ya agad nagsalita at maaatagal akong tinitigan bago lumawak ang ngiti at saka niyakap ako ng mahigpit. Muntikan ko pa s’yang itulak dahil bago ‘yon sa akin pero mas pinili kong manatili at madama ang bagong pakiramdam.

“Thank you.. Thank you, Artiona.”, bulong n’ya habang nasa leeg ko naikinatuwa ko naman ng todo.

LUMIPAS ang bawat araw at masasabi kong naninibago ako sa bawat pangyayari dahil paggising ko palang ay magaan na ang loob ko at sumasadya ang kasiyahan kahit na wala namang nangyayareng kahit naanong mga espesyal na bagay. Pagpapasok ako ay hinihintay ako ni Crimson na makapagreport bago n’ya ako yayaing kumain ng breakfast, sa lunch naman ay sinasabi n’ya angoras na available s’ya at kapag naman hindi kami nagkakasabay ay pinupuntahan n’ya ako para kamustahin. May mga ismpleng gawain din kami na sabay magkakape at saka magkukwentuhan saglit.

Habang naglalakad kami sa hallway ay napansin ko ang magulon’yang necktie. Tumigil ako sa paglalakad at ganoon rin s’ya  at nagtataka akong tinignan. Tinuro ko naman ang necktie at inabot ‘yon. Nginitian naman n’ya ako at hinayaan.

“Alam naman nilang — Crimson!“, gulat akong napatingin kay Crimson nang bigla n’ya akong itulak at nakangiting tumingin sa tumawag sa kanya. Nanatili ang kamay ko sa ere at dahan-dahan ‘yong ibinaba at tumingin rin sa mga dadaan sa hallway.

Nginitian nama nila ako at saglit na nakipag-usap kay Crimson bago umalis at iniwan kami roon na nakatayo.

“Artiona..”, tawag n’ya sa’kin pero nanatili akong nakatingin sa sahig. Nanatili naman s’ya sa tabi ko at lumapit ng kaunti. Pinipilit maglambing na hindi ko alam kung paniniwalaan ko.

“Bakit, Crimson?”, tanong ko at ‘di makapaniwalang tinignan s’ya.

Tumingin naman s’ya sa kung saan ng ilang beses bago nagpapanic na sumagot sa’kin. “L-Let’s hide this.. Please?”, kinakabahan n’yang sabi na hindi ko maintindihan.

Hindi naman ako sumagot at inisip ang isang libong dahilan kung bakit. Alam ko ring kahit ilang rules pa ang basahin ko ay hindi ‘yon pinagbabawal sa agency. Wala rin namang espesyal na kondisyon dahil kahit si Nirva ay napapansin ang relasyong mayroon kaming dalawa. Kahit ano pa ang isipin ko, wala akong ibang choice kundi ang tumango sa kanya at hindi na nagsalita pa.

“Thank you..”, bulong n’ya at ngumiti sa’kin. Nauna na s’yang naglakad at para bumalik kami sa normal.

Pagdating namin sa meeting room ay kataka-takang may iilang mga agent roon na hindi magaganda ang timpla. Nasa gitna si Nirva at huminga ng malalim nang masilayan ang muka ni Crimson. Mukang kanina pa nila s’ya hinihintay.

“Crimson, I heard yopu reject the mission?”, magkasalubong ang kilay na tanong ni Nirva. Hindi naman nagbago ang reaksyon ni Crimson at kaswal na tumango. Maraming mata ang gulat na tumingin sa kanya. “Bakit?”

“I need to train the new recruits..”, saad ni Crimson at umupo kung saan. Ganoon rin ang ginawa ko pero malayo kami sa isa’t isa dahil katulad ng gusto n’ya, kaswal lang kaming dalawa.

Sumandal si Nirva at malalim na nag-isip. “Who wants to volunteer?”, seryoso n’yang tanong. Mararamdaman ang pagbabanta at ang lalim ng misyong ‘to dahil sa bigat ng paligid.

“Magkano ang isang ‘to?”, tanong ko at hindi pinansin ang mga mata nilang nanghuhusga. Para bang tinitignan nila ang buong pagkatao ko at ang kaluluwang nas aharap nila. Hindi naman nagbago ang reaksyon ni Nirva at si Crimson naman ay nakakunot ang noong nakatingin sa’kin.

“Depende sa gusto mo.”, kaswal na sagot ni Nirva at nagtitigan kaming dalawa. “Hindi ka lang pipigil ng gera sa isang ‘to. Pwede kang mamatay, magutom, pumatay, o hindi na makabalik. Hindi ‘to normal lang na misyon, Nightshade. Baka imbis na pera ang makuha mo ‘e burol mo ang huling alaalang maiiwan mo.”, sambit n’ya nang may pagbabanta.

Napakamot naman ako sa ulo at hindi s’ya inintindi dahil ang nasa isip ko ay ang bahay, kotse, pera sa bank account ni Creo at ang perang pwedeng bumuhay sa amin sa susunod na 25 years.

“Kailangan ko lang pigilan ang gerang pwedeng mangyare?”, tanong ko at tumango s’ya.

“Sa tingin mo ba simpleng misyon lang ‘to? Bansa ang nakasalalay dito, Missy. Kulang ang isang taon para matapos ‘yon at tatlong buwan ang pinaka matagal bago magsimula ‘yon. Tingin mo tungkol lang ‘to sa pera?”, nakakunot ang noong sabi nang isang agent at namuo ang katahimikan. Kahit si Crimson ay umiwas ng tingin at nakatitig lang sa lamesa. Naghihintay ng sunod na sasabihin.

Huminga ako ng mlalaim at sumandal sa upuan. “Dalawa lang naman ‘yan. Matatapos ko ang misyon sa loob ng tatlong buwan o mamamatay ako sa gerang hindi ko napigilan. Gagawin ko lang rin naman ‘to para sa pera.. kung rangal lang naman ang pag-uusapan, bakit hindi mo kunin?” 

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon