Report 021

114 3 0
                                    

Artiona Novaliege.

Agad akong pumunta nang malaman na nahuli ang mga co-agent ko. I can't leave them alone since they are my responsibility. Alam ko rin na wala silang laban sa tauhan ni De Niro dahil kung ako ngang mataas na ang posisyon sa agency ay inabot pa ng taon para lang malaman ang buong pangalan n'ya.

I turn off my ear piece to prevent him for tracking my location since nasa bahay ako. Mahirap na at baka pati ang bahay kong 'to 'e mawala pa.

Pagdating sa Enchanted Kingdom ay agad akong pumunta sa Ferris Wheel. As usual, maraming tao at mga batang nagsasaya kung saan-saan- walang kaalam-alam sa nangyayareng mga buhay na pala ang kapalit. Pagdating ko malapit sa Ferris Wheel ay agad kong napansin na nakatigil 'yon at sa baba ay nakabukas ang isa sa mga sakayan n'on.

"Mhm.. Nandito ka na pala.", kaswal na sambit ni De Niro habang nakadikwatro at nakangiting nakatingin sa'kin nang puntahan ko sila.

Hindi ko naman s'ya pinansin at tinignan ang mga kasamahan kong nakatali kasama n'ya sa cabin na sinasakyan. Apat silang naroon at kalmadong nakaupo pero makikita ang takot at kinakabahan nilang itsura. Nang makita ako ay agad ko silang tinanguhan.

"Let them go.", nagbabanta kong sabi kay De Niro pero inosente lang n'ya akong tinignan at sumadal sa railings.

"Why would I?", mapaglaro n'yang tanong na mas ikinainis ko. "I ask you to ride this with me. Not me letting them go.", nagbabanta n'yang sambit pero nananatili ang ngiti.

Bumuntong hininga naman ako at wala nang iba pang maisip na plano. Apat lang ang tauhan kong narito at ang iba ay nakasakay sa ibang cabin kasama ang mga tauhan ni De Niro. Hawak n'ya ang leeg ko sa ganitong pagkakataon at alam kong kasalanan ko ang lahat dahil hinayaan kong kumilos sila ng wala ako. The only way to save them is to play with this man.

I stepped inside the cabin at naghanap ng pwesto. Nang maramdaman ko ang hawak ni De Niro ay agad akong naalerto at astang hihilain ang kamay ng tapikin n'ya ang hita at mukang inuutusan akong umupo roon. Gusto ko naman s'yang sakalin sa pagkakataong 'to pero alam kong hindi ako mananalo.

"Ilalalaglag ko ang isa sa kanila kung wala ka nang ibang maupuan.", sambit n'ya dahilan para wala na akong magawa.

Dahan dahan akong umupo sa hita n'ya at komportableng humawak sa kanyang leeg. Hindi ko naman pinansin ang nagtatanong na mata ng mga kasamahan ko at tinignan lang sa mata ang lalaking to.

"Thanks for the yacht.", mahinang sabi n'ya at pinulupot ang kamay sa baywang ko. I watched how his hand interwined. "I really liked it."

'So he received it.'

I smiled. "Mabuti. I spend billions on it.", mayabang kong sabi na ikinatawa n'ya.

"I thought you're going to tail the Mayor.", kaswal n'yang sabi.

Inalala ko naman ang mga ginawa ko ngayong araw. "I did.", maikli kong sagot. "I thought it's your engagement party.", nakangisi kong sambit at nginitian lang n'ya ako.

"But I didn't see you around.", sambit n'ya at medyo hinila ako papalapit.

"I need to do something important.", maikli kong sagot at hindi naman s'ya nagsalita. "Like figuring out why the congressman is there.", napansin ko ang pagpalag ng ibang kasamahan ko nang magsabi ako ng importanteng impormasyon sa pinakamalaki naming kaaway.

Tumingin naman kung saan si De Niro at mukang nag-isip bago muling tumingin sa mga mata ko. Masyadong malapit ang muka namin kaya naman mapapansin ang bawat pagtitig n'ya sa labi at kung saan saang parte mg muka ko.

"Well, I was also surprised to see him there.", mabagal n'yang sabi at tinititigan lang ang labi ko. "I wanted to kiss you..", bulong n'ya na ikinatawa ko.

Sometimes, I really don't know what's in his mind. Sa ilang salita n'ya ay agad kong naintindihan ang sitwasyon. Mukang ginamit lang kami ng Congressman at para malaman ang galaw ng agency. Kapag kasi may gusto s'yang malaman tungkol sa Mayor ay agad namang sumasagot ang mga agent na nasa misyon at siguro dahil doon ay nalalaman n'ya kung kailan safe at hindi makipag-transaksyon pero dahil nandito na si De Niro ay wala na s'yang dapat pang itago.

"Let my people go and I'll stay.", pabulong ko ring sabi na ikinatawa n'ya.

"I am not that foolish, my lady.", he said with a devilish grinned. "Let them see how close we are.", mahina n'yang sabi at iginapang ang kamay sa likod ko. Pigil hininga ko naman s'yang tinitigan.

"Oh yeah? How's your wound?", nag-aalala kong tanong at saka mabilis na pinisil ang sugat n'ya sa braso na binaril ko. Huli na nang mahuli n'ya ang kamay ko at mas nauna ang singhal n'ya dahil sa sakit. "Looks like it's deep.", pang-aasar ko at saka inalis ang kamay ko sa sugat n'ya.

"You're so cunning..", parang bata n'yang sabi at saka itinuon ang kamay sa hita kong may hiwa. Nakalimutan kong may sugat ako roon at hinayaan s'yang gamitin 'yon laban sa'kin. Ang bilis talaga ng karma.

Hindi naman n'ya 'yon matagal kinapitan at agad ring inalis at ibinalik ang kamay sa baywang ko. Mukang ramdam n'ya rin ang tensyong nabubuo sa aming dalawa. Anytime now, one will die if we let this anger go. He avoided my gaze at nakatingin lang sa relo n'ya.

"Habang umiikot ang Ferris Wheel, bumababa ang mga tauhan mo.", seryoso n'yang sambit na hindi ko inasahan. I looked below and ganoon nga ang nangyayare, habang tumitigil kami ay may bumabana at inilalabas ang mga tauhan kong nakatali.

I looked at him and nagtaka ako nang makitang may hawak s'yang susi. "Here. It's a gift.", kinuha ko naman 'yon at sinubukan titigan kung may nakatagong kung ano roon pero it's just a genuine car key.

Base sa susi ay mukang bigatin ang regalo n'yang 'to. "There's a bomb inside that car.", kaswal kong sabi at ngumiti naman s'ya.

"Of course. Find it and live. I still need to see you.", nang-aasar n'yang sambit at pinaglaruan ang buhok ko.

Kinuha ko naman at ibinulsa ang susi. "Thanks. I didn't know you're this sweet.", malambing kong saad at hinawakan ang likod ng ulo n'ya't malambing 'yon ma hinaplos.

Lumalim naman ang tingin n'ya. Agad akong natawa nang maramdamang may nabuhay s'yang pagkalalaki. "Novaliege..", banta n'ya na mas tinawanan ko.



Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon